Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TV executive, bilyones na ang winawaldas sa isang estasyon

HILONG TALILONG ngayon ang isang TV executive dahil malapit nang mamaalam ang umeereng programa na produced niya.

Nakailang pitch na raw ang TV executive sa big boss ng TV network pero hindi raw ito pumapasa dahil bukod sa hindi naman kagandahan ang project ay sobrang laki raw ng budget na imposibleng mabawi.

Marami na raw kasing ipinagkatiwalang project ang big boss sa TV executive, pero lahat ay nalugi at umabot pa sa bilyones ang nawala sa kaban ng network na ang running joke ay, “’yung nalugi ni (TV executive) ay kapareho naman ng kinita ni Henry Sy sa negosyo niya sa buong taon.”

Nakagugulat nga kung totoo ito dahil anong nangyari, bakit nga ba umabot sa bilyones ang nawala sa kaban ng big boss ng network?

Dagdag kuwento pa ng aming source, “eh, paano, kahit hindi naman dapat mag-out of the country shoot, doon gagawin at buti sana kung ilan lang ang tao, eh, ang dami-daming kasama, ano ‘yun tour? Ang laki na ng budget sa show, ang mamahal pa ng talent fees nila at kung ano-anong add-ons pa.”

Anyway, nabalitaan din ng big boss ng network na nag-pitch din daw ang TV executive sa kalabang network na tumatanggap ng block timer na ipalalabas naman sa cable channel nila at hinihintay lang kung approve o hindi.

Parang kailan lang Ateng Maricris, parang nasa tuktok ng Mt. Everest ang tayog ng TV executive na naikot na yata ang lahat ng TV station pero hindi siya nagtatagal at nalaman namin na may mga naging isyu pala kaya hindi na makabalik.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …