AFTER long years of waiting, finally nagbida na si Dominic Ochoa who gets his biggest TV break via My Super D, isang fantaserye na magsisimula sa Lunes, April 18.
Bidang-bida na nga si Dominic as Super D at very grateful siya sa ABS-CBN andDreamscape Entertainment Television headed by Deo Endrinal.
“I’m very thankful and blessed when they offered me this role. Masaya ang Pasko noong ibinalita sa akin ito. It didn’t matter to me whether it’s small or big. Ang akin lang, you have to give 200% ng kakayahan mo.
“Nataon ‘tong role na ito na isa na akong ama sa isang apat na taong gulang na bata. Ito po ay tinatalakay natin sa istorya ng show, story ng isang anak at ama, naghiwalay ang mag-asawa, naging broken family at ipinaglaban niya ang anak niya,” chika niya.
Kompiyansa siya sa Dreamscape Entertainment Television dahil ito rin ang nagbigay ng top rating show na may puso tulad ng May Bukas Pa, Honesto, Nathaniel, 100 Days.
“Kampante ako kasi sila ang nagsulat ng ginawa ko before so I’m thankful and excited na ‘yung tono, ’yung pananalita at role ay kaya nilang isulat sa character ko as Dong.”
UNCUT – Alex Brosas