Wednesday , February 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘No Remittance Day’ tinangkang awatin ng Palasyo

HINIMOK ng Malacañang ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na pag-isipan muna ang planong “No Remittance day” na itinakda ngayong araw, Setyembre 9, bilang protesta sa kontrobersyal na pork barrel system.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dapat isaalang-alang ng mga OFW ang kapakanan ng kanilang pamilya sa pagtigil ng pagpapadala ng remittances.

Gayonman, nilinaw ng opisyal na iginagalang ng pamahalaan ang karapatan ng mga OFW sa pagpapahayag ng kanilang saloobin.

Una rito, nanawagan ang grupong Migrante sa mga manggagawang Filipino sa labas ng bansa na itigil ng isang araw ang pagpapadala ng remittances bilang pakikiisa sa panawagan na buwagin na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga senador at kongresista. (ROSE NOVENARIO)

‘EDSA TAYO’ TULOY NA SA SEPT. 11

TINIYAK ng organizer ng “EDSA Tayo” na tuloy ang kanilang pagtitipon sa Miyerkles, Setyembre 11.

Ayon kay Mr. Junep Ocampo, organizer ng “EDSA Tayo,” 11 a.m. mag-uumpisa ang pagtitipon-tipon sa EDSA para sa prayer vigil at dakong 5 p.m. magtatapos.

Hinikayat naman ni Ocampo ang publiko na makiisa sa prayer vigil at sabay-sabay ipanalangin sa Diyos ang bansa at ipakita kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na talagang nais ng taumbayan na tuluyang buwagin ang pork barrel system.

Sa kabilang dako, tiniyak ni Ocampo na isa itong prayer vigil at malayo na magiging sanhi ito ng kaguluhan.

Samantala, una nang sinabi ni PNP PIO chief, Senior Supt. Reuben Theodore Sindac na nakipagpulong na si Ocampo at ilang mga opisyal ng NCRPO upang matiyak ang seguridad sa nakatakdang prayer vigil.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sand Beach

Batang nawala natagpuang nakalibing sa buhangin

WALA nang buhay ang isang 11-anyos batang lalaki nang matagpuan nitong Lunes, 9 Pebrero, na …

Hand Baby Dead

Buntis sa barangay bibilangin
Bangkay ng bagong silang na sanggol lumutang sa sapa

LUMUTANG sa isang sapa ang bangkay ng isang bagong silang na sanggol sa lungsod ng …

Kyumter Kilos Konsyumer - Komyuter

P5-B kabang yaman nasayang sa PUV modernization – Kyumter

BINATIKOS ng grupong Kilos Konsyumer – Komyuter (Kyumter) ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) …

Quezon City QC

Gatas ng Ina sa QC palalakasin pa, non-QCitizens nabahaginan rin

BUNGA ng matagumpay na resulta ng programang Quezon City Human Milk Bank (HMB) ng Local …

Fire

Sa Paco, Maynila
Sunog sumiklab, 2 residente, bombero sugatan

SUGATAN ang tatlo katao kabilang ang isang bombero habang 10 pamilya ang nawalan ng matutuluyan …