Wednesday , February 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bold music video ng Pinoy band, banned sa Facebook, Youtube!

TINANGGAL ng social media networks na Facebook at Youtube ang kauna-unahang music video ng OPM teen band na Line of 7 isang araw matapos itong i-post dahil sa laman nitong hubaran.

Ang sinasabing malaswang promotional video ng banda para sa single na Langit ay nagpapakita ng dibdib at pribadong ari ng babae. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may music video na ganito ka-wild sa Pilipinas.

Naging trending topic agad sa Facebook at Twitter ang video. Habang ang ilan ay naaliw dito, mayroon din namang nabastusan kaya nila ito isinumbong bilang “inappropriate content.”

“Our music video depicts the sexual fantasies of male Filipino teens on their remedial class teacher. It is the first of its kind in the Philippines,” sabi ng Line of 7 lead guitarist at second vocalist na si Alex Dieudonne.

“’Di dapat ito tinanggal sa FB at Youtube. Gusto lang naming ipakita ang totong iniisip ng katulad kong binatilyo sa kanilang sexy titser sa loob ng klase. Mas nakatatawa ang video kaysa bastos!” dagdag n’ya.

Binubuo ng bokalistang si Argee Golding, bassistang si Seth Torralba, drummer na siMatt Ong, at si Dieudonne, ang Line of 7 ay nagsasabuhay sa katotohanan ng mga kabataan sa ngayon. Ang pangalan ng banda ay hango sa mababang grado sa paaralan.

Ang indie actress na si Lang Sky ang tumayong titser sa video na idinerehe ni Ace Villena at ipinrodyus ng band manager na si Chris Cahilig. Ang kantang Langit ay komposisyon ni Urie Tesorio at naging ”Most Wanted Song” sa 97.1 Barangay LS.

Ayon kay Ong, mapapanood pa rin sa Youtube ang ”wholesome” na bersiyon ng music video habang ang ”for adults only” na bersiyon ay kumakalat na sa iba’t ibang mga porn site.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mark Herras Coco Martin

Netizen nanawagan kay Coco, Mark bigyan ng trabaho

MA at PAni Rommel Placente NAG-VIRAL ang crying video ni Mark Herras sa kanyang Instagram page. May mga nagsasabing …

Dylan Menor

Dylan Menor pressured sa serye ng Viva

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MABENTANG-MABENTA sa mga project si Dylan Menor at nasabi nitong doble ang excitement …

Mark Herras Crying

Mark dinagsa ng simpatya ng mga kapwa artista

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKALULUNGKOT namang talaga ang nangyari kay Mark Herras na balitang hiniwalayan na nga …

Ejay Falcon Bong Revilla

Ejay nalungkot sa pagkakakulong ni Bong

RATED Rni Rommel Gonzales APEKTADO si Ejay Falcon sa pagkakaaresto at pagkakakulong ni dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, …

Kurt Veneracion AshDres

Kurt Veneracion type ‘guluhin’ ang AshDres

PANG-WHOLESOME ang hitsura ng baguhang aktor na si  Kurt Veneracion. Maituturing siyang guwapings o Adonis sa VMX.  …