KUNG totoo ang aming nabalitaan tungkol sa gagawing pagpapaikli ng Bakit Manipis ang Ulap? ng Viva production on TV5, ay nanghihinayang kami.
Umano, isang tauhan doon ang sasadyaing “patayin,” thus cutting short the teledrama na nagsimula pa lang umere noong February 15.
Maraming dahilan ang aming panghihinayang kung ganito ang sasapitin ng nasabing teledrama.
Una, ‘yun ang pintuang muling nagbukas para ipagpatuloy ng bida roon na si Claudine Barretto ang kanyang TV career. Apat na taon ding natengga ang aktres.
Ikalawa, sa ganda ng kuwento mula sa direksiyon ni Joel Lamangan, idagdag pa ang de-kalibreng cast nito, ang mga manonood who have developed the habit of watching this tuwing Lunes, Martes, at Huwebes ng gabi (bago na ang time slot nito) cannot afford to see it go off air.
Dinig namin, desisyon na rin daw ni direk Joel na huwag nang pahabain ang kuwento para hindi na rin daw siya ma-stress, as it might—God forbid—lead to another stroke!
Ayaw naming isipin na si Claudine ang tinutukoy na cast member as direk Joel’s source of headache.
Ang espekulasyon kasing ito ay batay na rin sa work history ng aktres as revealed by her former co-workers sa huling nilabasang soap sa GMA.
Sana naman ay malayong si Claudine ang dahilan ng maagang pag-pack up ng BMAU. Let’s face it, isa siya sa mga mahuhusay na aktres sa kanyang henerasyon that even today’s young stars ay malabong pumantay sa kanyang galling sa pagganap.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III