Blog

  • Mojak, nakapagpatayo na ng sariling talent center

     

     ni Alex Datu

    052915 Mojak

    SINUWERTE talaga si Mojak Perez aka ‘Mojak’ ngayong taon ng Wooden Sheep dahil sa sunod-sunod na raket kaya nakapag-ipon at nakapagtayo ng Mojak Entertainment Management para makatulong sa mga baguhang gustong pumalaot sa entertainment.

    Nais ni Mojack na tumulong para ma-improve ang talent ng mga baguhang singer, gustong mag-artista, mag-model at iba pang aspeto ng entertainment.

    Isang dinner ang inihanda ni Mojak sa F.I.S.H. Resto sa Sky Garden ng SM North EDSA para sa ilang kaibigang press at ayon sa kanya, may kasunod pang batch ng press para ipaalam ang bago niyang itinayong management company. Kasabay niyon ang pag-announce ng pagko-collaborate nila ni Blank Tape para sa album na maglalaman ng awiting Ikimbot Mo at Eh Kasi, Jokla.

    “Sana, lahat ng mga kakilala ko at nakakakilala sa akin, sana we’re family, we’re friends, so kailangan malinis lahat kung anuman ‘yung ‘di pagkakaunawaan para kung ano man ‘yung pangarap natin ay makakalakad tayo sa tuwid na daan,” pakli pa ni Mojak.

    Well said Mojak!

     

  • Ai-Ai Delas Alas isasama sa morning talk show ni ryzza mae dizon

     

    ni Peter Ledesma

    052915 aiai delas alas ryzza mae

    LAST April 8 ay isinelebreyt ni Aleng Maliit Ryzza ang pangalawang anibersaryo ng kanyang morning talk show sa GMA na produced ng Tape Incorporate na “The Ryzza Mae Show.”

    Malalaking celebrity ang mga naging panauhin ni Ryzza at lahat ay binati si Aleng Maliit at nag-wish ng good luck sa kanya. Siyempre very happy ang young talk show host, at hanggang ngayon ay buhay pa rin ang kanyang programa at hindi ito pinagsasawaan ng mga Dabarkads.

    Kami man ay avid viewer ng nasabing palabas at never rin kaming naumay kay Ryzza na sa murang gulang ay pinatunayang kaya nang magdala ng sariling show. Yes hindi lang ang mga manonood ang naaaliw sa sobrang energetic ng alaga ni Ma’am Malou Choa-Fagar, maging ang mga bisita niyang artista, singer, mga personahe sa TV ay natutuwa sa kanya at napapahanga. Very jolly ang dating niya sa mga interview niya sa kanyang guest at ang isa pang aliw factor ay nakikipag-aktingan, kantahan at sayawan talaga siya.

    May pakontes pa araw-araw si Aleng Maliiit ang “Picture o Tanong?” Mamimili ang kahalok kung ano ang kanyang sasalihan at may katapat itong premyong 3K at gift pack mula sa mga sponsor ni Ryzza at may foreigner na sumasali sa segment na ito.

    Samantala narinig namin kamakailan lang na kinukuha raw ng Tape Inc., si Ai-Ai delas Alas para isama sa show ni Ryzza Mae. Aba! Magandang idea ito at siguradong mas magiging riot ang The Ryzza Mae Show with Ms. Ai presence.

    Saka bagay ang Comedy Queen at si Aleng Maliit dahil pareho nga silang mga kalog. Napapanood ang ang TRMS daily bago mag-Eat Bulaga.

    Evolve na evolve gyud!

    [divider]

    INDAY BOTE MAMAMAALAM NA NGAYONG GABI SA ABS-CBN PRIMETIME BIDA

    051815 Alex Gonzaga Kean Cipriano Matteo Guidicelli

    Wala na talagang makapipigil saa pagbangon ng character ni Inday, sa Inday Bote na ginagampanan ng Kapamilya TV host-actress comedienne na si Alex Gonzaga sa ending na hindi puwedeng ismolin sa top-ra-ting na primetime fantaserye ng ABS-CBN ngayong gabi (Mayo 29) kaya abangan ninyo ito.

    Sa pagbubunyag ng tunay niyang pagkatao, gagawin ni Inday ang lahat para iwasto ang lahat ng mga pagkakamali na ginawa ni Fiona (Aiko Melendez) sa pamilya niya. Paano nga ba maa-ayos ni Inday ang lahat ng kaguluhan sa pamilya Vargas ngayong malalaman na ng lahat na siya ang nawawalang si Kristal? Mapipigilan pa ba niya ang kasamaan ni Fiona sa tulong ng mga duwendeng matagal nang nagpoprotekta sa kanya? Sa huli, may kailangan nga bang magsakri-pisyo ng buhay para sa katahimikan at kapayapaan ng Lahat?

    Ang Inday Bote, ay mula sa direksyon nina Manny Palo at Jon Villarin na kinatatampukan rin nina Matteo Guidicelli, Kean Cipriano, Alicia Alonzo, Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Malou Crisologo, Jeffrey Santos, Nanding Josef, Alora Sasam, Biboy Ramirez, Izzy Canillo at Alonzo Muhlach.

    Huwag palampasin ang finale episode ng inyong minahal na fantaserye mula sa Dreamscape Entertainment, mamaya na ‘yan bago mag-TV Patrol.

     

  • Lance Raymundo, nanawagan ng ayuda para sa industriya ng pelikula

    010915 Lance Raymundo[divider]

    00 Alam mo na NonieISA si Lance Raymundo sa naging resource person sa ginanap na hearing ng Committee on Public Information and Mass Media na chairman si Senator Grace Poe. Kasama ni Lance rito sina Ms. Nora Aunor, Rez Cortez, Emilio Garcia, ang mga taga-MTRCB, Optical Media Board, at iba pa.

    Ayon kay Lance, ipinaha-yag niya ang rekomendasyon at concerns niya para sa ating movie industry. “Among the celebrity attendees, Sen. Poe asked me and Ms. Nora to voice out our concerns regarding the industry at mga recommendations. Ms. Nora voiced out her concerns, ako naman ang nagbigay ng recommendations.

    “Eto ang sinabi ko roon: ‘Po-litics & the economy are not the only matters that shape a country’s global reputation. Arts and Culture are also part of the pie. According to Sen. Sotto, the iconic TV Series Hawaii 5-0 was actually produced by Hawaii itself as a way to showcase Hawaii to the world and it yielded great results (ie, tourism, business opportunities, etc).

    “’There have been other instances of relatively obscure countries gaining world awareness because of movies which represent them well. That is why, whenever our country is given the honor of having a Motion Picture included in world renowned festivals such as Cannes or the likes, it is an opportunity for our country to be showcased world wide.

    “With that, I would like to appeal for a greater government support for the production and delegates who will fly to attend the festivals. Even simple matters such as flight accommodations say a lot about us. Our delegates should have that certain “premium” in order to represent our movie (and our country) in a manner that would leave everyone with a good and lasting impact,” saad sa amin ni Lance nang kapanayamin namin siya.

    Dagdag pa niya, “’Marami pa akong tinalakay but the main issue is – the artistic merits of a movie (that gives it the chance to be recognized and apprecia-ted in a more global level) has nothing to do with the amount of money the movie outfit has. Sometimes, a simple Indie might even catch the jury’s fancy better than one that costs millions to produce.

    “’So, there may be instan-ces that the production and de-legates invited to represent the country may not have the means to attend the event or represent the country with premium. Hopefully, the government can help out in this manner because after all, both entities will gain in the end.’

    “Sen. Poe took note of my recommendation and assured action will be taken.”

    Umaasa si Lance na mapagtutuunan na rin ng pansin finally ng gobyerno ang mga ayudang kailangang-kailangan ng movie industry.

    Samantala, labis naman ang kagalakan ni Lance nang ma-nominate siyang Best Supporting Actor in a foreign Language Film para sa pelikulang Gemini sa

    Madrid International Film Festival. Kasama niyang nominado rito sina Direk Ato Bautista para sa Best Director, Mon Confiado, para sa Best Actor, at Sheena McBride para sa Best Actress.

    Sa ngayon, isa sa project na tinatapos ni Lance ay ang Beyond That Door na bukod sa kanya ay tinatampukan din nina Mara Lopez, Ervic Vijandre, Cholo Baretto, Alvin Anson, Rochelle Barrameda, Archie Alemaña, at iba pa.

    ni Nonie V. Nicasio

  • Kathryn Bernardo, kumalat ang fake na nude photos!

    052915 kathryn bernardo[divider]

    00 Alam mo na NonieUMALMA ang ina ng Teensstar na si Kathryn Bernardo sa kumalat na fake nude photos ng kanyang anak. Inilabas ni Min Bernardo, nanay ni Kath, ang sama ng loob niya sa nagpapakalat ng mga pekeng nude photos ni Kathryn sa internet.

    “Happy ba kayo sa mga ginagawa nyo?? Ano ba napapala nyo, kumikiTa at sumisikat siguro kayo??Ano naman ang susunod?? Sana huag kayong makarma.”

    Ang naturang post ay na re-tweet ng higit sa 6,000 times at nakakuha ng 7,000 favorites.

    Si Karla Estrada naman ay umalalay kay Kathryn sa pa-mamagitan ng post na:

    “Wala tayong makukuhang respeto sa taong walang respeto sa sarili”, “Tandaan mo digital na karma ngayon… Ingat!”

    Ilang ulit na rin nangyari ang ganitong insidente sa iba’t ibang aktres. Karamihan ay either dinoktor o niretoke lang ang mga nude photo. O kaya ay ka-look-alike lang ng mga artista o celebrtity natin ng mga porn stars sa abroad.

    Kaya dapat na maging aware ang mga netizens sa bagay na ito para huwag agad silang maniwala at huwag nang ikalat pa ang ganitong kabulastugan ng ibang mga taong walang magawang mabuti sa buhay.

    ni Nonie V. Nicasio

  • Police security ng pul-politiko babawiin sa eleksiyon

    PNPILANG buwan na lang at tatanggalan na ng police security ang mga pulpol ‘este politiko.

    Magaganap ‘yan kapag opisyal nang pumasok ang election period, ayon sa PNP Police Security and Protection Group (PSPG).

    Epektibo ito, oras na maghain ng certificate of candidacy ang mga nasabing opisyal.

    Tumpak lang naman ‘yan!

    Lalo na siguro ‘yung mga sandamakmak ang mga police security na ginagawa pang ‘driver’ ng kanilang mga anak sa pagpasok sa eskuwela at trabaho. 

    Mantakin ninyo, pinasusuweldo ng taong bayan pero naglilingkod sa mga politikong sinusuweldohan din ng taong bayan.

    Bukod sa mga politiko, mayroon din ilang VIP ang nag-a-avail ng police security.

    ‘Yun lang, mukhang malapit na rin silang matanggalan ng police escort/bodyguard.

    Pero ayon mismo sa PSPG, mayroon din daw nakalulusot na ilang hindi politiko at lalong hindi VIP pero nabibigyan ng police security.

    Hindi lang isa ang police escort nila, kundi sandamakmak pa para maging security/driver ng kanilang pamilya.

    Tsk tsk tsk…

    Makikita rin ang mga police escort na ‘yan sa mga Casino, na nagmumukhang mga ‘pitbull’ kababantay sa kanilang mga inieskortang dayuhan. 

    Kaya nga raw aalog-alog ang mga pulis sa Metro Manila headquarters, stations and PCP, ‘e dahil ginawa na lang escort ng mga politiko, VIP at non-VIPs.

    Paging, SILG Mar Roxas po!        

    [divider]

    Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

  • Police security ng pul-politiko babawiin sa eleksiyon

    00 Bulabugin jerry yap jsyILANG buwan na lang at tatanggalan na ng police security ang mga pulpol ‘este politiko.

    Magaganap ‘yan kapag opisyal nang pumasok ang election period, ayon sa PNP Police Security and Protection Group (PSPG).

    Epektibo ito, oras na maghain ng certificate of candidacy ang mga nasabing opisyal.

    Tumpak lang naman ‘yan!

    Lalo na siguro ‘yung mga sandamakmak ang mga police security na ginagawa pang ‘driver’ ng kanilang mga anak sa pagpasok sa eskuwela at trabaho. 

    Mantakin ninyo, pinasusuweldo ng taong bayan pero naglilingkod sa mga politikong sinusuweldohan din ng taong bayan.

    Bukod sa mga politiko, mayroon din ilang VIP ang nag-a-avail ng police security.

    ‘Yun lang, mukhang malapit na rin silang matanggalan ng police escort/bodyguard.

    Pero ayon mismo sa PSPG, mayroon din daw nakalulusot na ilang hindi politiko at lalong hindi VIP pero nabibigyan ng police security.

    Hindi lang isa ang police escort nila, kundi sandamakmak pa para maging security/driver ng kanilang pamilya.

    Tsk tsk tsk…

    Makikita rin ang mga police escort na ‘yan sa mga Casino, na nagmumukhang mga ‘pitbull’ kababantay sa kanilang mga inieskortang dayuhan. 

    Kaya nga raw aalog-alog ang mga pulis sa Metro Manila headquarters, stations and PCP, ‘e dahil ginawa na lang escort ng mga politiko, VIP at non-VIPs.

    Paging, SILG Mar Roxas po!        

    BI intel officers ipinagtatapon (Nadamay sa Mison vs Hussin/Cabochan)

    PERSONALAN na raw ang nagiging labanan ngayon sa pagitan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Fred ‘valerie’ Mison at ng dalawang (2) Intelligence officers na sina Atty. Faisal Hussin at Ricardo Cabochan.

    Uminit lalo ang tumbong nitong si Lolo ‘este Mison nang sumabog ang balita  na nag-file ng complaint sa Ombudsman si I/O Cabochan laban sa kanya at sa ilang airport IOs na sumunod lang sa instruction sa kanila.

    Kasama rin sa nagpupuyos na galit ni Mison ay nang mapaghinalaan daw si Atty. Hussin na siyang nasa likod umano ng mga pasabog sa diyaryo na lumabas noong isang linggo na mahigit sa 10 pahayagan ang naglabas ng istorya maging ang raket umano sa lifting of blacklist orders na siya raw ngayon malakas na pinagkakakitaan sa Commissioner’s office.

     Ano kaya ang masasabi ni Chief of Staff Atty. Manuel Plantsa ‘este Plaza sa isyung ito? Dahil dito binuweltahan lahat ng mga BI Intelligence officers and agents na identified sa grupo o ‘yung mga tinatawag na tropapips nina Atty. Hussin at Cabochan.

    Biglang naglabas si Mison ng personnel order na ipinagtatapon sa iba’t ibang border crossing ports ang mga pobreng Intel officers.

    May mga itinapon sa dulo ng Palawan, Zamboanga at Tawi-tawi, pero ang mas masaklap inalisan pa sila ng overtime pay.

    Wala rin budget na ibinigay para sa kanilang board and lodging.

    What the fact!?

    Aba maliwanag na namemersonal at abuse of authority na yata ‘yan, Atty. Norman Tancinco!?

    Karamihan rito ay nagsasabing inosente at wala silang kinalaman sa gulo kaya ganoon na lang ang hinanakit at galit ng mga naapektohan!

    Sa mga nangyayari, malinaw na sobrang paglabag na sa karapatan ng isang tao o manggagawa ang diskarte nitong si Mison?

    Kitang-kita raw na may evidence of bad faith ang action ni Miswa ‘este Mison.

    Maliwanag din na ang ginawa niyang pagpapatapon sa Intelligence officers and agents sa border crossing points ay isang uri ng constructive dismissal.

    Ang maipapayo lang natin sa mga apektadong tiga-Intel sa pamemersonal sa inyo, panahon na siguro na magsama-sama kayo para ipaglaban ang karapatan n’yo at patunayan na buo pa rin ang mga yag-bols ninyo.

     Ano pang hinihintay ninyo? Nanditan ang Ombudsman, Civil Service at RTC. Nandiyan rin ang Kongreso.

    Ito na ang pagkakataon para ipakita ang tunay na “good guys in; bad guys out” sa Bureau!

    Opisyal ng organized vending program ni Erap sinibak sa pwesto!?

     Kamakailan pumutok ang balita sa Manila city hall na pinatalsik na ni Yorme Erap ang isang opisyal ng organized kotong ‘este’ ven-ding program. ‘Yan ay dahil umano sa problema sa remittances ng milyones na koleksiyon mula sa Divisoria vendors.

    Base sa mga nagkalat na istorya sa Manila City hall at MPD Press office, nabigo raw mag-entrega ang isang BORROMEO ng tumatagin-ting na P3.7 milyon kita sa loob ng isang buwan mula sa 300 pobre at naghihirap na mga vegetable at fruit vendrs sa  Divisoria!?

    What the fact!?

    Pang-ilan na ba ito?! Si Borromeo na sinibak ni Manila Yorme Erap Estrada sa mga anomalya d’yan sa organized vending program n’ya!? 

    Ang unang sinibak ay isang Konsuhol ‘este’ konsehal, ex-bgy ghairman; Sy, Ex-Convict Scultor, isang opisyal sa city hall.

    Mukhang may mina pala ng ginto riyan sa organized vending kaya pala marami ang ‘nauulol’ dyan?!

    Ang tanong, bakit hindi sinampahan ng kaso ni Erap ang mga taong nambukol ‘este ‘nanunog’ ng collection sa organized vending?

    Milyon-milyong piso ang umano’y naibulsa at hindi nai-remit sa kaban ng Maynila pero bakit hindi ipinahuli at kinasuhan ng alkalde ng Maynila?

    Bakit nga kaya!?

    Reaction kay SoJ Leila de Lima

    Sir Jerry Yap, OA din kung maka-react si Justice Secretary de Lima sa statement ni Mayor Rodrigo Duterte sa pag-amin niya na siya ang nasa likod ng Davao Death Squad.

    Ang dapat na binibigyan ng pansin ni Sec. de Lima ay ‘yung mga tunay na biktima ng karapatang pantao. Napapansin natin sa palagiang panonood ng balita, nagsasalita lang ‘yang si De Lima kapag may prominenteng tao na sangkot o di kaya’y kapag miyembro ng rebeldeng grupo ang napatay. Ang dating ‘e parang ang mga tunay na kriminal pa ang mga biktima.  Hindi ko pa nabalitaan na sumang-ayon siya sa mga pulis at kasundaluhan na ginagawa lang naman ang mis-yon at trabaho.  Ang isa pa sa napapansin ko parang walang human rights ang mga sundalo at pulis kapag sila ang namatay sa engkwentro katulad na lang ng nangyari sa Mamasapano, Maguindanao ‘yun ang isa sa mga dapat na binibigyan ng pansin at nararapat na mabigyan ng hustisya. Hindi ‘yung papatulan niya pa sa mga pahayag ni Mayor Duterte para tuloy si-yang bata na naagawan ng candy sa mga komento niya. Ang dapat na sinisingil ni De Lima sa mga krimen na kanilang ginagawa ay mga tulisan na grupong NPA, BIFF, Abu Sayyaf at ‘yung mga drug lord na hanggang ngayon nagpapakasasa kahit nasa loob ng bilangguan! Ronald

    [email protected] from Rodriguez, Rizal

    [divider]

    Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

  • BI intel officers ipinagtatapon (Nadamay sa Mison vs Hussin/Cabochan)

    misonPERSONALAN na raw ang nagiging labanan ngayon sa pagitan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Fred ‘valerie’ Mison at ng dalawang (2) Intelligence officers na sina Atty. Faisal Hussin at Ricardo Cabochan.

    Uminit lalo ang tumbong nitong si Lolo ‘este Mison nang sumabog ang balita  na nag-file ng complaint sa Ombudsman si I/O Cabochan laban sa kanya at sa ilang airport IOs na sumunod lang sa instruction sa kanila.

    Kasama rin sa nagpupuyos na galit ni Mison ay nang mapaghinalaan daw si Atty. Hussin na siyang nasa likod umano ng mga pasabog sa diyaryo na lumabas noong isang linggo na mahigit sa 10 pahayagan ang naglabas ng istorya maging ang raket umano sa lifting of blacklist orders na siya raw ngayon malakas na pinagkakakitaan sa Commissioner’s office.

     Ano kaya ang masasabi ni Chief of Staff Atty. Manuel Plantsa ‘este Plaza sa isyung ito? Dahil dito binuweltahan lahat ng mga BI Intelligence officers and agents na identified sa grupo o ‘yung mga tinatawag na tropapips nina Atty. Hussin at Cabochan.

    Biglang naglabas si Mison ng personnel order na ipinagtatapon sa iba’t ibang border crossing ports ang mga pobreng Intel officers.

    May mga itinapon sa dulo ng Palawan, Zamboanga at Tawi-tawi, pero ang mas masaklap inalisan pa sila ng overtime pay.

    Wala rin budget na ibinigay para sa kanilang board and lodging.

    What the fact!?

    Aba maliwanag na namemersonal at abuse of authority na yata ‘yan, Atty. Norman Tancinco!?

    Karamihan rito ay nagsasabing inosente at wala silang kinalaman sa gulo kaya ganoon na lang ang hinanakit at galit ng mga naapektohan!

    Sa mga nangyayari, malinaw na sobrang paglabag na sa karapatan ng isang tao o manggagawa ang diskarte nitong si Mison?

    Kitang-kita raw na may evidence of bad faith ang action ni Miswa ‘este Mison.

    Maliwanag din na ang ginawa niyang pagpapatapon sa Intelligence officers and agents sa border crossing points ay isang uri ng constructive dismissal.

    Ang maipapayo lang natin sa mga apektadong tiga-Intel sa pamemersonal sa inyo, panahon na siguro na magsama-sama kayo para ipaglaban ang karapatan n’yo at patunayan na buo pa rin ang mga yag-bols ninyo.

     Ano pang hinihintay ninyo? Nanditan ang Ombudsman, Civil Service at RTC. Nandiyan rin ang Kongreso.

    Ito na ang pagkakataon para ipakita ang tunay na “good guys in; bad guys out” sa Bureau!

    [divider]

    Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

  • Opisyal ng organized vending program ni Erap sinibak sa pwesto!?

    che borromeoKamakailan pumutok ang balita sa Manila city hall na pinatalsik na ni Yorme Erap ang isang opisyal ng organized kotong ‘este’ ven-ding program. ‘Yan ay dahil umano sa problema sa remittances ng milyones na koleksiyon mula sa Divisoria vendors.

    Base sa mga nagkalat na istorya sa Manila City hall at MPD Press office, nabigo raw mag-entrega ang isang BORROMEO ng tumatagin-ting na P3.7 milyon kita sa loob ng isang buwan mula sa 300 pobre at naghihirap na mga vegetable at fruit vendrs sa  Divisoria!?

    What the fact!?

    Pang-ilan na ba ito?! Si Borromeo na sinibak ni Manila Yorme Erap Estrada sa mga anomalya d’yan sa organized vending program n’ya!? 

    Ang unang sinibak ay isang Konsuhol ‘este’ konsehal, ex-bgy ghairman; Sy, Ex-Convict Scultor, isang opisyal sa city hall.

    Mukhang may mina pala ng ginto riyan sa organized vending kaya pala marami ang ‘nauulol’ dyan?!

    Ang tanong, bakit hindi sinampahan ng kaso ni Erap ang mga taong nambukol ‘este ‘nanunog’ ng collection sa organized vending?

    Milyon-milyong piso ang umano’y naibulsa at hindi nai-remit sa kaban ng Maynila pero bakit hindi ipinahuli at kinasuhan ng alkalde ng Maynila?

    Bakit nga kaya!?

    [divider]

    Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

  • Epekto ng Feng Shui mapapansin sa moods

    00 fengshui

    ANG agarang epekto ng feng shui ay mapapansin sa iyong moods. Ang iyong outer chi ang umaakto bilang antenna, nagdudulot ng bagong chi, at ito’y mabilis na nagdudulot ng pagbabago sa paraan ng iyong pag-iisip at nararamdaman. Ang sumusunod ay mga paraan kung paano makabubuo ng iba’t ibang moods sa isang room.

    * Ang isa sa pinakamatinding impluwensya sa iyo ay ang mga kulay ng paligid. Sa paglalakad sa isang brightly colored room patungo sa ibang kwarto ay mababago ang iyong chi, dahil iba’t ibang light frequencies ang dumadaan sa iyong surface chi.

    * Ang imahe at simbolong ginagamit sa espasyo ay maaaring magpabago sa iyong nararamdaman, dahil ang bagong pananaw o alala-alang idudulot ng mga imahe ay magpapabago sa daloy ng iyong chi.

    * Ang ilaw ay may mabilis at flexible na paraan sa pagbabago ng atmospera ng kwarto. Sa pagpindot ng switch ang maliwanag na ilaw ay maaaring mabago patungo sa ‘di gaanong maliwanag ngunit swabeng iluminasyon.

    * Hindi lamang nagdudulot ang mga kandila ng softer orange light, ngunit ang paggalaw ng apoy ay nagdudulot ng subtle movement sa kwarto. Maaari ring magkaroon sila ng hipnotikong epekto, at ang kandila ang magiging focal point ng room.

    ni Lady Choi

  • Panginip mo, Interpret ko: Naaksidente sa motor at ahas

    00 Panaginip

    Gud day po Señor,

    Napangnip ko ang ahas, tapos bigla akong umalis sumakay ako ng motor peo naaksidente nman ako. Vkit kyo po ganun panaginip ko paki interpret na lang, slamat, dnt post my cp #

    To Anonymous,

    Ang panaginip ukol sa ahas ay may kaugnayan sa mga nakatagong takot at pag-aalala na nagkakaroon sa iyo ng malaking epekto. Maaaring ito ay babala na may padating na bagay na hindi mo pa alam dahil hindi pa ito lumulutang, subalit mayroon itong malaking koneksiyon sa iyo, kaya dapat kang mag-ingat sa sarili o sa pinansiyal na bagay. Alternatively, ang ahas ay maaari rin namang simbolo ng temptation, at ng dangerous at forbidden sexuality. Kung natakot ka sa napanaginipang ahas, ito ay maaaring nagsasaad ng pangamba mo ukol sa sex, intimacy o commitment. Maaari rin namang ang ahas sa iyong panaginip ay may kinalaman o may kaugnayan sa mga tao sa paligid mo na hindi mo pa lubos na kilala at hindi dapat pagkatiwalaan. Sa positibong persepsiyon, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge at wisdom. Ito rin ay nagsasaad ng self-renewal at positive changes.

    Ang panaginip mo ay nagpapakita rin ng hangaring magkaroon ng lubos na kalayaan at paghahanap ng adventure na magbibigay ng panibagong sigla sa iyong buhay. Maaari rin na ikaw ay nagpupumulit maka-alpas sa ilang sitwasyon o responsibilidad sa buhay. Ang motorsiklo ay simbolo rin ng iyong seksuwalidad. Kung masyadong mabilis ang pagpapatakbo sa motorsiklo, maaaring paalala ito na maghinay-hinay at huwag maging padalos-dalos sa mga pagpapasya lalo na ang mga bagay na may malaking epekto sa buhay mo. Dahil napanaginipan mo na ikaw ay naaksidente, maaaring metaphor ito ng pent-up guilt na nagiging dahilan para sub-concsiously ay parusahan mo ang iyong sarili. Maaring ito’y bunga ng isang bagay o mga bagay na nagawa mo na hindi ka proud at pinagsisisihan mo. Ang ganitong panaginip din ay maaaring nangangahulugan ng totoong takot o pangamba na maaksidente habang nagmo-motorsiko o paalala sa iyo sa posibleng pagkakasangkot sa isang aksidente o problema.

    Señor H.

  • It’s Joke Time

    00 JokeJuan: Sir, p’wede po ba ako mag-apply ng seaman?

    Captain: Bakit marunong ka ba lumangoy?

    Juan: Hindi po sir.

    Captain: Mag-si-seaman ka tapos hindi ka marunong lumangoy?

    Juan: Bakit ‘yung piloto po ba marunong ba lumipad?

    Captain: Okay your hired!

    Juan: Common sense

    ***

    Nanay: Knock knock

    Anak: Whose there?

    Nanay: Nanay mo

    Anak: Nanay who?

    Nanay: Punyeta kang bata ka, nanay mo ito, buksan mo ang pinto!

  • Sexy Leslie: Hindi tinigasan sa maid

    00 sexy leslieSexy Leslie,

    Ask ko lang, four years na kami ng live-in partner ko, maganda naman ang sex life namin noong una pero ngayon ay hindi na, ano po kaya ang nangyari?

    Anonymous

    Sa iyo Anonymous,

    Hindi kaya may problema kayo? Bakit hindi kayo mag-usap and fix it? Minsan, akala natin okay ang nagsasama lalo kung hindi naman nag-aaway, pero sa tahimik na iyon pala ay maraming pagkukulang na nai-ignore lang. Better if magkaroon kayo ng heart-to-heart talk, ang emotional problem ay madalas na nakaaapekto sa sexual life ng mag-partner so.

    Sexy Leslie,

    Minsan ay nasilipan ko ang katulong ng kapatid ko na nakahubad pero bakit kaya hindi ako tinigasan, bakit sa iba ang bilis? 0915-9913007

    Sa iyo 0915-9913007,

    Simple, dahil hindi mo siya type o kaya ay wala sa kanya ang ‘magic’ na makapagpapatigas kay manoy.

  • Louise, ‘di sikat kaya no pansin ang ampon issue

    Louise, ‘di sikat kaya no pansin ang ampon issue

    ni Ed de Leon

    051415 Louise Delos Reyes

    SIGURO kung talagang sikat na nga iyang si Louise delos Reyes aagaw sa headlines iyong paglabas niyong isang babaeng nagsasabing nanay niya na nagpa-ampon lamang sa kanya sa iba matapos siyang ipanganak dahil wala iyong kakayahang buhayin siya. Ginawa pa nilang dalawang araw na serye ang “supposed to be expose” na iyon. Noong una lumabas lamang ang babaeng nagpakilalang isang Morena Ebrada na siya raw ang tunay na nanay ni Louise, sinabi ang kanyang kuwento at pagnanais na makita ngayon ng personal at magpakilala sa inaangkin niyang anak niya.

    Noong ikalawang araw naman, nagkaharap na sina Ebrada at Louise, nagyakapan pa at sinabi niyang ok lang sa kanya iyon basta may mailabas na ebidensiya si Ebrada na iyon nga ang tunay na nanay niya.

    May mga nakita lang kaming butas sa kuwento. Una, sinasabi ni Ebrada na siya ang tunay na nanay ni Louise, pero hindi niya sinabi kung sino ang tunay na tatay. Ikalawa, hindi rin niya sinabi kung saan niya ipinanganak si Louise, dahil kung ospital iyon o kahit na kumadrona lamang, tiyak na inirehistro ang kapanganakan ng bata sa civil registrar dahil trabaho nila iyon.

    Sa parte naman ni Louise, hindi namin alam kung bakit ang ipinakita niya ay ang naka-tattoo sa batok niyang sinasabing birthday niya na September 1, at hindi ang sinasabi ni Ebrada na ipinanganak siya noong August 10. Kailan ba inilagay ang tattoo, noong ipanganak siya? Ang pinaka-simple riyan inilabas sana niya ang kanyang birth certificate at pinagsalita ang magulang niya, hindi iyong siya lang ang nakipagharap.

    Siguro dahil sa mga butas na ganyan, ni hindi pinatulan kahit na ng mga major newscast nila ang istorya. Una, marami ngang butas ang kuwento, Ikalawa, kasi wala namang pumapansin diyan kay Louise simula noong malunod ang career sa kanyang sirena serye.

     

  • Carlos, mas kumikita bilang restaurant owner at product  endorser

    Carlos, mas kumikita bilang restaurant owner at product endorser

     

    ni Ed de Leon

    052815 carlos agassi

    HINDI by chance ang pagkikita namin ni Carlos Agassi noong isang araw. Nagka-chat kami sa social networking site at nagkasundong magkita para makapagkuwentuhan naman. Kasi napansin namin hindi masyadong visible ngayon si Carlos, kahit na napapanood naman natin siya sa ibang mga serye at ngayon ay nagho-host din sa isang Sunday morning show. There was a time, leading man iyang si Carlos. Nagsawa na ba siya sa acting at ano ang ginagawa niya?

    Inamin ni Carlos, minsan nami-miss din naman niya iyong mga tele-seryeng ginagawa niya noong araw, pero on the second thought, nakita niya na noong panahong panay ang gawa niya ng mga serye, ang dami niyang nami-miss sa buhay.

    Ngayon napakaganda ng takbo ng kanyang restaurant business. Nakita namin ang dami ng taong kumakain doon, kasi masarap naman ang food nila at competitive ang presyo. Napaka-class ng lugar, pero ang presyo hindi taga. Nagulat nga kami, ang presyo nila mas mababa pang ‘di hamak doon sa aming hangout.

    Ang personal appearances niya, na mas malaki ang bayad, at naipo-promote pa niya ang mga produktong kanyang ine-endorse, talagang halos walang pahinga kaya hindi mo siya mahagilap basta weekends. Ang dami rin niyang endorsements, karamihan ay mga health product na ang hinihingi lamang sa kanya ay iyong gamitin niya ang mga produktong iyon ay iendoso niya ng personal at sa social media. Kung iisipin mo, mas malaking ‘di hamak ang kinikita ni Carlos ngayon kaysa maraming artista.

     

  • Eat Bulaga!, ‘di nauubusan ng gimmik

    Eat Bulaga!, ‘di nauubusan ng gimmik

    ni Vir Gonzales

    052815 jose wally paolo

    SALUDO kami sa think-tank ng Eat Bulaga dahil hindi nauubusan ng gimik para sa mga tagahanga. Imagine, for 30 years, still riding high. Sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros ang dapat tawaging all rround host. Sila ang bukod tanging TV host na abot kamay ng fans, nayayakap, at nahahalikan.

    Nakagugulat din ang mga joke nila, na wala sa script.

    Kuwento nga ni Paolo, narating niya na ang iba’t ibang lugar, mga uri ng bahay at mga antas ng buhay. Minsan naiiyak pa sina Jose at Paolo kapag nakaririnig ng kuwentong kahirapan. May mga taong gustong magbalik-probinsya pero walang pamasahe.

    Maging si Tito Sen, nagpusong mamon. Isang babaeng mahirap na nananahi lamang ng mga damit sa pagpapadyak. hindi de motor ang gamit dahil walang pera. Sa awa ni Tito Sen pinadalhan ang nanalong contestant ng makina na de motor.

    Hindi rin alintana ng tatlong host ang tindi ng araw, layo ng lugar, basta makapagbigay tulong sa mga mahihirap. Dapat sina Jose, Wally, at Paolo ang bigyan ng award at papurihan, dahil sa kanilang greatest performance.

     

  • Matapatan kaya ni Coco si FPJ?

     

    ni Vir Gonzales

    051915 coco martin FPJ

    Si Coco Martin naman makalusot kaya bilang bagong FPJ ng henerasyon?

    Mabuti na lang napapayag si Susan Roces, na makasama siya sa bagong serye.

     

  • Bakit matsutsugi na ang Inday Bote?

     

    ni Vir Gonzales

    051815 Alex Gonzaga Kean Cipriano Matteo Guidicelli

    ANO ba ‘yan mamamaalam na ang Inday Bote na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga. Ang tunog-tunog ng balita noon na kaya ni Alex gampanan ang dating papel ni Maricel Soriano.

    Pero teka bakit matsutsigi na agad? Sa totoo lang mahirap talbugan ang original.

     

  • Mother Ricky,  ‘di alintana  ang pagsi-share  ng blessings

    Mother Ricky, ‘di alintana ang pagsi-share ng blessings

     

    ni Vir Gonzales

    020615 grr

    SA Power House, ipinakita kung gaano kaganda ang bahay ng pamosong si Mother Ricky Reyes. Nagsimula pala siya sa hirap at hindi inakalang mabibiyayaan ng mga blessing ni Lord.

    Nagsimula ang pagiging hair stylist na nagustuhan ng mga costumer, lumawak na agad ang kanyang parlor.

    Sa interbyu ni Kara David, mapapansin ang kababaang loob ni Mother Ricky. Marami palang mga batang may cancer ang kanyang natutulungan.

    Naaawa siya sa mga mahihirap na hindi maipagamot ang kanilang mga anak. Sabi nga ni Mother Ricky, “binigyan ka na ni Lord ng agahan, tanghalian, at dinner, bakit ‘di mo sila bigyan man lang ng merienda?”

    Mapagmahal siya sa kanyang magulang. Mayroon siyang resort sa Batangas at Antipolo. Dahil maraming natutulungan, naitanong namin puwede naman daw ba siyang tumakbong kandidato?

    Ani Mother Ricky, utang daw niya kay Lord ang mga biyayang natatanggap.

     

  • Sen. Ping, galanteng lolo

    ni Rommel Placente

    051315 Ping Lacson

    NARANASAN na ni dating senador Ping Lacson ang maging public servant at masasabi niya na mahirap gampanan ang tungkuling ito.

    “It takes much of you, lalo na sa family mo. Pero I am a believer in having quality time. Kung makaluluwag, I would want to be with my wife, my kids lalo na ‘yung mga apo ko (Thirdy at Mimi),”sabi ni Mr. Ping.

    Sobrang mahal ni Mr. Ping ang dalawa niyang apo. Kaya naman noong nakaraang Pasko ay niregaluhan niya si Thirdy ng Iphoe 3G at ipapasyal naman niya sa Hongkong si Mimi.

    Madisiplina mang lolo si Mr. Ping, naroon pa rin ang pagmamahal niya kina Thirdy at Mimi.

    “The way Alice and I brough up Ronald, Pampi and Jeric. Kahit hanggang ngayon if any of my sons are wronged, una akong umaalma kahit malalaki na ang mga ‘yan,”ani pa ng dating rehabilitation czar.

     

  • Bianca Gonzalez, excited na  sa pagiging nanay

    Bianca Gonzalez, excited na sa pagiging nanay

     

    ni James Ty III

    052815 Bianca Gonzales

    BLOOMING pa rin ang TV host na si Bianca Gonzalez kahit malapit na siyang maging ina.

    Sa aming pakikipag-usap kay Bianca habang pinanonood niya ang kanyang mister na basketbolista na si JC Intal noong Linggo sa laro ng PBA sa Araneta Coliseum ay kinompirma niya sa amin na tatlong buwan siyang buntis.

    Ngunit hindi pa halata ang pagbubuntis ni Bianca dahil seksing-seksi pa rin siya dulot ng palagi niyang workout.

    “I still work out everyday and I’m still busy hosting,” wika ni Bianca. “As of now, I still don’t know kung babae o lalaki ang magiging anak namin ni JC. Probably after the fifth month, malalaman ko ang resulta ng testing.”

    Ayon pa kay Bianca, parehong excited sila ni JC sa pagiging mga magulang kaya inspirado ang basketbolista sa kanyang paglalaro sa Barako Bull sa PBA.

     

  • Sweetness nina Angeline at Erik, huling-huli sa kanilang back to back show!

     

     

    ni John Fontanilla

    052815 Angeline Quinto Erik Santos

    UMANI ng malakas na hiyawan at palakpakan ang equally brilliant singers na sina Angeline Quinto at Erik Santos sa kanilang back to back show na ginanap last May 20 entitled Moments of Love na hatid ng SMDC Date Night na naganap sa SMDC Grand Showroom, SM Mall of Asia, Complex Pasay City sa ganda at galing ng performance ng mga ito.

    Nag-enjoy nang husto ang mga taong naroroon sa mga inihandang awitin nina Angeline at Erik. Pero marami ang nakapansin sa sobrang sweetness ng dalawa kaya naman nakadagdag kilig factor na kung pagmamasdan ay parang kompirmadong may mas malalim na relasyon ang mga ito.

    At kahit nga walang pag-aming namumutawi sa mga labi nila, kitang- kita naman daw sa bawat kilos nila na espesyal sila sa isa’t isa at masaya ‘pag magkasama

     

  • Sarah,  may 7 perfume  at 7 cologne

    Sarah, may 7 perfume at 7 cologne

     

    ni John Fontanilla

    052815 sarah g

    BONGGA ang naging launching ng pabango at cologne (Aficionado Germany Perfume) ni Sarah Geronimo sa ASAP last Sunday na isang bonggang production ang inihanda nito.

    Present ang buong pamilya ng Aficionado Germany Perfume sa pangunguna ni Mr Joel Cruz, CEO/President ng Central Affirmative Company Inc. at ang kanyang dalawang anak na sina Prince Sean at Princess Synne.

    Seven different scents ang pabango ni Sarah, ang Diverse, Sarah G Likes You, Treasures, Bloom and Blush samantalang ang pitong cologne ay ang Harmony, Symphony, Diva, Melody, Serene, Waves, at Pop.

     

     

  • Claro Nang-Is ng Baguio  at Princess Jayme  ng Cebu, itinanghal na Mr and  Ms Olive C 2015!

    Claro Nang-Is ng Baguio at Princess Jayme ng Cebu, itinanghal na Mr and Ms Olive C 2015!

     

    ni John Fontanilla

    052815 olive c  2015

    VERY successful ang katatapos na Mr and Ms Olive C 2015 na giginanap last May 23 sa SM North Edsa Skydome. Hosted by Stephany Stefanowitz and John Nite, naghandog naman ng awitin ang New Placenta image model na si Laurence Mossman, na nag-serenade sa mga kandidata.

    Itinanghal na Mr. and Ms Olive C 2015 ang pambato ng Baguio (University of Baguio) na si Claro Nang-Is at Princess Jayme ng Cebu (Cebu Normal University).

    Naging runner ups naman sina Norecel Mar Ybanez ng Cebu (Cebu Institute and Technology University) at Joshua Marc Lara ng Laguna (Malayan Colleges of Calamba) 1st Runner Up, habang 2nd Runner Up sina Justine Kim ng Antipolo (Our Lady of Peace Antipolo) at Fevy Marinel Besas ng Quezon (STI College of Lucena).

    Espesyal na panauhin ang Goodvides at ang Gimme 5 at namataan naming nanood ang mga Kapuso star na sina Thea Tolentino, Mikoy Morales, Jazz Ocampo, Juancho Trivino, at ang Mr Olive C 2012 at Kapamilya star na si Jon Lucas.

     

  • Pangako Sa ‘Yo, inabangan ni Kristine!

    052815 Kathryn Bernardo kristine hermosa[divider]

    00 fact sheet reggee“Hi Kath! Congrats. Galingan niyo.

    Magpakabait ka and be wise. Okay?” ito ang mensahe ni Kristine Hermosa na orihinal na Yna Macaspac sa seryeng Pangako Sa ‘Yo na umere taong 2000.

    Halatang inabangan din ito ni Kristine para mapanood ang bersiyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at marahil para gunitain din ang sarili ng mga panahong ginawa nila ni Jericho Rosales ang nasabing serye.

    Ano kaya ang ibig sabihin ng sinabi ni Tin na, “magpakabait ka and be wise?” Hmm, parang may alam ako Ateng Maricris, ha, ha ha.

    Samantala, inabangan talaga ng mga tagasubaybay ng Pangako Sa ‘Yo ang unang episode nito noong Lunes maging ang TFC subscribers na kakilala namin ay hinintay din ito at tanong nga ng tanong sa amin ang kakilala namin sa ibang bansa kung anong nangyari, tapos biglang sasabihing, “ay ‘wag mo ng ikuwento para may surprise.”

    Back story muna nina Ian Veneracion bilang si Eduardo Buenavista at Jodie Sta. Maria bilang si Amor Powers ang ipinakita kung paano mabubuo ang kanilang pagmamahalan.

    Tuwang-tuwa kami sa eksenang kinakausap ni Jodie ang mga larawan ni Ian na nakadikit sa aparador at kunwa’y humihingi ng halik na sinasagot ng, “kiss na naman? Hindi ba nag-kiss na tayo kagabi?” at biglang lilingon ang aktres sa litrato ng kanyang ina (Amy Austria) at sabay sabing, “nagagalit ka na naman ‘nay.”

    Ang kaibigang si Erika Padilla na Betty Mae ang karakter ang tagahatid ng balita kay Jodie kung ano ang reaksiyon ni Ian ng matikman ang luto nito sa handaan.

    Nakatituwa ang eksenang sinusumpong ng hika si Jodie kasi nga claustrophobic siya nang ma-stock sila sa elevator at nanginginig na umiiyak habang kinakanta ang tong, tong, pakitong-kitong, alimango sa dagat at napansin siya ni Ian at inalalayan nito hanggang sa makalabas sila.

    Pinutol ang kuwento sa eksenang pinuntahan ni Jodie si Ian sa opisina niya para sabihin ang nangyari sa minahan na pinagtatrabahuhan ng tatay nitong si Boboy Garovillo bilang si Mr. de Jesus.

    Natiyempong mainit ang ulo ni Ian at narinig ni Jodie ang sinabi niya kaya nagulat ang dalaga.

    Curious kami kung ano ang ratings ng Pangako Sa ‘Yo noong Lunes habang tinitipa kasi namin ang kolum namin ay wala pa kaming nakuha.

    ni Reggee Bonoan

  • Alex, ‘di na binigyan ng show after Inday Bote

     

    040815 Alex gonzaga[divider]

    00 fact sheet reggeeHINDI rin pala kasama si Alex Gonzaga sa Pinoy Big Brother na launching na sa June, ito ang sabi mismo ng taga-production.

    Nagtanong kami sa taga-The Voice Kids 2 kung bakit nawala si Alex bilang co-host nina Robi Domingo at Luis Manzano at nabanggit nga na may Inday Bote.

    Kaya binanggit namin na ilalagay naman si Alex sa PBB kapalit ng TVK2, “hindi ko alam kung kasama siya, sino ba ang peg niya sa ‘PBB’. Baka naman kapalit ni Mariel (Rodriguez) na luka-luka lang,” sagot sa amin.

    Nagte-taping na kasi si Alex ng Inday Bote habang nagsisimula namang mag-taping din ang TVK2 na hindi na kinaya ng dalaga kaya pinalitan na siya.

    Patapos na ang Inday Bote at hindi rin kasama si Alex sa PBB, ano pa ang next project niya?

    Anyway, base sa umeereng episode ngayon ng Inday Bote ay wala ng makapipigil sa pagbangon ng karakter ni Alex sa ‘ending na hindi puwedeng ismolin ngayong Biyernes (Mayo 29).

    Sa pagbubunyag ng tunay niyang pagkatao, gagawin na ni Inday (Alex) ang lahat para itama ang lahat ng pagkakamali na ginawa ni Fiona (Aiko Melendez) sa pamilya niya.

    Paano nga ba maaayos ni Inday ang lahat ng kaguluhan sa pamilya Vargas ngayong malalaman na ng lahat na siya ang nawawalang si Kristal? Mapipigilan pa ba niya ang kasamaan ni Fiona sa tulong ng mga duwendeng nagpoprotekta sa kanya? Sa huli, may kailangan nga bang magsakripisyo ng buhay para sa katahimikan at kapayapaan ng lahat?

    Huwag palampasin ang ending na hindi puwedeng ismolin si Inday Bote ngayong Biyernes na bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

    ni Reggee Bonoan