OVERWHELMED si Ronnie Liang kahapon nang maka-chat namin dahil nanalo raw siyang best actor sa nakaraang 17th Gawad Pasado Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro na ginanap sa San Sebastian College noong Abril 11 ngayong taon.
Ayon kay Ronnie, “sobrang tuwa ko po kasi nag-tie kami ni John Lloyd Cruz. Imagine po, John Lloyd walang makapapantay sa kanya, marami siyang napatunayan at sa akin isa siyang ehemplo bilang artista sa larangan ng pag arte.
“Idolo ko po siya kaya naman isang malaking karangalan na maging bahagi ng Best Actor award sa pinakapasadong aktor sa 2016 Gawad Pasado kasama rin sina Jericho Rosales, John Arcilla, at Richard Gomez.
“Ma-nominate palang ako, Reggee masayang-masaya na ako dahil first time ko lang naman gumawa ng pelikula at napansin naman ako sa ‘Esoterika Maynila.’
“Matagal ko nang pinagdarasal at pinapangaral na magkaroon ng pelikula at award kagaya nito at ako ay nagpapasalamat una sa Diyos sa pagtugon sa akin.
“Kaya naman nagpapasalamat ako sa lahat ng bumubuo ng Gawad Pasado sa karangalang ipinagkaloob sa akin, sa producer ko si Sir Rex Tiri ng Trex Entertainment at si Direk Elwood Perez sa pagtitiwala at paniniwala sa aking talento at kakayahan.
“Salamat din po sa manager ko, Viva boss Vic del Rosario, boss Vincent del Rosario at ma’am Veronique del Rosario-Corpus sa pagsuporta nila lagi sa career ko at sa pagbibigay pahintulot upang gawin ang ‘Esoterika Maynila’.
“Sinabi ko nga po sa speech ko last April 16, boss Vic sana Viva Films naman ako makagawa ng pelikula, ha, ha, ha. Salamat din sa mga critic o tagapuna sa akin dahil sa pag-criticized sa akin mas lalo pa po ako nai-inspired para mas lalo ko pang pagbutihan.
“Ibinahagi ko ang tropeo ko sa aking pamilya sa kanilang suporta at pagbibigay din ng inspirasyon sa buong casts & production po ng ‘Esoterika Maynila’ sa kanilang paggugol ng oras, lakas pagod upang maging matagumpay ang pelikula.
“At salamat din sa aking mga taga-suporta ang McRonns and MacaRonnies sa kanilang pagmamahal and last but not the least nais kong ibahagi ang award na ito sa aking pinakamamahal na girl friend na nasa New York sa kanyang pagmamahal at sakripisyo pang-unawa na madalas bumiyahe mula New York to Pilipinas para lang po magkasama kami.
“Ipinagdarasal ko na masundan din ang proyekto ko sa pag-arte sa pelikula man o sa telebisyon, pangarap ko talaga umarte at the same time singer ngayon po gumagawa po ako ng bagong album para sa Viva Records at ire-release namin sa Malaysia, Indonesia, at Singapore na isinulat po ng Malaysian composer at producer na si Julfekar ng Julfekar Music.
FACT SHEET – Reggee Bonoan