Saturday , June 22 2024

Alyas Dennis ‘BIR’ sinusuway ang daang matuwid ni PNoy (Paging: DoF Sec. Cesar Purisima)

00 Bulabugin
IPINAGMAMALAKi ni alyas DENNIS ‘BIR’ na wala siyang ‘daga sa dibdib’ at hindi niya kailangan maghinay-hinay kapag nabunyag ang pandarayang ginagawa niya sa gobyerno lalo na ang kanyang walang sawa at tila sky’s the limit na pagsaSABONG.

FYI po Madam BIR Commissioner KIM HENARES, ‘yang si DENNIS d’ menace BIR, na nakatalaga sa isang district office sa Metro Manila ‘e mas madalas pang makita sa mga SABUNGAN sa lalawigan ng Rizal kaysa nagtatrabaho sa opisinang kanyang kinatatalagahan.

Isa pang TIP, Madam KIM, ipagtanong ninyo d’yan sa mga sabungan d’yan sa Texas Cockpit sa Antipolo, San Roque sa Marikina, sa Santa  Monica Cockpit at sa San Juan Coliseum ‘yung entry name sa mga malalaking derby na KING NAMU.

Madam KIM, sikat na sikat po ‘yang entry name na ‘yan dahil MILYONES lagi ang PARADA n’yan.

Marami talaga ang nagtataka kung saan kumukuha ng milyones na kwarta si alyas DENNIS BIR para ipansabong.

At higit sa lahat, hindi man lang NATATAKOT si DENNIS BIR na baka isang araw ay imbestigahan siya at isalang sa LIFESTYLE check ng DOF-RIPS.

KANINO nanghihiram ng LAKAS ng LOOB at KAPAL ng MUKHA si alyas DENNIS BIR at nagagawa pa niyang ipagmalaki ang MILYON-MILYONG PARADA sa sabungan?!

By the way, madam KIM HENARES, pinagbabantaan nga pala kami niyang kamoteng si alyas ‘DENNIS BIR’ na ipasasara niya ang diyaryo namin … para MAPATUNAYAN lang niya kung gaanon siya KATIKAS d’yan sa ahensiya ninyo.

Matikas nga ba si alyas ‘DENNIS ‘lo diyes’ BIR’ sa ahensiya ninyo Madam Kim?

Pakisagot lang po.

NBI ‘NAWASAK’ KAY P10-B PORK BARREL QUEEN JANET LIM NAPOLES

NGAYON po ay aktuwal na nating nakikita ang impact at chain reaction ng ginawang pagtanggap ni Pangulong Benigno S. Aquino kay P10-billion pork barrel queen Janet Lim Napoles nang sumuko sa Malacañang.

Imbes i-RECTIFY ni NOYNOY ang ginawa niyang insulto sa sambayanan nang harapin niya ang isang gaya ni Napoles  sa Malacañang ay SINUHAYAN pa niya ang kabastusang ito ng pag-upasala at panliliit sa ahensiya (National Bureau of Investigation)  na una nang nag-iimbestiga sa bilyon-bilyong pisong pork barrel na ibinulsa (ninakaw) ni Napoles kasabwat ang ilang tulisang senador at kongresista.

Mabuti na lamang at mayroong DELICADEZA si NBI Director Nonnatus Ceasar Rojas kaya agad siyang naghain ng irrevocable resignation matapos ihayag ng Pangulo na mayroon daw “less trustworthy officials” sa NBI.

Ikinatwiran kasi ng Pangulo na kaya niya idineretso si Napoles sa CIDG sa Camp Crame dahil mayroon daw nag-leak ng pag-aresto (sana) nang lumabas ang warrant of arrest ni Ma’m Janet ( tawag ni Sec. Mar kay Napoles).

Dalawang opisyal din umano ng NBI ang malapit sa dalawang Senador na isinasangkot sa P10-billion pork barrel scam.

