Aries (March 21 – April 19) Maaari mo pang itodo ang iyong pagsusulong. Panahon na para sa iyo at sa mga tao na pumili ng bagong lider.
Taurus (April 20 – May 20) ) Maganda ang iyong ginagawa, umasa ng magandang balitang darating para sa iyo ngayon.
Gemini (May 21 – June 20) Tumahimik muna ngayon at hahangaan ka ng iba sa iyong pagiging matapat at kompiyansa sa sarili.
Cancer (June 21 – July 22) Tapos na ang conservative thinking. Kapag nakita ang oportunidad sa pagsulong ngayon, sunggaban ito.
Leo (July 23 – August 22) Maraming alam ang mga nasa kapangyarihan. Pagtiwalaan ang mga taong gumagawa ng malalaking desisyon.
Virgo (August 23 – September 22) Malakas ang iyong determinasyon, lalagpas ka pa sa limitasyon ngayon.
Libra (September 23 – October 22) Mag-enjoy lamang: hindi mo na kailangang alamin pa ang detalye ng party upang maging masaya.
Scorpio (October 23 – November 21) Nais ng ilang tao ang iyong gabay sa mga dapat gawin. Ang iyong tulong ay mahalaga ngayon.
Sagittarius (November 22 – December 21) Masigla ang iyong kamulatan; makukuha mo ang ideya kung ano ang nararamdaman ng isang tao para sa iyo.
Capricorn (December 22 – January 19) Ang pagtulong sa iba ang dapat maging tunay mong motibasyon ngayon—at hindi ang pag-asa ng magiging kapalit nito.
Aquarius (January 20 – February 18) Ibinbin mula ang planong pagbiyahe. Hindi maipapayo sa iyo ngayon ang maraming mga pagbabago at pagkilos.
Pisces (February 19 – March 20) Paminsan-minsang magpahinga sa trabaho; muling lalakas ang iyong enerhiya.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Madali para sa iyo ang pagtalon sa bagong oportunidad at nagagamit nang husto ang iyong mga talento – bagama’t pagsapit ng gabi ay ramdam mo ang matinding pagod.
ni Lady Dee