Monday , May 27 2024

Video scandal nina Wally at EB Babes dancer Yosh, viral na

MARAMI pa rin ang hindi natututo sa kinahinatnan ng sex video nina Hayden Kho-Katrina Halili at Neri Naig-Chito Miranda dahil isa na namang sex video ang kumakalat ngayon sa internet. Viral na sa social media ang sexy video umano ng komedyante at Eat Bulaga! host na si Wally Bayola kasama ang isa sa miyembro ng EB Babes Dancers na si Yosh Rivera.

Napag-alaman naming last week pa may nag-upload ng video na ito subalit hindi kaagad kumalat dahil kasagsagan iyon ng pagkahuli at usapin tungkol kay Janet Lim-Napoles. Noong Setyembre 2 lamang iyon napansin at kahapon tuluyang kumalat at naging usap-usapan na. Nai-upload na ito sa Youtube at Facebook na isang fan page pa ang ginawa para rito.

Tumagal ang video ng apat na minuto. Aware sila na may video dahil ang lalaki mismo ang nag-aayos niyon para mas maayos ang pagkakakuha sa kanila. May panaka-nakang tumitingin din ang babae sa camera. Roon ay makikitang nagtatalik ang isang kalbong lalaki at isang babae, Pero bago iyon, sa umpisa’y malinaw na nakita ang mukha ng lalaking kalbo kaya naman hindi kataka-takang ang mga comment ng fans ay nagsabing hawig nina Wally at EB Babe Yosh.

May nagkomentong medyo dry ang sex video na iyon na naging hindi maganda sa bandang huli dahil ipinakita pa ang kasarian ng babae habang may inilalabas.

Mayroon namang hindi makapaniwala at nagsasabing baka kamukha lamang daw iyon ni Wally.

Hindi pa alam kung sino ang nagpakalat ng video sa social networking site at wala pang pahayag ang Eat Bulaga! host at ang sinasabing katalik na EB Babe dancer.

May mga nag-text naman sa TAPE Inc. Senior Vice President and COO Malou Choa-Fagar para hingan ng komento at ang sagot nito’y “None”.

Noong Lunes at kahapon ay wala sa programa si Wally.

Bukas ang aming pahina sa anumang pahayag nina Wally at Yosh.

Samantala, isang text din ang aming natanggap mula naman sa manager ng Sexbomb na si Joy Cancio. May mga nagte-text din daw kasi sa kanya at itinatanong kung member ng Sexbomb ang sinasabing kasama sa sex video.

Ani Joy, wala silang nagngangalang Yosh na miyembro ng Sexbomb.

 
Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Alessandra Cruz

Alessandra Cruz, game pagpantasyahan ng mga kelot

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATINDI ang lakas ng dating sa mga barako ng newbie …

Joshua Garcia inalala pagiging Ultimate Boyfriend ng TikTok

Joshua Garcia inalala pagiging Ultimate Boyfriend ng TikTok

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TULAD ng maraming matagumpay na celebrities sa Tiktok, masasabing nagsimulang magka-lovelife …

Aktor ginamit ang power para mawalan ng trabaho kapwa aktor    

COOL JOE!ni Joe Barrameda I feel sorry para sa aming kaibigan na nawalan ng trabaho …

mWell MVP Martin Nievera Regine Velasquez Ogie Alcasid

Martin, Ogie, Regine nakiisa sa unboxing ng newgen watch at precious ring ng mWell

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGANG-BONGGA ang ginanap na ‘unboxing’ ceremony ng mWell, ang health app ng Metro …

Regine Tolentino iSkin Aesthetic Lifestyle Kate Pagkalinawan

Regine no-no muna sa movie & tv projects

I-FLEXni Jun Nardo TUTOK sa kanyang negosyo at pagsasayaw si Regine Tolentino kaya hindi muna siya tumatanggap …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *