Saturday , November 27 2021

Tracy Cabrera

Lamay bawal sa loob ng bahay — Belmonte

NAGBABALA ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa mga opisyal ng barangay at kawani ng punerarya na papatawan ng parusa ang gaganaping lamay sa loob ng tahanan ng mga namatayan dahil ang ganitong mga aktibidad ay maaaring maging dahilan ng pagkalat ng impeksiyon ng coronavirus. Ayon kay QC Barangay Community Relations Department (BCRD) head Ricky Corpuz, ang desisyong hindi payagan …

Read More »

Babala ni Isko ng Maynila: Bakasyonista dapat magpa-swab test o maharap sa kaso

MANILA — Sanhi ng obserbasyong marami ang bumabalewala sa ipinaiiral na minimum health safety protocol para mapigilan ang pagkalat ng CoVid-19, pinaalalahanan ni Manila mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga residente sa lungsod na nagbabalik mula sa pagbabakasyon sa mga lalawigan na kailangan silang sumailalim sa mandatory swab test bago tuluyang makauwi sa kani-kanilang tahanan sa Kamaynilaan. Nagbabala si …

Read More »

Maaabsuwelto si Durante

PANGIL ni Tracy Cabrera

The end justifies the means. But what if there never is an end? All we have is means. — American author Ursula Le Guin   PASAKALYE: Text Message… May puna ako sa sinabi ng isang senador, matuto na raw tayo sa naging karanasan. Sabi, matuto na tayo sa naranasan natin sa siyam na buwan. Huwag natin daw hayaang pumasok dito …

Read More »

‘Second Wave’ ng HIV sanhi ng Covid-19

KUNG pagmamasdan si Rina ay maayos siya at walang karamdaman. May asawa siya at isang 2-anyos na supling at mahilig siyang bumiyahe at mamasyal bukod sa pagiging abala sa kanyang negosyo sa kanilang barangay sa Paco, Maynila. Ngunit sa likod ng kanyang kaaya-ayang panlabas, may dalang trauma ng pang-aabuso si Rina. Noong 15 anyos pa lang siya, isang 30-anyos na …

Read More »

Mga nars nabighani sa special delivery mula kay Liam Neeson

ANG pagkilala sa frontliners bilang bayani sa gitna ng pandemya ng coronavirus ay laganap na sa mundo at kahit ang aktor na si Liam Neeson ay nagbigay pugay sa mga nurse at doktor sa pamamagitan ng pagpapadala ng bouquet ng mga bulaklak sa Royal Melbourne Hospital sa Australia. Sadyang nabighani ang hospital staff makaraang matanggap ang ‘surprise delivery’ mula kay …

Read More »

Papuri kay Miranda at pagsalubong kay Francisco

 ni Tracy Cabrera  MAYNILA — May ‘reserbasyon’  si Brigadier General Rolando Fernandez Miranda sa paglisan niya sa Manila Police District (MPD) bilang hepe makaraang magsilbi sa Manila’s Finest sa loob ng walong buwan at 11 araw. Gayonman, sa kabila ng pagiging hepe ng sandaling panahon at sa gitna pa ng pandemyang coronavirus, naging mahusay ang paninilbihan ni Miranda at tunay …

Read More »

Mga biktima ng taal, wala pa ring ayuda

PANGIL ni Tracy Cabrera

Who against hope believed in hope. — Romans 4:18 PASAKALYE: Text Message… Itong si PI DSWD Sec. BAHOTISTA, ang babaho ng pinagsasabi sa pamimigay ng SAP-SAP. Bilasa na nga iyong SAP-SAP  e hindi pa namin makuha. Ang dami niyang post sa YouTube, paiba-iba ang sinasabi kung paano makukuha ang bilasang SAP-SAP. Mula March hanggang ngayon (ay) hindi pa rin mabigyan lahat ng …

Read More »

Maskaradong rider nagwagi sa Tour de France

SA MASASABING kauna-unahang pagkakataon sa mahabang kasaysayan ng Tour de France, nakasuot ang nagwaging siklista ng kulay dilaw na face mask para pumarehas sa iconic jersey ng kampeon habang nakatindig sa podium para tanggapin ang kanyang tagumpay. Sa kabila ng patuloy na pananalasa ng pandemya ng coronavirus sa bansa, nagpatuloy ang premyadong cycling tournament at may naideklara namang kampeon sa …

Read More »

Higanteng Canvas para sa Kabataan ng Daigdig

Kinalap ni Tracy Cabrera NAGPAPABALIK-BALIK sa higanteng canvas na nakalatag sa sahig ng ballroom ng luxury Dubai hotel, layunin ng British artist na si Sacha Jafri na masungkit ang bagong Guinness World Records para sa pinakamalaking art canvas at makalikom ng US$30 milyon para sa health at education initiatives na nakalaan sa mga kabataan mula sa mahihirap na bahagi ng …

Read More »

Buntot ng balyena sumagip sa tren

Kinalap ni Tracy Cabrera                       ISANG runaway metro train sa Holland ang nasagip sa kapahamakan makaraang bumangga ito sa isang stop barrier ngunit humantong sa higanteng eskultura ng buntot ng balyena para mapigilang lumaglag sa 10 metro ng tubig sa kanal — napatigil ang harapang bagon ng tren na nakabitin sa hangin habang nakatuntong sa buntot ng balyena. Walang pinsala o …

Read More »

Buwis sa pagkain ng karne hiniling ng mga siyentista (Para sa pagsugpo ng pandemya)

MAGUGUSTUHAN kaya ng mga Pinoy ang pagpataw ng buwis sa livestock production at pagkonsumo ng karne — sa gitna ng pandemyang coronavirus, paghina ng ekonomiya, at iba pang mga problemang kinakaharap ng ating bansa?   Ngunit ayon sa mga international health expert, makabubuti kung ang ating mga policymakeray pag-iisipan ang pagpataw ng ganitong uri ng buwis para mabawasan ang banta …

Read More »

Babae gumasta ng US$120,000 o P6-M para sa tattoo (Puting mata ginawang asul, dila hinati sa gitna)

Kinalap ni Tracy Cabrera                       ISANG babae sa Australia ang gumasta ng US$120,000 o katumbas na P6 milyon para sa body modifications upang magbagong-anyo mula sa isang blond-haired teen patungong “blue eyes white dragon.” Ibinahagi ng 25-anyos na si Amber Luke sa kanyang selfie sa Instagram Stories sa ilalim ng caption na — “body modification is the ultimate form of self-expression” — …

Read More »

‘My Way’ nina Isko at Jonvic

PANGIL ni Tracy Cabrera

I PITY our parents and students who are trying to go through online schooling while being disturbed by karaoke noise in the background. — Manila mayor Isko Moreno   BAWAL na ang paggamit ng karaoke sa Maynila — kaya iyong mga adik kumanta (tulad ng pinsan ng misis kong si Ernesto), itabi n’yo na ang inyong mikropono dahil ipinagbabawal na …

Read More »

Pinakamatandang alak sa mundo nais ba ninyong matikman?

ANG sabi nila, hindi raw napapanis ang alak — pero kung kayo ang tatanungin, iinumin n’yo kaya ang alak sa bote na sinasabing pinakamatandang botelya ng wine sa buong mundo? Tiyak na magda­dalawang-isip kayo para inumin ito dahil ang sinasabi naming bote ng alak na kung tawagin ay Speyer wine bottle o Römerwein, ay sa kataunyan isang selyadong sisidlan, na sinasabing …

Read More »

Marikina magbibigay ng pabuya sa mga huhuli ng daga

SA GITNA ng pandemya ng coronavirus at sa pagsisimula na rin ng panahon ng tag-ulan, inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang all-out war laban sa sakit na leptospirosis sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabuya sa sa mga residenteng makahu­huli ng mga pesteng daga. Ayon kay Marikina vice mayor Marion Andres, isang doktor, ibibigay ang mga pabuya sa mga taong …

Read More »

Chess: Bagong Hari ng Pandemya

SA iba’t ibang lungsod sa mundo, nagsasagawa ang mga tao ng malikhaing pamamaraan upang makayanan ang epekto ng mga coronavirus quarantine at kabilang sa mga aktibidad na ginagawa ay balcony singing, workout at iba pang mga gawain para maibsan ang stress at agam-agam. At sa halos pagkawala ng professional sports, pinasok ng mga atleta ang virtual training para mapanatili ang …

Read More »

Hidwaang Cayetano at Velasco

PANGIL ni Tracy Cabrera

Kung ano ang puno, siya ang bunga. — Salawikain BAGITONG reporter pa lang ako noon ng Journal Group of Publications nang makilala ko at maging kaibigan ang ama ng ‘nagpaalam’ na House speaker Alan Peter Cayetano na si Atty. Renato ‘Rene’ Cayetano. Hindi ko akalaing maging kakaiba ang pamantayan ng supling ng batikang abogado na humawak bilang bahagi ng prosekusyon …

Read More »

Santo Papa may Pinoy Bodyguard

ISANG Swiss national na may dugong Pinoy ang pinasumpa kamakailan sa Vatican para mapabilang sa iginagalang na Pontifical Swiss Guard — ang elite military unit na inatasang magbantay bilang security ng Santo Papa.   Napabilang ang 22-anyos na si Vincent Lüthi bilang isa sa 38 bagong miyembro ng tagapagbantay kay Pope Francis nitong Linggo, 4 Oktubre 2020.   Ayon sa …

Read More »

Bagong subspecies ng suso nadiskubre sa Baras, Rizal

ISANTABI muna natin ang tungkol sa pandemya ng coronavirus at pag-usapan ang bagay na makapagpapasikat sa ating mga Pinoy sa kabila ng ipinaiiral na health safety protocols at lockdown na halos nagpabilanggo sa karamihan sa atin sa nakalipas na ilang buwan.   Sa Baras, Rizal ay nakadiskubre ng mga siyentista mula sa University of the Philippines (UP) ang inilarawan nilang …

Read More »

Depresyon at pandemya

PANGIL ni Tracy Cabrera

It’s so difficult to describe depression to someone who’s never been there, because it’s not sadness. I know sadness. Sadness is to cry and to feel. But it’s that cold absence of feeling—that really hollowed-out feeling. — J.J. Rowling of Harry Potter fame   BUKOD sa banta ng pandemya ng coronavirus sa halos lahat ng aspekto ng ating pamumuhay, ang …

Read More »

Tatalunin ko ang pandemic —Taekwondo champion

 ni TRACY CABRERA IPINANGAKO ni dating world taekwondo champion Rinna Babanto sa kanyang sarili na tatalunin niya ang (coronavirus) pandemic at para makamit ito, naghahanap siya ng mga paraan para makabalik sa dating liksi sa pamamagitin ng matinding pagsasanay at mahigpit na health regimnen. Sa nakalipas na edisyon ng Southeast Asian Games, o ang 30th SEAG, sa Maynila nang nakaraang taon, …

Read More »

Cebuana Beauty Queen lalahok sa basketbol

HINDI lang ganda ang maipagmamalaki ni Katherine Jumapao, may talent rin siya sa sports at ibibigay niya ang lahat para makamit ang kanyang mithiing maging isang professional basketball player makaraang isumite ang kanyang aplikasyon sa Women’s National Basketball League (WNBL), na kamakailan ay tinanggap ng Games and Amusement Board (GAB) para mapaangat ang liga sa pro status tulad ng Philippine …

Read More »

Dalagita nagtala ng pinakamabilis na slalom record

“MUKHANG madali pero hindi.” Bulalas ng bagong title holder para sa fastest vehicle slalom, ang 16-anyos dalagitang si Chloe Chambers, makaraang kilalanin ng Guinness World Record ang teenager sa pagbasag ng dating record na naitala sa China noong 2018. Beteranong kart driver kahit bata pa sa kanyang pitong-taong karanasan, naitala ni Chambers ang bagong benchmark sa pagsalakay sa 51 balakid …

Read More »

Sariling kamay pinutol ng dalaga para makakolekta ng insurance

MARAHIL ay mayroon na kayong nabalitaang kuwento na katulad nito, ngunit kamangha-mangha pa rin malaman na may mga taong handang gawin ang nakakikilabot para lamang magkaroon ng pera. Sa bansang Slovenia sa Central Europe, isang babae ang nilagari ang sariling kamay para makakolekta ng insurance ngunit imbes makuha ng benepisyo ay nabuking ang kanyang ginawa kaya inaresto siya ng mga …

Read More »