Blog

  • Tax amnesty sa Munti hanggang Disyembre 31

    MULING ipinabatid ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na hanggang Disyembre 31, 2013 na lamang ang tax amnesty na ibinigay ng pamahalaang lokal sa nakaambang bayarin ng mga negosyong may penalties at naipong interes sa mga real property tax (RPT).

    Ayon sa alkalde hangad ng hakbang na ito na muling buhayin ang business sector ng Lungsod na nakaranas ng mabagal na pag-unlad sa nakaraang anim na taon.

    Ito ay konektado pa rin sa hamon na kinakakaharap ng Muntinlupeño na mabayaran ang mahigit P1 bilyon utang sa ilalim ng nakaraang administrasyon na lubos na nagpahirap sa mga nesgosyante at pumigil sa pagdadala ng basic services mula sa Pamahalaang Lungsod.

    Naniniwala si Fresnedi, ang pagbibigay ng tax amnesty ay makatutulong sa mga negosyo na makapagsimulang muli at ito naman ay magsisilbing puwersa upang muling buhayin ang kalakalan sa Muntinlupa.

    “Kinikilala natin ang kahalagahan ng ating business sector bilang isa sa ating katuwang sa pag-unlad,” ayon pa kay Fresnedi.

    Matatandaan na nahalal na mayor sa Muntinlupa si Fresnedi nitong nakalipas na eleksyon at nang maglingkod sa mga mamamayan ay agad siyang nagbigay ng tax amnesty base sa ipinasang resolusyon ng Sangguniang Panlungsod.

    (MANNY ALCALA)’

  • 4 patay sa Aurora landslide

    PAWANG namatay ang apat na miyembro ng isang pamilya matapos silang matabunan ng lupa  sa naganap na landslide sa San Ildefonso, Casiguran, Aurora kamakalawa ng gabi.

    Ayon sa Casiguran Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, dulot ito ng matinding buhos ng ulan mula pa kamakalawa.

    Bunsod ng malakas na buhos ng ulan ay lumambot ang lupa sa bundok ng Brgy. San Ildefonso kaya tuluyan itong gumuho.

    Nagkataon nasa ibaba ng bundok ang bahay ng pamilya kaya natabunan ang mga biktima.

    Inilikas na ang ibang mga residente sa lugar upang makaiwas sa posible pang pagguho ng bundok.  (BETH JULIAN)

  • Kelot sinuba sa sex 2 bading tinarakan

    HALOS manghiram ng mukha sa aso ang isang lalaki nang kuyugin ng taumbayan matapos pagsasaksakin ang dalawang bading na make-up artist dahil sa hindi pagbabayad makaraan ang pakikipag-sex ng isa sa mga biktima kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

    Arestado ang suspek na kinilalang si Lester delos Santos,19, ng Barrio San Jose, Navotas City, na bugbog ang inabot at nahaharap sa kaukulang kaso habang nakapiit sa detention cell ng Navotas Police.

    Ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang mga biktimang kapwa 29-anyos na sina Roderick Doctor alyas Regine, at Allan Kahulugan alyas April, residente ng #60 Samson St., Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa mukha at likod.

    Sa ulat ng pulisya, dakong 12:30 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng dalawang make-up artist sa nasabing lugar.

    Dumating ang suspek at tumabi sa natutulog na si Doctor hanggang mauwi sa pakikipagtalik.

    Matapos ito, hinihintay ng suspek ang napag-usapang P200 bayad ngunit hindi siya binigyan hanggang magkaroon ng mainitang pagtatalo at pinagsasaksak ni Delos Santos si Doctor at si Kahulugan.    (R. SALES)

  • Well-meaning Pinoy musicians in concert (Kapit-kamay para sa mga biktima ni ‘Yolanda)

    120513 bagong pagasa 121313 bagong pagasa

    MAGSASAMA-SAMA ang mahuhusay at kinikilalang Pinoy musicians sa limang oras na awitan at tugtugan upang makatulong sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.

    Ang konsiyertong “Bagong Umaga Bagong Pag-asa” ay gaganapin sa Sabado, Disyembre 14, ika-7 ng gabi hanggang alas-12 ng hatinggabi sa Pagcor  Theater, Casino Filipino Parañaque.

    Matutunghayan sa fund-raising concert ang kakaibang pagtatanghal ng mga respetadong Filipino artist na sina  Faith Cuneta, Phil. Pop Rock Prince Mark Mabasa Arthur “The Crooner” Manuntag, Classic Diva Fame Flores, Marc ‘Ordinary Song’ Velasco, Jograd Dela Torre, Romy Jorolan, Henry Katindig and Jeannie Tiongco, Darius Razon, Edgar Opida, Bobby Mondejar and Friends, Albert Depano, Jesse ‘Banyuhay’ Bartolome, Atty. Bong Baybay, Gabby Cristobal, Aurora, Beng Karganilla, The Rhythm of 3, Francis Bax, Gene Lucena, Leonard De Leos, Roy Zulueta, Carlo Magno, Lander Blanza and the Northstar Band, Bong Jadloc, Karaoke World Champions JV Decena and Lilibeth Garcia, Pilipinas Got Talent Finalist Lucky Robles, World Competition of Performing Arts (WCOPA) Champions Marielle Mamaclay, Lady Onnagan, Joshua Marquina at iba pang sorpresang panauhin.

    Habang magsisilbing hosts sa konsierto sina Ms. Francine Prieto at Mr. Bob ‘Blues’ Magoo.

    Ang ticket ay mabibili sa halagang P500 sa entrance ng Pagcor Theater at lahat ng kikitain sa konsiyerto ay agad ipagkakaloob sa Philippine Red Cross (PRC) matapos ang limang oras na pagtatanghal.

  • Si MPD DD Gen. Gani Genabe ang dapat sibakin (Bakit apat na MPD station commanders lang?!)

    00 Bulabugin JSY

    KUNG peace & order at vices sa Maynila ang pag-uusapan natin ngayon, e hindi lang ‘yung apat na station commanders ang dapat sibakin.

    Dapat lahat!

    O kaya dapat si MPD district director Gen. Isagani Genabe na ang palitan.

    Pasintabi lang po …

    ‘E kahit saan naman po kayo magpunta ngayon dito sa Maynila, hindi maikakaila ang mas talamak na 1602 lalo na ang BOOKIES ng karera, ng antigong gambling lord (GL) na si alias BOY ABANG SIMBULANG gayon din ang 1602 ni Edna/Enteng, D. Rosario at Tata Lespu Paknoy.

    Hindi kaya alam ni Gen. Genabe na isang alyas Philip ang naghahatid ng TIMBRE ni Boy Abang sa halos lahat ng unit at estasyon ng MPD.

    Sa iyo kaya, General, may nakararating ba sa iyo?!

    E ‘yung PATAYAN at DROGA naman sa BASECO, General Genabe?

    Mayroon ka na bang naisip na solusyon kung paano wawakasan ang talamak na patayan at shabuhan sa BASECO?!

    E mantakin ninyong mas makapangyarihan pa sa PULIS ang MASASAMANG LOOB d’yan sa BASECO.

    Hindi kaya, maging mas epeketibo pang law enforcer ang mga gun for hire d’yan sa BASECO, kasi mas may BALLS sila kaysa mga lespu na nakatalaga d’yan?!

    Buti pa ‘yang mga gun for hire, anytime of the day, ay nakapag-i-execute ng plano nilang maglikida ng mga taong iniuupa sa kanila.

