Wednesday , November 13 2024

DA meron sariling ‘Napoles’

090413_FRONT

ISINIWALAT ngayon ng isang abogado ang daan-daang milyong pisong naibubulsa mula sa mga transaksyon sa Department of Agriculture (DA) sa isang modus na “kalokalike” ng kay Janet Lim Napoles.

Habang sunod-sunod ang depensa ng DA at ng NFA dahil sa halos kalahating milyong scam sa pag-aangkat ng bigas, isa na namang taxpayer at volunteer counsel ng Volunteers Against Crime and Corruption na nagngangalang  Atty. Ariel Genaro G. Jawid ang nagsiwalat ng katiwalian sa maanomalyang importasyon ng produktong agrikultura sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng Bureau of Plant Industry (BPI), isang attached agency ng DA.

“Hindi na bago sa atin ito. Nga lamang, hindi Kongreso ang may kinalaman sa mga transaksyon kundi ang Department of Agriculture. Meron silang sariling in-house version ni Janet Lim Napoles sa katauhan ng isang Leah Cruz – na nakikinabang mula sa ilegal at di-makatarungang mga transaksyon kasama ang Bureau of Plant Industry na nagkakahalaga ng P200-milyon sa nakalipas na taon. Walang ipinagkaiba sa mga pekeng NGO ni Janet Napoles, ang mga kompanyang pag-aari ni Leah Cruz ay nakapangalan sa kanyang mga driver, katulong at mga empleyado,” pahayag ni Jawid.

Ayon pa sa abogado, “ang mga kompanyang ito ay ang natatanging napag-ambunan ng mga revalidated importation permits na inisyu ng Bureau of Plant Industry at ang mga ito lamang ang nabiyayaan ng pagkakataong umangkat ng agricultural products mula sa ibang bansa mula noong kalagitnaan ng taon 2012 hanggang ngayon.”

Base sa mga dokumentong hawak ni Jawid, sinabi niya na isang Memorandum ang inilabas ni Director Clarito M. Barron ng BPI noong Abril 20, upang palabasing nais nilang buhayin ang industriya ng bawang sa bansa alinsunod sa ibinalangkas na Garlic Industry Development road Map. Ngunit hindi pa man nakararating sa mga patutunguhang ahensya, opisyal at kawani ng pamahalaan ang nasabing Memorandum ay biglang  iniatras ang nasabing instrumento dahil umano sa hablang inihain laban dito.

“Ang problema, hindi nasolusyonan ng nasabing lifting ng nasabing Memorandum ang malaking gusot sa pag-aangkat ng bawang. Wala sanang kwestiyon dito kung hindi tayo binabaha ng daan-daang container ng smuggled na bawang sa mga palengke,” dagdag ni Jawid.

Aniya, matapos iatras ang ban sa importasyon ng bawang, umalagwa na ang mga kompanya ni Leah Cruz at tanging sila lamang ang nabiyayaang makapagpalusot ng barko-barkong inangkat na bawang mula sa kalagitnaan ng 2012 hanggang sa mga oras na ito dahil sa rebalidasyon ng kanilang Importation Permits. Sa pagtaya ni Atty. Jawid, umaabot na sa P192 milyon ang kinikita ni Cruz galing sa kanyang mala-monopolyong importasyon ng bawang.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *