Friday , January 21 2022

Maricel, na-miss ang showbiz kaya nasobrahan ang kadaldalan

HALATANG na-miss ni Maricel Soriano ang showbiz dahil sa ginanap na presscon ng Momzillas kasama sina Joey Paras, Candy Pangilinan, Andi Eigenmann, Billy Crawford, at Eugene Domingo at Direk Wenn Deramas sobrang daldal niya. Isang tanong lamang sa kanya ay napakahaba na ng sagot niya at with matching halakhak pa.

Tawa ng tawa ang lahat habang nagkukuwento ang dalawang komedyana kung paano nila natapos ang Momzillas at bitin nga raw sila dahil pakiramdam nila ay ang bilis-bilis nila itong natapos.

“Bitin nga, nakailang eksena lang kami, tapos pack-up na pala, sabi nga namin kay direk Wenn (Deramas), tapos na? Baka may nalimutan ka pang eksena, puwede kaming bumalik,” say ni Marya.

Samantala, nagustuhan ni Marya si Uge dahil, “isa siyang totoong kaibigan, masaya kami sa set na hindi naramdaman talaga ang 13 sequences kasi nga tawa kami ng tawa, sobrang saya tapos nagtataka ang iba kasi bakit daw ang dali naming natapos ang mga eksena, parang ang dali raw naming nag-shooting.

“Siguro sa sobrang dedikasyon namin sa trabaho, hindi kami nagmumukhang nahihirapan kaya namin natatapos agad at hindi kami mukhang pagod kasi enjoy na enjoy kami talaga.

“‘Yun pa ‘yung maganda na maagang dumarating sa set kasi nakapaghahanda na.”

Isa kami sa nagulat sa sinabing maagang dumarating sa set si Maricel dahil tanda namin noon ay nali-late siya sa set.

At pinatotohanan naman nina Direk Wenn at Eugene na maagang dumarating sa location si Maricel at feeling nga raw nila ay negosyo ng komedyana ang mga tent at portalet dahil nasasaksihan nito kung paano itayo ang mga iyon.

“Nauuna pa siya sa tent, so feeling ko, supplier din siya,” tumawang sabi ni Uge.

Sundot naman ni Maricel, “hindi, siguro talagang tsismosa lang ako kasi gusto kong tsumika talaga. Ito ang pelikulang enjoy na enjoy talaga ako at looking forward talaga akong dumating ng maaga.”

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Maria Ozawa Jose Sarazola

Chef Jose at Maria ‘di kinaya ang LDR kaya naghiwalay

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Chef Jose Sarasola na hindi nila kinaya ng Japanese celebrity na …

Jessy Mendiola

Jessy pinalagan basher na bumasag sa hilig niyang mag-exercise

MA at PAni Rommel Placente ISA pang pumatol sa basher ay si Jessy Mendiola. Nag-comment kasi …

Rabiya Mateo

Basher na kumuwestiyon sa pag-arte ni Rabiya nag-deactivate ng account

MA at PAni Rommel Placente NOONG Lunes ay nag-post si Rabiya Mateo ng photos niya na tumutulong …

Blind Item, Mystery Man, male star

Aktor mabilis naglaho ang boy next door appeal

HATAWANni Ed de Leon MGA ilang buwan lamang ang nakararaan, poging-pogi ang dating ng isang male …

Vilma Santos

Ate vi nagsalita na sa tunay na dahilan ng pagtalikod sa politika

HATAWANni Ed de Leon NGAYON, maging ang mga kritiko ay nagsasabing talagang napakahusay gumawa ng …

Leave a Reply