Wednesday , October 20 2021

Tag Archives: Ombudsman

Gov. Suarez, abogadang anak inasunto sa Ombudsman

Danilo Suarez, Joana Suarez, Ombudsman, Citizens Movement Against Corruption Crime Illegal Drugs and Gambling Inc.

INIANUNSYO nitong Linggo ng grupong Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling, Inc., sa pamumuno ni Prof. Salvador Singson-de Guz­man na sinampahan ng kasong kriminal at admi­nis­tratibo sa tanggapan ng Ombudsman si Quezon Province Governor Danilo Suarez at ang anak niyang abogadang si Atty. Joana Suarez. Kasong kriminal at administratibo ang kinakaharap ng mag-amang Suarez na kinabibilangan ng …

Read More »

Kaso vs QCPD Yarra ikakasa sa Ombudsman (Sa utos ng ilegal na pag-aresto?)

100421 Hataw Frontpage

NAKATAKDANG sampahan ng patong-patong na kaso ng Globaltech Mobile Online Corporation sa Office of the Ombudsman si Quezon City Police District (QCPD) director, P/BGen. Antonio Yarra kaugnay sa sinabing utos niyang pag-aresto umano sa mga kawani ng Perya­han ng Bayan kamakailan sa lungsod. Ayon kay Atty. Bernard Vitriolo ng Globaltech, ito ay direktang paglabag sa karapatan ng kompanya na ipagpatuloy …

Read More »

Globaltech vs QCPD-PS2 Claravall, et al (Mga kasong kriminal at administratibo)

Globaltech Mobile Online Corporation, Peryahan ng Bayan, PCSO, Ombudsman, PLt Col Ritchie Claravall, QCPD-PS2, Masambong

SINAMPAHAN ng patong-patong na kaso sa Office of the Ombudsman nitong Biyernes, 24 Setyembre si P/Lt. Col. Ritchie Claravall at ang kanyang limang tauhan sa Quezon City Police District Masambong Station (QCPD-PS 2) dahil sa pagbalewala sa umiiral na kautusan ng korte sa patuloy na operasyon ng Peryahan ng Bayan ng Globaltech Mobile Online Corporation. Batay sa mga reklamong kriminal …

Read More »

‘Pharmally deals’ scam of the decade

091521 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO MAITUTURING na ‘scam of the decade’ ang maanomalyang paggagawad ng administrasyong Duterte ng P12 bilyong halaga ng kontrata sa Pharmally Pharmceutical Corporation para sa medical supplies. “The Pharmally Deals have the makings of a ‘scam of the decade’ that could rival the Napoles PDAF scam,” sabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, Jr. Mas malaki …

Read More »

SALN ng Ilocos Sur official bubusisiin

HINIKAYAT ng isang grupo ng mga nagpapa­kilalang Die-hard Duterte Supporters (DDS) ang pamahalaan na imbes­tigahan ang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ni dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson na naging kongresista rin at konsehal ngayon ng bayan ng Narvacan. Anila, may kaso dati si Singson sa Office of the Ombudsman kaugnay ng pagbulsa sa bahagi ng …

Read More »

Sharon, nanindigan: Kiko, ‘di korap

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

MINSAN nang nanindigan si Sharon Cuneta na sa loob ng mahabang panahong nasa puwesto ang kanyang kabiyak na si Senator Francis  “Kiko” Pangilinan ay hindi kailanman maaaring akusahang corrupt. Sa ilalim ng PNoy administration ay nagsilbing Kalihim ng DILG si Kiko nang ‘di pinalad sa VP post. Handa si Sharon na patunayan that her life partner is not a crook. …

Read More »

7 mahistrado ng SC sinampahan ng impeachment

Edcel Lagman Gary Alejano Teddy Baguilat

SINAMPAHAN ng op­position congressmen ng impeachment com­plaints ang pito sa walong mahis­trado ng Korte Suprema na bumoto para mapa­talsik sa puwesto si da­ting Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Inireklamo ng cul­pable violation ng Consti­tution at betrayal of pub­lic trust sina Justices Teresita de Castro, Dios­dado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes, Francis Jardeleza, Noel Tijam at Alexander Gesmundo. Hindi isinama sa …

Read More »

Public officials hindi dapat exempted sa bank secrecy law

MAGTAGUMPAY kaya ang hangarin ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa inihain niyang House Bill No. 7146, bilang amyenda sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees? Naglalayon itong pasulatin ang public officials and employees na magbigay ng written permission para payagan ang Office of the Ombudsman na ma-examine, at matanong ang kanilang bank deposits. …

Read More »

Mag-amang Tan ng Sulu inasunto sa Sandigan

SINAMPAHAN na ng kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang isang dating gobernador ng Sulu at kanyang anak dahil hindi naghain ng statements of assets, liabilities and net worth (SALN). Base sa charge sheets na nilagdaan ni Assistant Special Prosecutor III Jorge Espinal, sinampahan ng kaso sa Sandiganbayan si dating Sulu governor Abdusakur Tan at anak na si Maimbung Mayor Samier …

Read More »

Rep. Gwen Garcia sibak sa P100-M Balili property

HINDI pa nga mapanindigan ang basehan sa pagpapatalsik kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, heto ipinasibak na ni Ombudsman chief Conchita Carpio Morales si Rep. Gwen Garcia ng Cebu dahil sa kuwestiyonableng pagbili ng P100-milyong Balili Property sa Tinaan, Naga, Cebu. Klaro umano sa dismissal order ang parusang habambuhay na diskuwalipikasyon sa public office, kanselasyon ng eligibility, at …

Read More »

‘Mole’ ni Trillanes sa Ombudsman suspendido

SUSPENDIDO ng 90-araw at kinasuhan ng Palasyo  si Overall Deputy Ombudsman Mel­chor Arthur Carandang, ang sinasabing ‘mole’ ni Sen. Antonio Trillanes  IV sa akusasyong may ill-gotten wealth ang pamilya Duterte. Sa press briefing kahapon sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pormal nang sinampahan ng Office of the Executive Secretary si Carandang ng mga kasong grave misconduct at grave dishonesty dahil sa ‘di-awtorisadong …

Read More »

Relampagos ‘susi’ sa pork barrel scam (Pinababalik sa PH)

BUMALIK sa bansa at ikanta ang lahat ng nalalaman kaugnay sa pork barrel scam. Ito ang panawagan ng Palasyo kay dating Budget Secretary Mario Relampagos na tinakasan ang mahigit 300 kasong may kaugnayan sa pork barrel scam matapos payagan ng anim sa pitong division ng Sandiganbayan na magtungo sa US noong nakaraang buwan. “Well, kung ikaw ay inosente, bumalik ka …

Read More »

PNU prexy, 3 opisyal sinibak ng Ombudsman (Sa US$25,000 magazine ad contract)

INIUTOS ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa serbisyo kay Philippine Normal University (PNU) president Ester Ogena at tatlo pang mga opisyal ng unibersidad bunsod ng mahigit $25,000 advertisement sa isang international magazine. Sa desisyong pinirmahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales noong 24 Oktubre 2017, ang pagsibak kay Ogena ay makaraan mapatunayan ng anti-graft body  na siya ay guilty …

Read More »