Tsk tsk tsk …

Mukhang nagtagumpay ang ‘spin doctor’ ni NAPOLES na gibain ang ahensiyang nag-iimbestiga sa hawak nilang 10 whistleblowers na nagdetalye kung paano nag-o-operate ang kanyang ‘non-government organizations (NGOs) para limasin ang pork barrel ng mga mambabatas patungo sa kani-kanilang bulsa.

Sa huling ulat, naghain na rin ng “courtesy resignation” si Deputy Director Edmund Arugay.

Ito ay kaugnay ng pahayag ni Justice Secretary Leila De Lima na imbes si NBI Director Rojas ang mag-resign, dapat umano ay ang tatlo o apat na deputy directors na palagiang nasasangkot sa eskandalo ang maghain ng pagbibitiw.

Ang pagbibitiw ni Rojas, at ng iba pang deputy director ng NBI ay naganap sa panahon na naghahanda ang ahensiya para ihain ang mga kaukulang kaso laban kay Napoles at sa kanyang mga kasabwat kaugnay ng P10-billion pork barrel scam.

Kung mabibigo ang NBI sa pangunguna ni Director Rojas na maihatid ang katarungan sa mamamayan … ito lang ang masasabi ko …

Congrats JANET LIM NAPOLES …money really talks!

SEX VIDEO NG KABABUYAN NA NAMAN!

KAHAPON ay kumalat na naman at naging viral ang sex video ng komedyanteng si Wally Bayola at EB babes Yosh sa internet at sa iba pang social media sites.

Dalawang araw na rin hindi napapanood si Bayola sa noontime show na Eat Bulaga.

Habang isang TV network ang nag-post nito sa isang social media site.

As usual, s’yempre may magrereklamo na naman. Gagayahin si Marjorie Barreto at Chito Miranda, pupunta sa National Bureau of Investigation (NBI) o sa CIDG para magreklamo at ipa-TRACK kung sino ang nag-upload ng nasabing SEX VIDEO scandal.

Ginawa na nina Marjorie Barretto at Chito Miranda na pagkatapos kuhaan ng video ang mga sarili nila sa paggawa ng isang bagay na hindi naman nila dapat ipagmalaki ‘e magrereklamo na kumalat kuno ang kanilang video o larawan na for ‘PRIVATE CONSUMPTION’ lamang.

Pakengsyet!!!

Kukuhaan ninyo ang mga sarili ninyo tapos kapag nag-LEAK  ‘e para kayong mga PRANING na aalamin kung sino ang SOURCE?

‘E hindi ba kayo ang source n’yang kalaswaan na ‘yan!?

Gagamit pa kayo ng mga abogadong gaya ni Atty. Lorna Tapunan ‘este’ Kapunan na mananakot na kapag hindi namin ibinunyag kung sino ang source namin ‘e kakasuhan kami?!

Sonabagan!!!

‘Wag kayong magpakuha na nakabikangkang at nakaluwa ang dibdib n’yo kahit ‘for private collection’ kasi sa totoo lang hindi ‘yan gawain ng taong may matinong pag-iisip.

In short, huwag n’yo kaming idamay sa mga kaburaraan ninyo!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Samuel Pabonita Pasay Police

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad …

3,000 Caviteños Cayetano DSWD

3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD

PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa …

062124 Hataw Frontpage

Indigenous gas dev’t bedrock ng PH sa kinabukasan ng enerhiya — Prime Energy exec

TAHASANG sinabi ng isang executive officer ng Prime Energy Resources Development (Prime Energy) na hindi …

062124 Hataw Frontpage

2 medyas na puno ng dolyares nawalis sa NAIA3

HATAW News Team TINATAYANG P1.1 milyon ang halaga ng mga dolyares na nadiskubre sa dalawang …

Rhen Escano

Karma ni Rhen pang Hollywood-level

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Rhen Escano na sobra siyang nahirapan sa paggawa ng action film, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *