Friday , March 29 2024

hataw tabloid

Miranda itinapon ng Petron

INAYOS kahapon ng Petron Blaze at Globalport ang isang trade habang ginaganap ang planning session ng PBA board of governors sa Sydney, Australia. Sa ilalim ng trade, ililipat ng Blaze Boosters si Denok Miranda sa Batang Pier kapalit ni Chris Ross. Naunang nakuha ng Globalport si Ross mula sa Meralco kasama si Chris Timberlake kapalit naman nina Gary David at …

Read More »

Kaso ni Koga iniimbestigahan na ng NCAA

NAGSIMULA nang mag-imbestiga ang National Collegiate Athletic Association sa kaso ng point guard ng San Beda College na si Ryusei Koga na umano’y naglaro sa isang ligang pambarangay kamakailan. Sinabi ng tserman ng Management Committee ng NCAA na si Dax Castellano ng punong abala ng College of St. Benilde na magkakaroon ng desisyon tungkol sa bagay na ito ngayong araw. …

Read More »

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Mapakikinabangan ng iyong personal and professional relationships ang enerhiya ngayon. Taurus  (May 13-June 21) Ang mahabang biyahe patungo sa malayong lugar ang maaaring pangunahing nasa isip mo ngayon. Gemini  (June 21-July 20) Mauubos ang iyong oras sa pagtuon sa kalagayan ng iyong pananalapi. Cancer  (July 20-Aug. 10) Ang business o romantic partner ay maaaring dumating na …

Read More »

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 56)

MALUNGKOT NA NAGPAALAM  SINA MARIO AT DELIA KAY ALING PATRING  NA TUMAYO NILANG IKALAWANG INA Tumango ang kanyang asawa at ipinakita ang maliit na supot na telang nakasabit sa leeg nito. “Meron na tayong pang pasahe sa barko,” ani Delia nang ipahawak sa kanya ang salaping napagbilhan nito sa kanilang mga gamit at kasangkapang-bahay. “Mula rito, diretso tayo ng Maynila …

Read More »

Peping, POC, PSC officials kinasuhan sa pekeng NSAs

KINASUHAN ni Sen. Antonio Trillanes IV ng malversation sa Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) kaugnay ng inilaan na pondo sa mga bogus na National Sports Associations (NSAs). Kinompirma ni Trillanes ang kanyang paghahain ng kaso sa kasagsagan ng pagdinig ng Senate sub-finance committee sa pondo ng PSC para …

Read More »

Napoles ‘nilayasan’ ni Kapunan (Natakot sa death threats)

NAGBITIW na si Atty. Lorna Kapunan bilang legal counsel ni Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak sa pork barrel scam. Ayon kay Kapunan, pangunahing dahilan ng kanyang pagbibitiw sa legal team ni Napoles ay dahil sa natatanggap niyang death threat. Nagsimula aniya ang pagbabanta sa kanyang buhay nang madawit ang pangalan ng negosyante sa pork barrel scam. Inamin ng abogado na …

Read More »

DAP muling ipinagtanggol ni PNoy (Sa 10-minutong mini-SONA)

“Hindi kami nagnakaw, at hindi kami magnanakaw; kami ang umuusig sa magnanakaw.” Ito ang inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang sampung minutong President’s Address to theNation  kagabi ni Pangulong Benigno Aquino III bilang buwelta sa kaliwa’t kanang pagbatikos sa kanyang administrasyon bunsod ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Tinukoy ni Pangulong Aquino ang mga sangkot sa pork barrel scam, …

Read More »

Paslit bawal sa sementeryo

BINAWALAN ng Manila police ang mga magulang na dadalaw sa puntod ng mga yumao nilang mahal sa buhay na huwag nang bitbitin ang kanilang mga paslit na anak sa Undas. Paalala ni Chief Inspector Claire Cudal, tagapagsalita ng Manila Police District (MPD), dahil na rin sa taunang problema sa pagkawala ng mga paslit na dala ng mga magulang sa Manila …

Read More »

13 areas sa N. Luzon signal no. 1 kay Vinta

NAKATAAS sa signal number 1 ang 13 lugar sa hilagang Luzon dahil sa bagyong si Vinta. Ayon sa ulat ng Pagasa, kabilang sa mga nasa ilalim ng babala ng bagyo ay ang Cagayan, Calayan Group of Island, Babuyan Group of Island, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Benguet, Ifugao, Isabela, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino at Nueva Ecija. Ang mga lugar na nabanggit …

Read More »

Indian nat’l na mall owner dinukot; 1 patay, 1 sugatan

KORONADAL CITY – Patay ang isang security escort at isa pa ang sugatan makaraang dukutin ng apat armadong kalalakihan ang Indian national na may-ari ng malaking mall sa Cotabato City. Ayon kay S/Supt. Rolen Balquin, chief of police ng Cotabato City, dinukot ng mga kalalakihan si Mike Khemani, may-ari ng Sugni Superstore sa nasabing lungsod. Inihayag naman ni Aniceto Rasalan, …

Read More »

Comelec sinilaban ng talunan pulis patay

PATAY ang isang pulis sa naganap na sunog sa opisina ng Commission on Elections sa Iligan City kahapon ng madaling-araw na sinasabing sinilaban ng talunang kandidato sa nakaraang barangay elections. Nagsimula ang sunog dakong 2:20 a.m. at naapula pasado 3 a.m. Kinilala ang namatay sa sunog na si PO1 Rey Borinaga, miyembro ng city’s public safety company. Kabilang si Borinaga …

Read More »

Labi ng Pinoy welder narekober na

INAAYOS na ng Philippine Embassy sa Washington ang agarang pagpapauwi sa labi ng Filipino welder na si Peter Jorge Voces, sinasabing nahulog habang nagtatrabaho sa isang oil rig sa Gulf of Mexico. Kinompirma kahapon ni Philippine Ambassador Jose Cuisa, narekober na ng US Coast Guard ang labi ng biktima, tatlong araw matapos maiulat na nawawala. Batay sa inisyal na imbestigasyon, …

Read More »

Temperetura sa Baguio City bumagsak sa 12°C level

BAGUIO CITY – Bumagsak sa 12 degrees Celsius level kahapon ang pinakamababang temperatura sa summer capital ng bansa. Ayon sa Pagasa-Baguio, umabot sa 12.8 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura na naitala nila dakong 4 a.m. kahapon. Ito na ang pinakamababang temperatura na naitala sa lungsod ng Baguio ngayong “Ber-months” mula sa 9.5 degrees Celsius na naitala naman noong nakaraang Pebrero …

Read More »

Cessna bumagsak sa lahar, 2 ligtas

NAG-CRASHLAND ang Cessna 152 aircraft s Sta. Fe Lahar Trail sa Central Luzon kahapon, ayon sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines. Sinabi ni CAAP deputy director general Rodante Joya, sa inisyal na ulat, ang 152 plane (RPC-8832) ay bumagsak sa lahar trail dakong 8:25 a.m. kahapon. “The aircraft depart(ed) at 7:52 a.m. for Baguio,” aniya. “Based on …

Read More »

Hinaing ng Ilocos farmers dininig ni Villar

SINIMULAN ni Senadora Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture, ang pagdinig hinggil sa  hinaing ng mga magsasaka sa Ilocos Norte  at Ilocos Sur kaugnay ng malaking importasyon ng bawang na dahilan kung bakit naapektuhan ang lokal na produkasyon at kinikita ng industriya ng bawang. Sa public hearing na ginawa sa Mariano Marcos State Univereity sa Caunatyan, Batac City, …

Read More »

9 preso pumuga sa CamSur jail

NAGA CITY – Patuloy ang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa siyam bilanggo na tumakas mula sa Tinangis Penal Farm sa Pili, Camarines Sur. Ayon sa ulat ng Pili MPS, dakong 2:30 a.m. kahapon nang iulat ni Susan Bergantin, staff ng penal farm, ang insidente. Ayon kay Bergantin, dakong 12:30 a.m. kahapon habang nagsasagawa siya ng roving inspection kasama …

Read More »

2 utas, 20 sugatan sa nahulog na bus

DALAWA ang kompirmadong patay habang 20 ang sugatan matapos bumulusok ang pampasaherong bus kahapon sa Carrangalan, Nueva Ecija. Bangkay na nang idating sa Nueva Vizcaya General Hospital ang mga biktimang sina Christy Lauyan, 37, at Jennifer Tayuto, 18, ng Makati City. Ayon sa ulat, dakong 12:30 a.m. nang maganap ang insidente sa bulubunduking lugar ng Brgy. Capintalan sa nabanggit na …

Read More »

Mag-ina kritikal sa taga ng lasing

LEGAZPI CITY – Kritikal mag-ina sa lalawigan ng Albay matapos pagtatagain ng kanilang kapitbahay dahil sa bintang na pagnanakaw ng alagang manok. Kinilala ang mga biktimang si Siony Broma, 49, at anak niyang si Jaime Broma, 14, pawang mga residente ng Purok 3, Brgy. Masarawag, Guinobatan, Albay. Batay sa ulat ng pulisya, bigla na lamang sinugod ng lasing na suspek …

Read More »

Estudyante ibalik sa agri schools —Mapecon

HINIKAYAT ng noted Filipino inventor at agriculturist ang mga awtoridad sa pamahalaan na ibalik ang mga estudyatne sa agricultural schools upang sumagana ang produksyon sa pagkain sa bansa. Sinabi ni Gonzalo Catan, Jr., ang kasalukuyang produksyon sa pagkain ay mababa bunsod ng kawalan ng interes ng prospective farm hands na magtrabaho sa bukid dahil sa mababang kita sa pagsasaka bunsod …

Read More »

P10-M naabo sa Robinson’s Galleria

NASA P10-milyon ari-arian ang naabo sa halos anim na oras na sunog sa 3rd floor  sa Robinsons Galleria, Ortigas Avenue, Pasig City kamakalawa ng gabi. Ayon kay Fire Marshall Supt. Jesus Fernandez, isang empleyado ng mall na si Sammy Guiam, ang unang nakakita ng makapal na usok at nagliyab ang ikatlong palapag na imbakan ng mga laruan. Hirap ang mga …

Read More »

Tiananmen car crash probe ipauubaya sa China —DFA

IPAUUBAYA ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Chinese authorities ang imbestigasyon kaugnay sa madugong “car crash” sa makasaysayang Tiananmen Square sa Beijing na ikinamatay ng lima katao, kabilang ang Filipina doctor. Kaugnay nito, tumanggi si DFA spokesperson Raul Hernandez na magkomento hinggil sa report na “terror attack” ang nangyari. “Hindi ko alam kung saan nanggaling ang insinuation, parang malicous …

Read More »

Laborer grabe sa boga ng sinibak na lead man

KRITIKAL ang kalagayan ng  isang construction worker makaraang barilin ng dating kasamahan sa trabaho kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Ayon sa mga doktor ng San Juan de Dios hospital, bala ng kalibre .45 ang tumama sa likurang bahagi ng katawan at kaliwang braso ng biktimang si Darius de Leon, 37, stay-in construction worker sa itinatayong  bodega sa Cuneta Avenue, …

Read More »

Charice, sumaya ang aura at tumaas ang confidence sa sarili (Simula raw nang mag-out)

NAKAALIW interbyuhin si Charice dahil marami na siyang kuwento at masaya na ang aura ng mukha, hindi katulad dati na parating nakasimangot at parating galit kapag may mga tanong na hindi niya gusto. May dahilan naman kasi ang international singer kung bakit antagonistic dati ang ugali niya sa entertainment media. “Siguro ‘yung malaking pagbabago po sa akin simula noong nag-come …

Read More »

Planong pagpapakasal with Alyssa

Samantala, tinanong namin si Charice kung may plano ba silang magpakasal ng girlfriend niyang si Alyssa Quijano sa Amerika na legal ang same sex marriage? “Siyempre hindi po ngayon at hindi next year at the same time, ayoko pong magsalita ng tapos. “Naisip na po namin at napag-usapan, ‘ano kaya, kailan kaya tayo magpapakasal’ mga ganyan po, pero hindi ‘yung …

Read More »

Honesto, nanguna sa ratings; trending pa sa Twitter (Genesis ng GMA 7, sadsad ang ratings)

HINDI kataka-taka kung marami agad ang nahumaling sa pinakabagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na Honesto na pinagbibidahan ni Raikko Mateo. Nagbibigay halaga kasi ito sa katapatan ng tao. Kaya naman nanguna rin ito sa national TV ratings at nag-trending topic agad sa Twitter. Sa nakuha naming datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Oktubre 28), pinaka-tinutukang programa sa buong …

Read More »