Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bongbong, isang cool yuppie na fan ng Azkals

00 SHOWBIZ ms mSIMPLE pa rin si Bongbong. Ito ang karaniwan naming naririnig lalo na kapag nakikitang nanonood ang vice presidential bet sa mga concert sa Araneta Coliseum tulad niyong Crosby, Stills & Nash.

Ang CSN band ay isa sa mga sikat na banda noong 1970 at hanggang millennial generation ay tinatangkilik pa rin. Kasama ni Bongbong ang kanyang misis na siAtty. Liza at ilang kaibigan na nanood.

Sinasabing cool na cool si BBM habang nanonood dahil sinasabayan nito ang bawat kanta at tugtog ng CSN band and take note kahit nasa VIP seat siya, hindi siya pa-VIP. Isang beses lang daw itong tumayo at todo-excuse sa pakikiraan sa madaraanang seatmates.

Pero ang nakatututuwa talaga, nang sabayan niya ang chorus ng Marakesh Express ng CSN (Would you know we’re riding, on the Marrakesh Express, would you know we’re riding, on the Marrakesh Express, they’re taking me to Marrakesh, all on board the train, all on board the train), dahil tumayo talaga ito, pumalakpak at umindak-indak, hanggang mahawa na ang mga katabi niya at nasa likurang seats. Kumbaga he led the beat!

Hindi lang ‘yan, nakita rin siya na nanood sa laro ng Azkals kamakailan, kasama ang kanyang dalawang anak na sina Joseph Simon at William Vincent.Simpleng-simple rin lang si BBM dahil nakasuot lang ito ng kanyang campaign polo jacket at parang ordinaryong fan lang siya ng Azkals.

As usual, cool na cool pa rin, sumisigaw, pumalakpak, at nakiki-cheer sa audience.

Kaya kahit nasa gitna siya ngayon ng very hectic and pressured moments, nakikita natin na napaka-cool niyang magsalita at hindi siya napo-provoke ng mabibigat na isyung ipinupukol sa kanya.

Sabi nga ng ibang spectator, Bongbong would be a perfect sports man or showbiz heartthrob during his younger days. And those younger days were still on his face and appearance nowadays.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …