Thursday , August 14 2025

Quarterfinals lumalabo sa Star

MEDYO masikip na ang daan tungo sa quarterfinals para sa Star Hotshots

Ito ay matapos na makalasap ng back-to-back na kabiguan ang Hotshots at bumagsak sa 4-6 record.

Sayang! Kasi, bago ang mga kabiguang iyon ay nakapagrehistro ng tatlong sunud-sunod na tagumpay ang Star. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon sa career ni Jason Webb bilang coach sa PBA na nagkaroon siya  ng winning streak.

Pero bumagsak sa lupa ang Hotshots nang sila ay tambakan ng San Miguel Beer, 117-98 noong Marso 27. Sa larong iyon ay hindi nakasama ng Beermen sina June Mar Fajardo, Arwind Santos at Ronald Tubid subalit tinambakan pa rin nila ang Hotshots.

Ang masaklap ay nagtamo ng calf injury si James Yap sa fourth quarter at hindi natapos ang laro. Kailangang magpahinga ng tatlong linggo ni Yap kaya hindi na siya makakalaro hanggang dulo ng elims. At kung hindi makakarating ng semis ang Hotshots, aba’y sa third conference na siya makakabalik.

Kahit na wala si Yap ay nakapagbigay ng magandang laban ang Hotshots kontra sa Alaska Milk sa kanilang out-of-town game noong Sabado sa Davao City. Lumamang pa nga ang Hotshots, 70-68 sa dulo ng third quarter.

Tumukod sila sa dulo dahil hindi nila mapigilan ang pananalasa ni Calvin Abueva, Natalo sila, 100-92 at nanatili sa ikasiyam na puwesto.

Kapag hindi sila nakaalis sa puwestong iyon hanggang dulo ng elims ay tsugi na sila. Hindi kasi uusad ang No. 9 hanggang No. 12 teams sa quarterfinals.

Pero may manipis na tsansa ang Hotshots at ito ay kung matatalo ng dalawang beses ang Mahindra Enforcers.  Minsan lang matalo ang Enforcers ay mahahawakan na ng Hotshots ang kanilang kapalaran.

Kasi, sila ang huling kalaban ng Mahindra sa Abril 13. At kung tatalunin nila ang Mahindra, magtatabla sila sa 5-6 karta at papasok sila sa susunod na round via winner-over-the-other rule.

So puwede pa. Pero hindi puwedeng daanin lang sa dasal. Kailangan ay trabahuhin talaga ng Hotshots!

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Vinny Marcos Patrick Gregorio Tats Suzara

Paghahanda para sa FIVB MWCH, Mas Pinaigting sa Huling Buwan

EKSAKTONG 32 araw ang nalalabi at puspusan na ang paghahanda para sa solo hosting ng …

Gymnastics

FIG technical group bibisita para suriin mga hotel at entablado na pagdarausan ng 3rd World Junior Gymnastics Meet

DARATING bukas, Miyerkoles, ang mga nangungunang opisyal ng International Gymnastics Federation (FIG) upang inspeksiyonin ang …

Tristan Jared Cervero

Tristan Jared Cervero wagi sa paligsahang Xiangqi sa PH

NAGWAGI Si Tristan Jared Cervero sa Group B o kategoryang All Filipino sa 19th Thousand …

Ivan Travis Cu Chess

FM Ivan Travis Cu, nanguna sa Blitz sa 9th Eastern Youth Chess Champs

IPINAMALAS ng sumisikat na Filipino chess star na si FIDE Master (FM) Ivan Travis Cu …

V League

V-League Collegiate Challenge ngayong Sabado na

Ynares Sports Arena, Pasig 10 a.m. – NU vs Arellano (Men) 12 p.m. – UST …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *