Friday , May 17 2024

Rommel Sales

Obrero patay sa bugbog ng katrabaho

dead

PATAY ang isang 42-anyos construction worker makaraang  bugbugin ng katrabaho mata­pos ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Ospital ng Malabon (OsMa) ang biktimang kinilalang si Danny Tumulag, tubong Purok Tubod, San Jose, Dipolog City, sanhi ng grabeng bugbog mula sa mga kasamahang kapwa stay-in. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jessie …

Read More »

3 sangkot sa droga timbog sa buy bust

arrest posas

TATLONG hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa ikinasang buy bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head P/Capt. Segundino Bulan, Jr., ang mga suspek na sina Mark Anthony Bitao, Nelson Re­yes, at Roderick Momay. Sa ulat  ni SDEU chief P/SSgt. Julius Congson kay Valenzuela police chief P/Col. Carlito …

Read More »

16 arestado sa buy bust sa Valenzuela

shabu drug arrest

LABING-ANIM na hinihinalang drug personalities ang naaresto sa isinagawang magkaka­hiwalay na drug buy bust operation ng pulisya sa Valen­zuela City. Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces, dakong 2:45 am kamakalawa nang masakote ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Segun­dino Bulan, Jr., si Billy Abad, 39 anyos, at Elmer Martin, …

Read More »

Dahil sa mabahong amoy… 2 empleyado ng oil factory hinimatay

DAHIL sa nalanghap na mabahong amoy na kanilang ikinahilo at ikinahimatay, isinugod sa ospital ang 11 empleyado ng pabrika sa Caloocan City, nitong Linggo ng umaga. Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Noel Flores, si Limwell Ibe, 31, at Bobby Benitez, 24, kapwa nagtatrabaho bilang waste and water treatment plant operators ay kasalukuyang naka-confine sa East Avenue Medical Center …

Read More »

Wanted person nakipagbarilan sa parak tigbak

dead gun

PATAY ang  isang lalaking wanted sa Valenzuela City matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsisilbi ng arrest warrant laban sa kanya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces ang suspek na si Dominic Batin, ng Don Simeon St., Mapulang Lupa na hindi umabot nang buhay sa Valenzuela City Medical Center (VCMC) sanhi ng tama ng …

Read More »

Kelot patay, 2 sugatan sa trip ng 4 senglot

dead

ISANG lalaki ang nama­tay habang sugatan ang kanyang dalawang kasa­ma nang makursu­nada­hang bugbugin ng apat na lasing sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang bikti­mang kinilalang si Richard Gregorio, 50 anyos,  ng Brgy. Tugatog sanhi ng pinsala sa ulo, habang bugbog at sugat sa muk­ha ang pinsala ni Simpli­cio Navarro, …

Read More »

Sanggol lumutang sa Tullahan

LUMUTANG ang katawan ng isang sanggol na lalaking nakasuot ng diaper sa Tullahan River kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City. Kasalukuyang ginaga­wa ang dike ng ilog sa baha­gi ng F. Bautista St., Brgy. Maru­las nang mahulog sa tubig ang ginagamit na hag­dan ng mga construction workers dakong 1:30 pm kaya’t nilusong ng dala­wang trabahador na sina Jomar Garcia at Erwin …

Read More »

5 arestado sa pot session

drugs pot session arrest

LIMANG katao ang naaresto kabilang ang tatlong bebot matapos maaktohan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay sa Caloocan City, kamaka­lawa ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Joshua Fontalva, 19 anyos, isang construction worker; Jerry Regis, 42 anyos, foreman; at mga bebot na kinilalang sina Michelle Camacho, 36, Maria Virginia, 31, at Daisy Escober, …

Read More »

Akyat-bahay swak sa hoyo

nakaw burglar thief

KULONG ang isang  miyembro ng akyat bahay gang nang maaresto ng mga pulis matapos pasukin at pagnakawan ang bahay ng isang kalugar sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Noel Flores ang suspek na si Gerald Bartolome, 18 anyos, welder, residente sa Malaya St.m Pangarap Village, Brgy. 181. Ayon kay Caloocan deputy chief for …

Read More »

22 timbog sa buy bust sa Vale

arrest prison

UMABOT sa 22 katao ang naaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City, kamakalawa hanggang kahapon ng madaling araw. Batay sa ulat mula kay Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces, dakong 7:45 pm nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) team 3 sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan …

Read More »

Senglot na lady guard nanuba ng taxi driver nanlaban pa sa parak

CCTV arrest posas

ISANG babaeng security guard ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa panunuba sa taxi driver, pagwawala, at paglaban sa mga nagrespondeng pulis sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, kinilala ang naarestong suspek na si Marcela Canonigo, 31 anyos, ng 11th Avenue, Grace Park, Caloocan. Nabatid na dakong 1:30 am, nirespondehan ng …

Read More »

Ipinahuli ng live-in partner dahil sa sex video… Koreano naglaslas ng pulso sa piskalya

NILASLAS ng isang Korean national ang sariling pulso habang isinasailalim sa inquest proceedings batay sa reklamo ng kanyang kinakasamang Pinay dahil sa pagpo-post ng kanilang sex video sa Caloocan City, kamaka­lawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Xiwoo Kwak, 40 anyos, ng Hobart Village, Don Ramon St., Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City at nahaha­rap sa kasong paglabag sa anti-voyeurism …

Read More »

Caloocan prosecutor nakaligtas sa ambush

TADTAD ng tama ng bala ang sasakyan ng isang fiscal ng Caloocan City makaraang tam­bangan ng tatlong arma­dong lalaki habang nasa loob ng kanyang sasak­yan, sa tapat ng isang restaurant  kamakalawa  ng hapon. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Noel Flores ang biktimang si Assistant Chief Inquest Prosecutor Elmer Susano. Sa kuha ng CCTV camera sa B. Serrano St., corner …

Read More »

6 barangays sa Caloocan pasado sa SGLGB

Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

ANIM na barangay ang masa­yang  nagtipon  kamakalawa ng umaga sa Caloocan city hall grounds upang tanggapin ang parangal ng mga barangay  na pumasa sa pagsusuri ng Caloocan City Validation Team para sa Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB). Mainit na tinanggap ang nasabing parangal ng Barangays 67, 170, 176, 177, 178, at 182. Sila ang mga nakakuha ng …

Read More »

3 holdaper timbog

arrest posas

TATLONG holdaper ang nasakote sa follow-up operation matapos biktimahin at tangayin ang magdamag na kinita ng isang taxi driver kamakalawa sa Caloocan City. Nahulihan din ng mga tunay at pekeng armas ang mga dinakip na sina Ralph Bertulfo, alyas Rap Rap, 34 anyos, cellphone technician, ng Phase 3, Package 2, Block 54, Lot 3, Barangay 176, Bagong Silang; Oliver Ramil, 45 …

Read More »

Robbery holdup suspect tinodas ng ‘kakosa’

gun shot

PATAY ang isang hinihinalang notoryus na holdaper at sinabing sangkot din sa ilegal na droga matapos barilin ng kanyang kakosa sa mainitang pagtatalo sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang napatay na si Greg Samson, alyas Jon-Jon, 32 anyos, ng Block 32, Lot 29 Phase 2 Area 2 Brgy. North Bay …

Read More »

Negosyante, 2 pa, todas sa ratrat ng riding-in-tandem

dead gun police

ISANG malalimang im­bes­tigasyon ang isina­sagawa ng mga awto­ridad sa pagkamatay ng tatlong tao kabilang ang 43-anyos negosyante sa magkahiwalay na insi­dente ng pamamaril ng riding-in-tandem sus­pects sa Caloocan City. Ipinag-utos ni Calo­ocan police chief P/Col. Noel Flores sa kanyang mga tauhan ang manhunt operation sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek na pumatay kay Marlon Rapiz, 37 anyos, residente …

Read More »

Estudyante hinablutan ng bag sa jeepney snatcher arestado

arrest posas

SA kulungan bumagsak ang isang 27-anyos lalaki nang daklutin ang bag ng isang coed na naipit sa traffic habang sakay ng pampa­saherong jeep sa Navotas City. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang suspek na si Joshua Mahinay, ng Tondo, Maynila, kakasuhan ng robbery snatching. Batay sa ulat, dakong 11:00 am, sakay ng pampasaherong jeep ang biktimang si …

Read More »

Nanggantso ng lolang negosyante… Bebot kulong sa extortion

arrest prison

SWAK sa kulungan ang isang istambay na bebot na nanggantso at muling natangkang huthutan ang isang senior citizen na businesswoman sa Mala­bon City kahapon ng umaga. Dakong 10:40 am nang madakip ang sus­pek na kinilalang si Cristina Clarito, 33 anyos, residente sa Emilio Jacin­to St., Brgy. Concepcion sa loob ng Immaculate Conception Church sa isinagawang entrapment operation. Ito’y matapos tang­ga­­pin …

Read More »

P.7-M shabu kompiskado sa mag-asawang tulak

lovers syota posas arrest

AABOT sa P700,000 halaga ng shabu ang nakompiska sa mag-asawang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head P/Capt. Deo Cabildo ang naarestong mga suspek na si Abdullah, 53 anyos, at Raisha Ampatua, 54 anyos, kapwa residente sa Globo De Oro St., …

Read More »

6 drug personalities timbog sa buy bust

shabu drug arrest

ANIM na hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang babae ang naaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat na nakarating kay Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces, dakong 10:30 pm nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan …

Read More »

6 sangkot sa droga arestado sa buy bust

shabu drug arrest

ANIM na hinihinalang sang­kot sa ilegal na droga ang naaresto sa isinaga­wang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Navotas City police chief P/Col. Rolando Balasabas ang mga naares­tong suspek na sina Walter Austria alyas Abal, 47 anyos; Bernardo Asigurado II alyas Bernie, 50 anyos; Bernardo Asigurado IV, 47; Alron Candelario, 20; Glenn Jugarap, …

Read More »

Helper patay sa pamamaril

gun shot

PATAY ang isang 59-anyos bakery helper matapos pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Eddie Gonzales, residente sa Phase 1 Gozon Compound, Brgy. Tonsuya sanhi ng mga tama ng bala sa katawan. Batay sa ulat nina police homicide inves­tigator P/SSgt. Julius Mabasa at …

Read More »

49 Navotas inmates nagtapos sa ALS

UMABOT sa 49 inmates sa Navotas City Jail ang mapalad na nakakuha ng diploma sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS)  na ang 15  sa kanila ay nagtapos sa elementarya at 34 ang nagtapos sa high school. Sa  talumpati ni Mayor Toby Tiangco sa harap ng inmates, kanyang  hini­ka­yat ang mga nagsi­pag­tapos na ipagpatuloy ang magandang gawain at magsikap na …

Read More »