OVERWHELMED si Chris Cahilig, producer ng Echorsis Sabunutan Between Good and Evil under Insight 360 dahil sa mga papuring narinig niya buhat sa mga imbitadong mga showbiz at non-showbiz friend, entertainment press, at bloggers.
Naaliw kami sa pelikula lalo na sa eksena ni Alessandra de Rossi na manggagamot pero iika-ika at panalo ang dialogue habang ginagamot si Alex Medina na na-echorsis (nasaniban) ni John Sweet Lapus dahil niloko niya.
Aliw din kami kay Alex na talagang ang galing niyang gumanap na bading kapag nasasapian siya ni Sweet, lalo na kapag kumakanta-kanta siya at ginagalaw-galaw ang mga kamay, hindi mo iisiping brusko ang aktor.
Pero mas naaliw at nag-enjoy daw ang mga kafatid sa panulat dahil sa maraming eksenang naka-topless at short si Alex dahil lalaking-lalaki raw mula sa panulat ngPalanca awardee na si Jerry Gracio.
Anyway, sa Abril 13 mapapanood ang Echorsis Sabunutan Between Good and Evil at katapat nito ang The Huntsman kaya ang tanong namin kay Chris kung hindi ba siya natatakot?
“Hindi kasi our movie is confidentiality beautiful. Ang hastag ng movie namin, #EchorsisConfidentialityBeautiful,” mabilis na sabi ni Chris.
Umabot lang daw sa 11 days ang shooting ng pelikula, ”umabot ng 11 days at pinaka-proud ako kasi umabot lang ng 16 hours averaging 12 hours a day. So, talagang ethically made siya, hindi talaga pagod o nabugbog ‘yung cast and crew sa pelikula kasi well-planned kaya maayos.”
Hindi itinago ni Chris kung magkano ang nagastos ng Echorsis, ”total investment is P10-M, plus marketing pa, abot ng P13M-P15M. Confident naman kami (kikita) because of the bustle in social media at saka ang PINK market (LGBT community) naka-support.”
Matagal na raw nasa bucket list ni Chris ang mag-produce at wala siyang pakialam kung kumita o hindi ang first venture niya.
“Kasi mahilig talaga ako sa pelikula, ayoko namang umarte,” mabilis na sagot ng first time producer.
Dagdag pa, ”bucket list ko talaga siya, kumita o hindi. Basta nagawa ko ang gusto kong gawin. At dahil gusto kong gawin, nasiguro kong maganda siya. Kaya happy ako.”
Masasabing indi film ang Echorsis Sabunutan Between Good and Evil dahil pawang mga taga-indie ang mga taong nasa likod nito, pero ipinagmamalaki ni Chris na maipapalabas ang pelikula nationwide.
“Actually, nationwide siya, hindi pa lang ako ina-update ni Atty. Joji (Alonso-Quantum producer) kasi siya ang mag-distribute ng movie kaya lahat ng Ayala (Malls), SM, Robinsons, talagang everywhere, even sa provincial kasama like Davao, Cagayan De Oro City, Cebu kasama,” masayang sabi ni Chris.
Samantala, bukod kay Kean Cipriano na kasama sa producer ng pelikula dahil ini-invest niya ang talent fee niya ay kasama rin bilang co-producer ang BellaVita Land Corp at McJim Classic Leather.
Ang iba pang kasama sa Echorsis ay sina Chokoleit, Kiray Celis, Mich Liggayu, Ruby Ruiz, Negi Negra, Bekimon, Nico Antonio, Francine Garcia, Odette Khan, 1:43’s Yuki Sakamoto, Anjo Resurreccion, Gold Aquino, and Yheen Valero mula sa direksiyon ni Lemuel Lorca.
FACT SHEET – Reggee Bonoan