TULAD NI Michael Pangilinan, umamin din si Mark Neumann sa kanyang sex video scandal na kumalat kamakailan sa social media.
At tulad ni Michael, dala na rin daw ng kapusukan at kabataan ang dahilang nagtulak kay Mark sa ginawang pagpapaligaya sa kanyang sarili.
But Mark has learned a lesson or two from it. Ito raw ang magsisilbing leksiyon para maging maingat na next time around.
At the same time, ipinasasadiyos na lang daw ni Mark whoever uploaded the sex video ng walang pahintulot mula sa kanya.
More than finding out kung sinuman ang taong ‘yon, mas inilalaan na lang ni Mark ang kanyang makabuluhang oras sa pagtatrabaho, lalo’t maganda ang pagtanggap sa kanyang regular weekly fantaserye sa TV5, ang Tasya Fantasya which airs on TV5 at 7:00 p.m. every Saturday.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III