    E ‘yung mga pulis, hindi makapag-execute ng SECURITY PLAN laban sa mga kriminal.

    SONABAGAN!!!

    E ‘yung talamak na PANGONGOTONG ng ilang pulis, MTPB at MPD-TEU?  Natigil na ba?!

    Hilahod na ang mga JEEPNEY DRIVERS!

    ‘Yung MASA-mang UNIT sa City Hall na panay ang huli ng mga delivery van ngayon sa Divisoria at parang CUSTOMS na iniinspeksiyon ang mga item …

    Alam kaya ‘yan ni Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr.?

    Major Irinco, taga-Customs na ba ‘yang mga bata mo. Alam mo ba ‘yun?

    Sabi nga ng mga urot sa MPD-HQ, hindi lang apat na station commanders ang dapat SIBAKIN sa Manila Police District (MPD) lahatin na at sumama na rin si Gen. GENABE.

    Ay sus!

     

    [divider]

    [highlight]Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com[/highlight]

    [divider]

  • Good riddance Secretary Ricky Carandang

    00 Bulabugin JSY

    NAGBITIW na (sa wakas?) si Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) chief, Secretary Ricky ‘ces’ Carandang.

    Maliban sa pahayag na ginawa na raw niya ang kanyang tungkulin, wala nang iba pang sinabi si Carandang kung ano ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.

    Epektibo na ang kanyang resignasyon hanggang Disyembre 31. At pagkatapos nito ay lilipat na siya sa isang pribadong kompanya (o balik ABS CBN?)

    GOOD RIDDANCE ba ito?!

    Ano ba ang ginawa o nagawa ni Carandang sa PNoy administration?! Mayroon bang naaalala ang sambayanang Pinoy na ginawa niya para sa bayan o pagandahin at idepensa ang mga bumabatikos kay PNoy?!

    ‘E ‘di nga ba’t sumikat nga lang siya dahil sa pagbili ng mamamahaling GADGET (Mac computers) para sa opisina n’ya sa Malacañang, ‘di ba?

    How about, madam Abigail Valte, Secretary Lacierda at Secretary Sonny ‘Colocoy’ este Coloma, kailan naman kaya sila papalitan?!

    O kailan kaya sila magre-RESIGN?!

    Pansamantala umano, si Undersecretary Manolo Quezon ang mag-o-oversee sa operations ng PCDSPO.

    Magkaroon naman kaya ng malaking shake up sa Communications Department ng Malacañang?!

    ‘Yan po ang aabangan natin.

     

    [divider]

    [highlight]Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com[/highlight]

    [divider]

  • Si MPD DD Gen. Gani Genabe ang dapat sibakin (Bakit apat na MPD station commanders lang?!)

    00 Bulabugin JSY

    KUNG peace & order at vices sa Maynila ang pag-uusapan natin ngayon, e hindi lang ‘yung apat na station commanders ang dapat sibakin.

    Dapat lahat!

    O kaya dapat si MPD district director Gen. Isagani Genabe na ang palitan.

    Pasintabi lang po …

    ‘E kahit saan naman po kayo magpunta ngayon dito sa Maynila, hindi maikakaila ang mas talamak na 1602 lalo na ang BOOKIES ng karera, ng antigong gambling lord (GL) na si alias BOY ABANG SIMBULANG gayon din ang 1602 ni Edna/Enteng, D. Rosario at Tata Lespu Paknoy.

    Hindi kaya alam ni Gen. Genabe na isang alyas Philip ang naghahatid ng TIMBRE ni Boy Abang sa halos lahat ng unit at estasyon ng MPD.

    Sa iyo kaya, General, may nakararating ba sa iyo?!

    E ‘yung PATAYAN at DROGA naman sa BASECO, General Genabe?

    Mayroon ka na bang naisip na solusyon kung paano wawakasan ang talamak na patayan at shabuhan sa BASECO?!

    E mantakin ninyong mas makapangyarihan pa sa PULIS ang MASASAMANG LOOB d’yan sa BASECO.

    Hindi kaya, maging mas epeketibo pang law enforcer ang mga gun for hire d’yan sa BASECO, kasi mas may BALLS sila kaysa mga lespu na nakatalaga d’yan?!

    Buti pa ‘yang mga gun for hire, anytime of the day, ay nakapag-i-execute ng plano nilang maglikida ng mga taong iniuupa sa kanila.

    E ‘yung mga pulis, hindi makapag-execute ng SECURITY PLAN laban sa mga kriminal.

    SONABAGAN!!!

    E ‘yung talamak na PANGONGOTONG ng ilang pulis, MTPB at MPD-TEU?  Natigil na ba?!

    Hilahod na ang mga JEEPNEY DRIVERS!

    ‘Yung MASA-mang UNIT sa City Hall na panay ang huli ng mga delivery van ngayon sa Divisoria at parang CUSTOMS na iniinspeksiyon ang mga item …

    Alam kaya ‘yan ni Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr.?

    Major Irinco, taga-Customs na ba ‘yang mga bata mo. Alam mo ba ‘yun?

    Sabi nga ng mga urot sa MPD-HQ, hindi lang apat na station commanders ang dapat SIBAKIN sa Manila Police District (MPD) lahatin na at sumama na rin si Gen. GENABE.

    Ay sus!

    [divider]

    GOOD RIDDANCE SECRETARY RICKY CARANDANG

    NAGBITIW na (sa wakas?) si Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) chief, Secretary Ricky ‘ces’ Carandang.

    Maliban sa pahayag na ginawa na raw niya ang kanyang tungkulin, wala nang iba pang sinabi si Carandang kung ano ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.

    Epektibo na ang kanyang resignasyon hanggang Disyembre 31. At pagkatapos nito ay lilipat na siya sa isang pribadong kompanya (o balik ABS CBN?)

    GOOD RIDDANCE ba ito?!

    Ano ba ang ginawa o nagawa ni Carandang sa PNoy administration?! Mayroon bang naaalala ang sambayanang Pinoy na ginawa niya para sa bayan o pagandahin at idepensa ang mga bumabatikos kay PNoy?!

    ‘E ‘di nga ba’t sumikat nga lang siya dahil sa pagbili ng mamamahaling GADGET (Mac computers) para sa opisina n’ya sa Malacañang, ‘di ba?

    How about, madam Abigail Valte, Secretary Lacierda at Secretary Sonny ‘Colocoy’ este Coloma, kailan naman kaya sila papalitan?!

    O kailan kaya sila magre-RESIGN?!

    Pansamantala umano, si Undersecretary Manolo Quezon ang mag-o-oversee sa operations ng PCDSPO.

    Magkaroon naman kaya ng malaking shake up sa Communications Department ng Malacañang?!

    ‘Yan po ang aabangan natin.

     

    [divider]

    [highlight]Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com[/highlight]

    [divider]

  • Pamilya isinumpa ng Japanese na nagbigti

    121313_FRONT

    CAMP OLIVAS, Pampanga – Nagbigti sa tabi ng kanilang hagdan ang isang 66-anyos Japanese national makaraang hiwalayan ng asawa at isinama ang kanilang mga anak, sa Phase 3, Blk. 11, Lot 72-73, Highview Hills, Brgy. Sampaloc, bayan ng Apalit.

    Matigas nang bangkay nang matagpuan kamakalawa ang biktimang si Yoshio Ueba nang tunguhin ng mga barangay official ang nasabing bahay dahil sa masangsang na amoy.

    Ayon kay PO3 Carlo B. Duyao, maaaring ilang araw nang patay ang biktima dahil ayon sa mga kapitbahay ay hindi na lumalabas ang biktima matapos iwanan ng pamilya.

    Sa pader ng bahay ay natagpuan ng mga awtoridad ang nadikit na papel na may nakasulat na katagang “Ryan, Marilou, Hell is go to Curse, Ryan, Marilou, Fabian Family, Hell is go to Curse. This Grudge Unforgettable. This House at Live, Man all Curse Kill. Here at House my Grave, at This House at Live man all curse Kill.”

    Natagpuan din malapit sa bangkay ng biktima ang ilang bote ng alak at baling samurai.

    ni LEONY AREVALO

  • Sinag balik-aksyon ngayon

    PAGKATAPOS ng isang araw na pahinga kahapon dahil sa opening ceremonies, muling sasabak ngayon ang Sinag Pilipinas kontra Myanmar sa pagbabalik-aksyon ng men’s basketball sa 27th Southeast Asian Games.

    May dalawang panalo ang tropa ni coach Jong Uichico kontra Singapore, 88-75 at Cambodia, 107-57 at llamado sila sa laro kontra sa mga Burmese.

    Ngunit sinabi ng team captain ng mga Pinoy na si Kevin Alas na hindi pa gaanong sanay sa isa’t isa ang mga manlalaro ni coach Jong Uichico kaya nahirapan sila kontra sa Singapore.

    “Nagkakakilanlan pa rin. Kasi hindi naman talaga nagkaroon ng chance ang team mag-ensayo together ng matagal. At least, bumawi sa depensa yung team,” wika ni Alas sa panayam ng PTV-4 Sports.

    “Talagang nag-focus lang `yung team. Inilabas `yung tunay na laro. `Yung una kasi medyo nanggigil kontra Singapore. Opening game kasi eh. Buti naman naka-adjust agad.”

    Umaasa si Alas na lalaro siya para sa mga Pinoy sa mga krusyal nilang laro kontra sa Thailand, Indonesia at Malaysia.

    “Hindi pa ako pinapalaro ng team doctor. Gusto ko na nga. Hopefully makahabol agad pag puwede na,” ani Alas na nagkalagnat nang dumating ang Sinag sa Myanmar.

    Maliban sa 1989 kontra Malaysia, palaging ginto ang nakukuha ng mga Pinoy sa men’s basketball sa SEA Games.

    Ipapalabas ang laro ng Sinag at Myanmar sa Studio 23 sa alas-7 ng gabi.

    (James Ty III)

  • PBA coverage planong ibalik sa IBC 13

    INAMIN ng tserman ng PBA board of governors na si Ramon Segismundo ng Meralco na maraming mga tagahanga ng liga ang  galit sa set-up ng Sports5 kung saan sa dalawang hiwalay na istasyon — TV5 at Aksyon TV 41 — pinapalabas ang mga laro.

    Dahil dito, pinag-iisipan na ng PBA na muling ibalik ang laro sa IBC 13 ngunit ayon pa sa kanya, mahirap itong gawin.

    Napilitan ang Sports5 na ilipat ang PBA sa TV5 at Aksyon TV dahil nalugi ito sa pagiging blocktimer sa IBC 13 dulot ng kulang sa commercial at mahinang signal ng huli dulot ng pagiging sequestered ng gobyerno.

    Naunang sinabi ng pangulo at CEO ng TV5 na si Noel Lorenzana na nagbabalanse ngayon ang TV5 sa paglagay ng PBA sa primetime tuwing alas-8 ng gabi kapag Miyerkules at Biyernes.

    Idinagdag ni Lorenzana na hindi puwedeng ipagpaliban ang ibang mga programa ng TV5 sa primetime kaya ibang oras ang inilagay sa PBA.

    (James Ty III)

  • Van Opstal, Perkins mga pivotal players

    MGA pambatong players mula sa nag-kampeon na teams sa De La Salle at San Beda ang bibigyan ng parangal ng UAAP-NCAA Press Corps at SMART sa magaganap na 2013 Collegiate Basketball Awards sa Saisaki-Kamayan EDSA sa Linggo.

    Susukbit ng special awards sina Arnold Van Opstal at Jason Perkins ng Green Archers habang sa Red Lions ay sina Art dela Cruz, Baser Amer at Rome dela Rosa.

    Nangibabaw sina Van Opstal at Dela Cruz para sa Pivotal Player honors matapos ang ipinakitang tikas sa Finals na kanilang nilaruang liga habang sina Perkins at Amer ay tatanggap ng Impact Player awards.

    Napunta kay Dela Rosa ang Super Senior na tinulungan ang San Beda na makopo ang pang-apat na sunod na kampeonato sa kanyang huling taong paglalaro.

    Nagkampeon ang DLSU sa season 76th UAAP habang sa 89th season ng NCAA nakopo ng SBC ang titulo.

    Kasama rin sa mabibigyan ng award ay sina Jeric Teng at RR Garcia.

    Pinangunahan ni Teng ang Tigers para makarating sa UAAP Finals sa ikalawang sunod na taon habang si Garcia ay tinimon ang Far Eastern University Tamaraws sa Final Four.

    Sina Juno Sauler at Boyet Fernandez ang nasa listahan din ng awardees sa annual staging ng event na suportado ng Smart Sports, Accel 3XV1, Gatorade, Meralco, Talk ‘N Text, Filoil Flying V, UAAP Season 76 host Adamson, NCAA Season 89 host College of St. Benilde at Philippine Sportswriters Association.

    (ARABELA PRINCESS DAWA)

  • Hog’s Breath hihingahan ang Jumbo Plastic

    PANGANGALAGAAN Ng Hog’s Breath Cafe ang pangunguna sa duwelo nila ng delikadong Jumbo Plastic sa 2013-14 PBA D-League Aspirants Cup mamayang 4pm sa Ynares Arena sa Pasig City.

    Sa unang laro sa ganap na 12 ng tanghali ay magtutuos ang Big Chill at Cagayan Valley. Ito’y susundan ng salpukan ng Cafe France at Wang’s sa ganap na 2 pm.

    Ang Hog’s Breath ang tanging koponang walang bahid ng pagkatalo ang record sa 7-0.

    Subalit hindi nakaseseguro ang Razorbacks kontra sa Jumbo Plastic lalo’t nanggigigil ang Giants na makabawi buhat sa 82-78 pagkabigo sa Cagayan Valley noong Lunes.

    Ang Hog’s Breath ay pinaumunuan ng mga Letran Knights na sina Kevin Racal, Jonathan Belorio, Ford Ruaya at Jamal Gabawan.           Ang Jumbo Plastic ay may 5-2 record at hawak ni coach Stevenson Tiu. Pangunahing manlalaro ng Jumbo Plastic sina Mark Romero, Eliot Tan, Jason Ballesteros at Jan Colina.

    Nasa ikalawang puwesto ang Big Chill na may  7-1 record samanalang may 7-2 ang Cagayan Valley.

    Ang Superchargers ay galing sa 80-73 panalo kontra Arellano University/Air21 noong Martes. Sa larong iyon ay nagbida si Brian Heruela na nakapagtala ng triple double (13 puntos, 10 rebounds at 10 assists).

    Ang Cagayan Valley ni coach Alvin Pua ay naghahangad na makarating sa Top Two sa pagtatapos ng elims. Magagawa ito ng Rising Suns kung mawawalis nila ang natitirang apat na laro.

    Kabilang sa inaasahan ni Pa sina John Puinto, Prince Caperal, Andrian Celada at Kenneth Ighalo.

    Sabrina Pascua

  • Hagdang Bato nagka-trauma

    Inihayag ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na nagka-trauma ang kanyang alagang si Hagdang Bato sa insidente na  naganap sa simula ng laban nito sa nakaraang 2013 PCSO Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

    Nang kumustahin ng Kontra-Tiempo si Hagdang Bato kay Mayor Abalos, sinabi  nito na nagkaroon ng trauma ang kanyang alaga dahil sa insidente.

    Takot ngayon si Hagdang Bato na pumasok sa starting gate.

    Ito ngayon ang kanilang ginagamot matapos ang  aksidente nang tamaan ng hulihang bahagi si Hagdang Bato sa pagbukas ng 1960 starting gate sa simula ng karera ng Presidential Gold Cup Linggo ng Disyembre 1.

    Sa isinagawang imbestigasyon inilahad ni mayor Abalos ang kanyang ebidensiya kung bakit tinamaan si Hagdang Bato ng pintuan ng starting gate matapos na tumalbog ito na ikinabisaklat ng kabayo.

    Sa kabila nito pinagdiinan ng Board of steward ng Manila Jockey Club na good start ang naganap sa kabila ng pinsalang tinamo ni Hagdang Bato na bumenta ng may P.5 milyon sa takilya.

    Ayaw tumanggap ng pagkakamali ang mga board of steward na masasabing naging pabaya at naging iresponsable sa naganap na insidente.

    Unang nilinaw ni Abalos hindi niya habol ang premyo, ang gusto lamang niya ay malinawan ng publiko at bayang karerista na hindi nila ipinatalo si Hagdang Bato.

    Sa gitna ng pangyayari ay napagbibintangan pa sila na biniyahe o ipinatalo ang kanyang alaga.

    Inamin naman ng Board of Steward sa pangunguna ni Johnny Cruz, Jose Fernandez, Joselito Sabat at Rafael Cajigas sa harap ni Chairman Angel Castaño na wala silang nakitang tumamang pintuan ng starting gate kay Hagdang Bato nang una nila itong rebyuhin.

    Inamin din ng MJCI na luma at converted ang ginamit na starting gate na gawa pa noong 1960, na mula sa magnetic ay ginawang mechanical machine.

    Nag-ugat ang lahat ng ito dahil nakatamaran ng MJCI na gamitin ang bago nilang starting gate sa paglipat mula sa 1,400 meters papunta sa 2,000 meters.

    Hindi rin nagustuhan ng alkalde ang sagot ng mga steaward na animo’y nagmistulang inosente sa ginawang pagrebyu na kung naging mabusisi lamang ay puwede ma-scratch ang Hagdang Bato, at naisauli ang taya ng publikong karerista.

    Maging si Jose Ramon Magbuo, ang racing manager ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite, na hindi nakakibo hingil sa sinapit ni Hagdang Bato.

    Isinalang na kahapon sa lingguhang  board meeting ang isinagawang imbestigasyon at posibleng magpapalabas ng desisyon ngayong araw ang Philippine Racing Commisson. (Philracom).

    Ni andy yabot

  • Hagdang Bato natalo dahil bumangga ang mukha sa depektibong starting gate

    NAKAUSAP natin si Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos, Jr tungkol sa nangyari sa kanyang super horse na si Hagdang Bato sa pagkatalo nito sa nakaraang  41st PCSO Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

    Galit  na Ikinuwento sa akin kung paano natalo ang kanyang kabayo si Hagdang Bato.

    Dumalo si Mayor Abalos sa imbestigasyon na ginawa ng pumuaan ng Philippine Racing Commission (Philracom).

    Nagdala ng larawan at video si Mayor Abalos na ipinakita sa imbestigasyon kung paano natalo ang kanyang super horse sa isang pinakamalaking pakarera dito sa ating bansa.

    Sa video ay nakita na bumangga ang mukha ni Hagdang Bato pagbukas ng starting gate at nagsara muli ang isang side kung kaya napaluhod sa lupa ang super horse. Nakabawi lang ito  at tumayo pero nakalayo  na sa unahan ang kanyang mga kalaban.

    Ayon pa kay Mayor Abalos, hindi na niya hahabulin pa ang malaking premyo at gusto lang niya na MALAMAN ng Bayang Karerista ang tunay na nangyari sa kanyang kabayo.

    Isang taong pag-aalaga kay Hagdang Bato ang ginawa ng connection ni Mayor Abalos para sa malaking karerang ito.

    Ang pinagtataka pa ni Mayor Abalos ay kung bakit ang LUMANG STARTING GATE ang ginamit sa malaking karerang iyon.  May intensiyon ba ang mga nangangasiwa ng Manila Jockey Club o ang San Lazaro Leisure Park na matalo talaga si Hagdang Bato?

    Panahon na siguro para palitan ang mga dipektibong starting gate ng tatlong karerahan dito sa ating bansa upang hindi na muling mangyari sa ibang kabayo o hinete ang ganitong insidente.

    Sabi pa ni Mayor Abalos na  sana ay magkaroon ng magandang resulta ang ginagawang imbestigasyon upang malaman kung sino talaga ang may kasalanan.

    “Kung ganito nang ganito ang mangyayari sa malalaking pakarera dito sa ating bansa,  tiyak na babagsak ang Horse Racing Industry,” dagdag pa ni Mayor Abalos.

    Panahon na siguro para  mapasailalim ang mga Board of Stewards ng tatlong karerahan sa Philippine Racing Commission (Philracom) upang maging maayos ang takbo ng karera dito sa ating bansa.

    SANA AY HUWAG NANG MAULIT ANG NANGYARI KAY SUPER HORSE HAGDANG BATO!

    ni FREDDIE M.

    MAÑALAC

  • Marian, na-shock nang malamang ikakasal na si Karylle kay Yael

    KINUNAN ng reaction si Marian Rivera ukol sa pagpapakasal ni Karylle sa kasintahan nitong si Yael Yuson sa Marso.

    “Ha? Talaga? Eh, ‘di maganda. Congratulations!” saad nang na-shock na aktres dahil noon din niya lang nalaman ang balita. Tumawa na lang ito nang may mga intriga nang tanong na kasunod sa nasabing balita na sinabi sa kanya.

    Hindi man pinalad si Marian na makuha ang parangal sa dinaluhan niyang Asian TV Awards, eh nagpasalamat pa rin ito.

    “Ang sarap naman kasi ng experience na makahalubilo mo ang mga bituin mula sa iba’t ibang Asian countries, ‘yung maging nominado eh, isang malaking bagay. Natuwa ako lalo noong sabihin na ako pala ang pinakabatang na-nominate for the Best Actress category!”

    Tinanggihan muna raw niya ang pagsalang sa comedy next year dahil heavy drama ang una niyang magiging proyekto sa Year of the Wood Horse.

    Aga, bibigyan ng milyones ang mga OFW

    KUNG pwede nga lang na gabi-gabing may makakuha ng limang milyon sa Let’s Ask Pilipinas, ‘yun daw ang makakapagpasayang lalo sa aktor na host nito na si Aga Muhlach.

    For this week, mula December 10-17, 2013, mga Kapatid na OFW ang matutunghayang maglalaro sa Twelve Days of Christmas series nila.

    Nasa studio ang pamilya ng bawat OFW at binuksan ang communication lines para makita at makausap na rin ang kanilang mga mahal sa buhay.

    Kaya naman, marami sa kanila na galing pa sa malalayong lugar ng Aklan, Bukidnon, pati na Tuguegarao ang inilipad pa mula sa kanilang mga tahanan para sa nasabing episodes.

    Mata-touch nga tayo sa mga pagkikita ng kanilang mga pamilya at sa mga kalahok nating OFWs from all around the world.

    Ang gusto pa rin ni Aga, bago siya lumipad pa-Las Vegas, Nevada, USA ay to spend Christmas with his family at maipamigay na ang mga milyones para sa mga Let’s Ask Pilipinas! contestants.

    “It’s Christmas! Mas masarap na mai-share ito sa ating mga kababayan! And make it their most memorable!”

    Pilar Mateo

  • Daniel, matindi ang popularidad (Novelty items na may pirma at pictures, ibinebenta sa bookstore at Christmas bazaar!)

    NGAYON naniniwala kaming matindi nga ang popularidad ni Daniel Padilla. Una naming napansin iyong mga novelty item na may pictures at pirma niya na ipinagbibili sa isang bookstore chain. Mayroon iyong sariling section, at palagay namin hindi naman bibigyan ng ganoong importansiya iyon ng bookstore kung hindi malakas ang benta.

    Noon namang isang linggo, nakakita kami ng isang booth sa isang Christmas bazaar na may mga ganoon ding items na for sale. Walang ibang tinda ang nasabing booth kundi ang mga novelty items ni Daniel. After a week noong mabalikan namin, ganoon pa rin. Ibig sabihin niyon malakas siguro talaga ang benta nila dahil kung hindi, hindi naman tatagal iyon lalo na’t kung iisipin kung gaano kalaki ang bayad sa mga puwestong ganoon.

    Hanggang ngayon top rater pa rin ang kanyang serye sa TV, at totoong laos sa kanya ang mga kasabayan niyang show. Kung iisipin mo iyang si Daniel ang dapat na prime time king, hindi iyong kung sino-sino lang diyan na balibag naman ang ratings at mga pelikula.

    Phil, in-love pa rin daw kay Angel

    HINDI natin maikakaila, marami na naman ang kinilig noong sabihin ni Phil Younghusband na hanggang ngayon ay in love pa rin siya kay Angel Locsin.

    Noong isang araw lang, iyong mga teenager na naka-istambay doon sa may simbahan, iyan ang pinag-uusapan at halata mong kinikilig sila. Minsan magtataka ka. Hindi naman magka-love team sa pelikula o TV show sina Angel at Phil, pero kinikilig sila. Kasi sa tingin nila bagay talaga ang dalawa. Marami na rin namang naging boyfriend si Angel in the past, pero hindi namin nakita ang ganyang reaksiyon ng masa hanggang sa noong maging boyfriend nga lang niya si Phil. Para bang gustong-gusto ng kanilang fans na magkatuluyan sila.

    May mga nagsasabi naman na hindi nga raw iyon nakatutulong sa kanilang career, kasi nga hindi naman sila isang love team, pero kung iisipin ninyo, lumawak ang audience ni Angel dahil kay Phil. Nakuha rin kasi niya ang mga football fan. Lumawak din naman ang mga tagahanga ni Phil, dahil nabaliw din sa kanya ang mga movie fan ni Angel.

    Actually maganda ang epekto ng kanilang relasyon noon sa isa’t isa, sayang nga lang at nauwi sa split dahil nawalan sila ng panahon para sa kanilang relasyon.

    Pero alam namin na deep inside siguro nga ay may pagmamahal pa sila sa isa’t isa. Hindi rin naman siguro natin masasabing hindi nga gusto ng kanilang fans na magkabalikan sila.

    The fact na pareho nilang inamin na nasaktan sila sa split na napagkasunduan naman nila pareho, ibig sabihin lang niyon naroroon pa rin ang feelings nila sa isa’t isa. Bakit nga kaya hindi na lang sila mag-usap at magkasundong muli? Kung ano man ang naging problema, eh ‘di hanapan nila ng solusyon. Siguro kung ang schedule nga nila ang problema, eh ‘di magkasundo muna silang hindi magkikita, pero hindi naman dapat iyang umabot sa tuluyang split na.

    Ed de Leon

  • Phil at KC, may malalim nang namamagitan?!

    PINABULAANAN ni Phil Younghusband na may malalim na namamagitan sa kanila ni KC Concepcion after na mag-react ang dati niyang kasintahang si Angel Locsin.

    Sa Twitter Account ni Phil ay sinabi niya na hindi totoo ang tsismis na nagdi-date sila ni KC. Isang beses lang daw niya na-meet si KC at kasama pa niya si Angel that time.

    ‘Yun na!

    Vice, Mercedes Benz ang regalo sa sarili

    BONGGA si Vice Ganda dahil Mercedes Benz ang regalo raw niya sa sarili ngayong Kapaskuhan?

    Ang tanong kung ano naman ang gift ni Vice sa rumored basketeer na bf niya?

    Ha!ha!ha!

    Anyway may filmfest entry si Vice sa Dec 25. Ito ‘yung Girl, Boy , Bakla, Tomboy na  hinuhulaang mangunguna sa takilya. Kasama sa pelikula sina Maricel Soriano,Joey Marquez, Ruffa Gutierrez, at Cristine Reyes.

    Drew at Iya, ikakasal na sa Enero

    SUBOK namang matibay ang relasyon nina Drew Arellano at Iya Villania.

    Balitang magpapakasal na ang dalawa sa January after ng almost 10 years nilang relasyon.

    Congrats!

    Mabuting tao si Anne  — Kuya Kim

    NAGTAWANAN ang press nang tanungin si Kuya Kim Atienza kung kumusta ang sex life niya dahil sabi niya ay nagpapagana rin ng sex life ang ini-endorse niyang Atienza Naturale, ang herbal dietary supplement na gawa sa malunggay.

    Sabi naman niya, effective ito at masayang-masaya ang sex life niya. Hindi lang okey ito sa sakit niyang Guillain Barre Syndrome.

    Tinanong din kung puwede rin pampatanggal ito  sa mga taong nalalasing.

    “Puwede. Ang pampatanggal ng lasing ay tubig. ‘Pag hinaluan mo ng malunggay, ginawa mong tea, may vitamin C ka pa,” sey ni Kuya Kim.

    Nagtawanan na lang nang biruin si Kuya Kim na binigyan niya si Anne ng malunggay para mawala ang lasing niya.

    “Sabi ko nga ba tatanungin, eh,” nakangiting sabi ni Kuya Kim.

    “Malunggay ang pinag-uuusapan natin,” hirit pa niya.

    “Since, pinag-uusapan na rin si Anne, mabait siyang  tao. Si Anne talaga ay taong-tao. Alam ko na kapag may free time, pumupunta siya sa mga ospital at bumibisita sa mga bata na may sakit. Walang may alam. Nalaman ko lang dahil ‘yung isang binibisita niya, ni-request si Kuya Kim dahil fan siya ng ‘[Matang Lawin’. Pumunta ako .I found out that Anne was in that hospital four times a week, hanggang mamatay ‘yung bata.Ganoon siya kabait,” share niya sa press.

    Roldan Castro

  • Katya, magbabalik-Kapamilya matapos magsilang ng baby girl

    NANABA nang husto si Katya Santos. Kaya naman pala ay kapapanganak lamang niya three months ago sa isang baby girl courtesy of her non-showbiz boyfriend.

    Walang masyadong nakaalam pero hindi raw pinagsisisihan ng sexy actress ang pagkakaroon na ng anak. Fulffiled woman na nga raw ang pakiramdam niya ngayon at iba raw pala talaga ang joy na naibibigay ng isang anak sa isang babae.

    Pero namahinga man ng halos isang taon balak pa rin ni Katya na bumalik sa showbiz. Wala na siya sa Viva at hindi na siya nag-renew ng contract na ang balita namin ay wala na raw kasing project ang naibibigay sa kanya.

    Malamang na bumalik daw siya sa ABS-CBN na roon siya nagsimula. Bagamat may offer naman siya sa TV5 hindi pa rin niya isinasara ang kanyang pintuan lalo’t freelance na rin naman siya ngayon.
    Mildred A. Bacud

  • Phoemela, pinagtatakpan si Anne?

    PINAGTATAKPAN nga ba ni Phoemela Baranda si Anne Curtis?

    Ito ang reaksiyon ng iba sa social media. Kasama siya sa sa insidente ng panananampal sa grupo nila ni Anne. Kabilang nga sa nakatikim ng sampal ay si John Lloyd Cruz.

    Matatandaang naging talk of the town nga ang pagwawala ng aktres sa isang birthday event ng isang common friend nila at sa sobrang kalasingan ay nawala raw sa sarili ang aktres.

    Sa kanyang interview sa TV Patrol, sinabi ni Phoemela na bagaman nasaktan siya sa mga sinabi ng TV host/actress napatawad na niya ito dahil mabilis naman silang nagkaayos. Wala rin daw siya sa posisyon na ikuwento ang buong kaganapan. Naniniwala rin daw siya na eksaherada na ang ibang bersiyon na lumabas.

    Vice, todo ang pagtatanggol kay Anne

    TODO naman ang pagtatanggol ni Vice Ganda sa kaibigang si Anne Curtis. Ang importante aniya ay na-realize ng kaibigan ang pagkakamali at kaagad itong nag-public apology at humingi ng tawad sa mga taong nasangkot.

    Hindi naman daw makatarungan na husgahan agad ang kaibigan dahil lamang sa insidenteng nangyari.

    Mildred A. Bacud

  • Wish ni Jasmine na mai-guest si Sam sa SpinNation, imposible

    HINDI pala puwedeng mag-guest o mapanood sa ibang TV network si Sam Concepcion dahil exclusive contract siya ng ABS-CBN.

    Gusto kasi ng girlfriend niyang si Jasmin Curtis Smith na i-guest siya sa programa niyang SpinNation na first music social media na napapanood tuwing Sabado, 11:00 p.m..

    Tinanong namin ang publicist ni Sam na si Gian Carlo Vizcarra ng Stages na sa pagkaalam niya ay bawal lumabas si Sam at maski na hindi magkatapat ang anumang programa nila ni Jasmin ay hindi puwede.

    Dagdag pa na VJ si Sam ng MYX na halos pareho rin ng concept ng SpinNation kaya mas lalong hindi puwede.

    In fairness, bagay magsama sa isang show din sina Sam at Jasmine dahil may chemistry sila at marami silang fans, huh.

    Anyway, may sumugal kayang ipag-produce sila ng pelikula tulad ng I Do Bidoo?
    Reggee Bonoan

  • Shaira Mae, umiwas mainterbyu ng press?

    NANGHIHINAYANG ang mga katoto na hindi nila nakatsikahan ang produkto ng Artista Academy na si Shaira Mae dahil kaagad siyang sinundo ng boyfriend niyang si Edgar Allan Guzman sa nakaraang launching ng bagong beauty clinic na Finessa Aesthetica na matatagpuan sa 26 Scout Tobias, cor. Scout Rallos, Timong, Quezon City.

    Pagkatapos kasi ng ribbon cutting at pictorial kasama ang Star Magic talent na si Angel Arida ay biglang umalis na si Shaira Mae dahil naghihintay na raw sa sasakyan si Edgar Allan.

    Say naman ng mga katoto, “buti nga iinterbyuhin siya para may exposure, ayaw niya (Shaira Mae)?”

    Eh, baka ayaw din ni Edgar Allan kasi nga kapag may girlfriend siya nawawala siya sa focus ng career.

    Anyway, ang  Finessa Aesthetica ay pinamamahalaan ni Jowee Suarez na rating empleado rin ng isa pang beauty clinic na sikat ngayon. Ayon kay Jowee, nag-aral siya pagka-alis sa rating pinapasukan at nang makapagtapos ay heto at may offer sa kanyang mag-manage ng nasabing clinic.

    Base sa kuwento ni Jowee, ayaw magpakilala ng isa sa may-ari ng Finessa Aesthetica dahil for security kaya na-curious kami kung kilala ba ito sa industriya at bakit ayaw ng exposure.

    “Ay hindi po, ayaw lang niyang nasusulat, low profile po kasi at saka marami siyang business din,” katwiran sa amin ni Jowee.

    Ang isa sa may-ari ang nakatsikahan namin na si Erika Joyce na Nurse by profession pero ang day job niya ay procurement manager sa kilalang malaking kompanya na may kinalaman sa chemicals.

    Bukod sa Finessa Aesthetica ay nagtayo rin si Erika Joyce or EJ ng spa at salon sa Kalentong, Mandaluyong at sa E. Rodriguez katapat ng St. Joseph College.

    Maraming itinayong negosyo pala itong si EJ at nabanggit niyang mahirap magtayo, “mahirap ang pera ngayon, kaya kung nalugi ang isa, eh, di may isa ka pa, kaya marami akong negosyo bukod doon I’m also working pa as an employee para may regular income.”

    Nagulat kami sa rami ng negosyo ni EJ dahil sa edad na 28 ay nakaipon na siya kaagad ng ganoon at nalaman namin na galing sa mana niya sa ama ang ipinangpuhunan.

    “I was so lost when my dad died, lahat ng bisyo ginawa ko, I’m into drinking, smoking, kaya tumaba ako ng ganito, before my waist line was 24 inches, now it’s 32 na, ha, ha. Kaya I challenged myself to put up Finessa Aesthetica para mapilitan din akong gamitin.

    Ano ba ang pagkakaiba ng itinayo niyang negosyo sa ibang kilalang beauty clinic ngayon?

    “Finessa Aesthetica Body treatments includes tunnel, sauna, PDT light full body exfoliation with dead sea salt, tightening, toning, and slimming problem areas with the “Body and abs sculpture, Sound Wave Slimming System, Non-Invasive Ultra Liposuction, Cryolypolysis, and Ultra-Cavitation.

    “Our physicians also perform many cosmetic procedures such as Botox, Fillers, etc. The in-house nurses also can do procedures such as IV gluta with vit-c, collagen, placenta,” paliwanag ni EJ.

    At ang dahilan kaya siya nagtayo ng spa at salon, “lahat kasi ng beauty salon ngayon, pataasan ng presyo, for me, dapat mas mababa para pasukin ka, kikita ka naman maski mura kasi by bulk naman ang pasok ng customer at magagaling at magagalang ang staff ko.

    “Ako kasi, personally kapag nagpupunta sa ibang salon, gusto ko maayos at magalang ang mga staff at siyempre mura, pero ‘yung iba hindi, so naisip ko, magtayo ako ng affordable para makapag-employ din ako at makatulong sa ibang tao.”

    “Pang-masa ang presyo ko kasi sila ang target customers ko, kasama na ang Finessa Aesthetica, you can try, mura lang kami,” say ni EJ.

    Reggee Bonoan

  • Janice at John, nagka-ayos na!

    SO, nag-uusap na pala ngayon ang dating mag-asawang Janice de Belen at John Estrada? Ito ang sinabi ni Janice sa kanilang talk show na Buzz ng Bayan noong Linggo.

    “Okay na kami. ‘Yun na lang ‘yun. That’s a good start,” sabi ni Janice.

    Hindi na binanggit ni Janice kung sino ang nag-initiate ng first move para muli silang magkausap ni John. Basta ang mahalaga raw ay okey na sila at kung ginawa man nila yun,  (ang muling mag-usap) ay para sa kanilang mga anak.

    For the record, hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Janice at John. Kaya naman sa mga intetview noon sa actress/TV host ay lagi siyang nagsasalita ng against kay John.  Na kesyo hindi raw ito nagpapadala ng financial support sa kanilang apat na anak.

    Pero ngayon nga after ilang taon ding hindi pag-uusap ay nagkaayos na sila which is ‘yun naman talaga ang maganda dahil may pinagsamahan naman sila, ‘di ba?

    Cesar, si Solenn na ang ipinalit kay Sunshine

    MUKHANG malabo na ngang magkabalikan pa ang dating mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz.

    Bukod  kasi sa ayaw na  talaga ng aktres sa aktor, balita namin ay may bagong babae na sa buhay ang action star. At ito ay si Solenn Heusaff na co-star niya sa serye sa GMA.

    Mula raw nang magkasama ang dalawa sa nasabing serye ay na-develop sila sa isa’t isa.

    Obvious na raw talaga ang magandang pagtitinginan ngayon ng dalawa dahil hindi sila naghihiwalay sa taping at sweet lagi.

    Well, aminin naman kaya ni Cesar ang relasyon nila ni Solenn o idi-deny niya ito?

    Rommel Placente

  • Ipokritang mukhang anda!

    THIS ageing entertainment writer/host appears to be fast afflicted with senility. Harharharharhaharhar! Imagine, for many a good month now, she had nothing but the most scathing reviews on the boy-next- door actor Coco Martin. Kiyemeng may built-in amnesia na raw ito at nakalimutan na ang mga old friends na kasa-sama nito during his TVH years. Kahit daw kasi ano’ng invitation pa rito ay never na raw itong nagpapaunlak at parang nakalimutan na ang mga nakaraang pinagsamahan. Ows? Talaga lang, ha? Hahahahahahahahahahahahahaha! Sa true, pa’no naman makapagpapaunlak ang isang taong abot hanggang leeg ang trabaho? Mabuti-buti nga ngayon at medyo relaxed na siya but a month or two ago, he was already having some chronic skin allergies and would even collapse on the set of their fantaserye Juan dela Cruz. Kaya nga kapag medyo nakalilibre siya sa kanyang super hectic working sched, he’d very much prefer to sleep and bond with his immediate family members. And the kind of bonding that he favors is simply eating within the house practically the whole day. Practically the whole day raw, o! Hahahahahahahahaha! Kaya nga naman kaysa magpunta sa mga parties o mag-mall-hopping kaya, mas trip na lang ni Coco na magpahinga dahil sobrang stressed na siya sa halos magdamagang tapings. Anyway, bangenge na yatang talaga ang gurangis na ‘to dahil the other day, she was absolutely si- nging a totally differeng tune. Hahahahahahahahahahahaha! Imagine, pinu-puri-puri naman niya lately for a change siguro (for a change siguro raw talaga, o! Hahahaha!) ang boyish-looking pa ring aktor. Hahahahahahahahahahahahaha! Baka naman nagdedeliryo na siya (nagdedeliryo na raw talaga, o! Hakhakhakhakhak!) kaya kung anu-ano na lang ang naiisip tipa-tipahin. Harharharharharhar! Well, can’t blame her. Pa’no naman, matitigbakers na ang kanilang show at once a month na lang ang kanyang appearance. Ang nakababaliw, the very moment the show would close shop (would shop na raw talaga, o! Hahahahaha- ha!) where would she go? Ang sabi, another show is forthcoming. Really? Is that sooooooo? Harharharharharhar! Ayokoooooooooh! Hahahahahahahahahaha! Pa’no kasi, masyadong nagmalabis. Imagine, I was practically recuperating from an ailment tapos she cavalierly took Juicy away from us and look at what happened? If that is not bad karma or retribution, we don’t know what is! Hahahahahahahahahahahahahaha! And to think na barya-barya gang lang naman ang kinikita namin tapos kinuha ang chabokitang (chabo- kitang ogra raw talaga, o! Hahahahahahahaha!) ogra with an astounding talent fee. O, loko! Di dinapurak kayo ng retribution or bad karma kaya ang 6% na rating namin ay naging barely 1% (Harharharharharhar!). Buti nga! Hahahahahahahahahaha! Buti nga raw, o! Harharharharhar! ‘Yun na!

    DECEMBER 13, YOUR DATE WITH FRANCINE PRIETO AT TV 5’s FACE THE PEOPLE!

    Nakatutuwa namang hindi kami naharangan ni Bubonika sa first guesting namin for TV5’s Face the Peo- ple that gets aired daily from 4:30 to 5:30 in the afternoon, with Ms. Gelli de Belen and Tintin Ber -sola Babao as hosts. Sa guesting namin ng best chum naming si Peter Ledesma, guest co-host si Marvin Agustin kaya lalong naging riot ang aming mga eksena. Do watch for it this coming Friday at matatawa at maiiyak kayo at the same time. Promise! Maramdamin talaga ang mga eksena ni Ms. Francine at ilang beses siyang nag-breakdown lalo na’t naa- alala ang kalagayan niya sa ngayong talaga namang nakahahambal. Anyhow, touching talaga dahil hindi pa man naipalalabas ang first guesting namin, may follow-up na kaagad ito sa episode naman ni Ms. Janice Jurado. Touching, di ba naman? Hahahahahahahahahaha! Corrected by! Hahahahahahahaha!

    ANG CUTE NG SAMAHAN NINA BABY JAMES AT RYZZA MAE DIZON!

    Amusing ang dating ng tandem nina Baby James Aquino Yap at Ryzza Mae in connection with the Metro- Manila Filmfest movie My Little Bossings. Kung dati’y parang skeptical ang nakararami na magkakaroon sila ng rapport, this time mum is the word na lang sila dahil pinatunayan ni Bimby na hindi na si -ya suplado tulad ng dati at nag-blend nang husto ang kanyang personalidad sa tropa nina Bossing Vic Sotto. Kaya this coming December 25, nakasisiguro kaming isa sa mga pipilahan sa MMFF ay ang My Liitle Bossings.

    Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here. And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

    Pete Ampoloquio, Jr.

  • ‘Robust Economy’ ni PNoy walang epek sa nagugutom na Pinoys

    00 Bulabugin JSY

    KAHIT anong pagmamalaki ng administrasyon ni PNOY na gumaganda at lumalakas ang ekonomiya sa kanyang administrasyon, hindi ito mapaniwalaan at maramdaman ng ating mga kababayan lalo na ‘yung mga nabubuhay sa ilalim ng poverty line.

    Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), ang 25.2 percent ng populasyon ng bansa ay nabubuhay sa ilalim ng poverty line.

    Ibig sabihin daw n’yan isa sa bawat apat na Pinoy ay namumuhay sa paghihikahos.

    Paano sasabihin ng gobyerno ni PNOY na tayo ngayon ay may ROBUST (malusog at  malakas) economy kung mayroong nagugutom at napakalaki ng agwat  ng mahihirap at mayayaman?

    ‘Yan ang malungkot na katotohanan sa ating bansa.

    Ang isang mahirap dito sa Philippines my Philippines ay namamatay na mahirap dahil napakaliit ng oportunidad para umangat ang kanilang buhay.

    Anong oportunidad ang ibibigay ng isang programang gaya ng 4ps na walang ginawa kundi pagmukhaing timawa ang isang pamilya sa kanyang komunidad.

    Alam natin na ang 4ps ay isang programang maihahalintulad sa isang PISI. ‘Yun bang pag-asang gaya sa ‘gahiblang sinulid’ na anytime ay pwedeng mapatid.

    Kapag sinuma ang inilalaan ng gobyerno sa kanilang DOLE-OUT SYSTEM na mga programa, alam nating umaabot din ng BILYON-BILYON ang kwentada.

    Pero ang tanong, may IMPACT ba sa kabuhayan ng mahihirap na Pinoy?

    Sana lang ay makaisip ng mas masustansiyang programang pangkabuhayan ang mga HENYO boys ni PNOY.

    Dahil kung hindi, wala rin siyang ipinagkaiba sa mga naunang Presidente na ‘di hamak na mas magagaling sa kanya.

    [divider]

    ANOTHER ONE BITE THE DUST

    MUKHANg ganito lang talaga ang buhay ng mga mamamahayag sa bansa. Kumbaga, kapag natiyempohan ka, ISANG BALA ka lang.

    Hirap na hirap ang gobyerno lalo na ang mga law enforcement agencies na bigyan ng proteksiyon ang mga mamamahayag sa ating bansa.

    Bakit kaya?!

    Sa loob ng dalawang linggo, tatlong mamamahayag sa radio ang pinaslang sa Mindanao.

    Hindi pa nga natatapos ang imbestigasyon sa pagpaslang kay Joshua Dignos, pinaslang sa Davao del Norte, e sinundan agad ng pagpatay kay Michael Milo sa Tandag, Surigao del Sur.

    At ngayon nga ay si TATA ESTRADA BUTALID naman sa Tagum City Davao.

    Tsk tsk tsk …

    PNoy, it’s murderously serious!

    [divider]

    MAMAYAGPAG PA KAYA ANG K-ONE KTV CLUB?

    SINIBAK na pala si Manila Police District (MPD) station 11 chief, P/Supt. Doromal.

    Ang sikat na BAGMAN ng ONSE na si alias BONG KRUS nasibak rin kaya?

    E paano na ang K-ONE KTV CLUB diyan sa Sto. Cristo, Binondo?

    Makapagpatuloy pa kaya ng operasyon ng prostitution (China girl) o mawala na ang mga umoorbit sa kanila?!

    O tuluyan nang maiparasa ngayon?!

    Ngayon wala na raw si Doromal, e baka manahinik na ‘yang K-ONE KTV CLUB sa sex trafficking…

    O panibagong timbre at intelihensiya lang para sa bagong hepe ng Onse!?

    Let’s wait and see!

    [divider]

    [highlight]Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com[/highlight]

    [divider]

  • Batangas City COP, ‘di naman inutil pero … Ba’t siya’y tameme

    HINDI naman inutil at sa halip ay malakas pa sa kalabaw ang hepe ng Batangas City na si Supt. Manuel Castillo. Ngunit sa kabila ng kalakasan ng opisyal, ba’t kaya mistula siyang tameme o walang hakbang laban sa pagkabuhay ng mga ilegal na sugalan sa kanyang area of responsibility.

    Bakit nga ba hepe? Ano sa palagay n’yo — kayong mga taga-Batangas City? Ano pa nga ba? Ano!?

    Sa info, bago maupo si Castillo sa ginintuang trono ng pulisya ng lungsod ay halos wala nang ilegal na pasugalan sa lungsod. Ibig sabihin ng halos ay mayroon pa rin sugalan pero hindi talamak.

    Pero ilang linggo ang nakalipas ay biglang nagsulputan ang mga pasugalan. Ops, hindi ko sinasabing may kinalaman si hepe sa pagsulputan ng mga pasugalan. Pero bakit nga ba parang kabute na ang mga ilegal na aktibidades sa Batangas City?

    Sa pagkakaalam nga ng nakararami ay malinis na ang lungsod pero iyon pala ay maluwag ang pulisya ng lungsod ngayon lalo na ang lokal na pamahalaan. Kayo naman mga suki, magpaPasko kaya. Kunsabagay nga naman kaya … Pasko na naman, o kay tulin ng araw … he … he … Merry Christmas! Pero, ano pa man, halos nga po nahinto noon pero nagtataka naman ang ilang insider sa city hall at pulisya ng lungsod kung bakit nagsibalikan ang mga salot.

    Bakit nga ba  Kernel Castillo? Sino kaya ang nag-utos o nagbigay basbas sa mga operator ng kailegalan sa lungsod? Ano sa tingin n’yo mga taga-Batangas City, wala kayang kinalaman si Mr. Castillo?

    Nagkaroon pa nga raw ng pulong bago nagbukasan uli ang mga salot.

    Anyway hepe, kung hindi pa nakararating sa kaalaman mo ang mga kumikilos na salot sa syudad, narito ang ilang info.

    Pero imposibleng hindi pa nakararating sa inyong kaalaman ang lahat, samantala napakaga-ling mong opisyal. Ibig sabihin ay malawak daw ang intel network mo. Ops, anong klaseng intel kaya ‘yan?

    Sige na nga, narito po Mr. Castillo ang mga salot sa lugar mo na ewan ko kung kayang mong aksyonan.

    Heto ang mga salot na muling nagsibalik sa lungsod:

    1. Paihi ng mga tanker na pinatatakbo nina alyas “Manolo” at alyas “Kontreras”  na ang teritoryo ay sa Banaba; alyas “Danny”at alyas “Bernabe” nag-o-operate sa Pallocan; alyas “Rey” at alyas “Antenor” sa Diversion Road naman.

    O hepe, ‘wag mong sabihin na hindi pa nakararating sa iyo ang info hinggil dito. Kung ang sagot mo ay hindi pa nga, aba’y napakahina mo naman este, ng intelligence network mo. Sorry mali po. Nag-hepe ka pa! Ay sorry uli po sir.

    2. Peryahan kuno na prente  naman ng su-galan – “color game” kumbaga ang pinakalaro dito. Nagkalat dito saan man dako ng lungsod. Pinatatakbo ito nina alyas “Tessie,”alyas “Palot,” at alyas “Pearly.”

    Hayan Kernel, daming info na iyan. Hindi mo pa rin ba alam ‘yan? Kung hindi pa, ewan kung ano ang dapat na itawag sa iyo?

    Booooo … boooo … booo … ops kantiyaw iyan ha at hindi iyong iniisip n’yo.

    Ops, hindi lang ito ang mga nabuhay na salot sa nasasakupan mo Mr. Castillo kundi marami pa.  Pero iyan muna ang paunang info ko sa ‘yo na batid ko’y hindi lingid sa iyong kaalaman.

    E sino naman itong isang alyas “Adel” ba iyon  o alyas  “Edel?”

    Ayon sa info ay totoo bang ginagamit niya sa kakaibang mga transaksyon sa Batangas City ang pangalan nina Batangas Gov. Vilma Santos at Batangas City Mayor Eduardo Dimakuha?

    Abangan.

    Almar Danguilan