PAGKATAPOS palang maghiwalay noon sina Sid Lucero at Alessandra de Rossi ay hindi pa ulit sila nagkakausap.
Ayon sa una, mahigit isang taon na silang walang communication ng nakababatang kapatid ni Assunta. May contact number pa rin naman daw siya nito, pero hindi niya raw ito magawang tawagan.
Sa tagal daw kasi ng panahon na hindi sila nagkakausap, hindi niya raw alam kung paano niya ulit ito sisimulan. At hndi niya rin daw alam kung kailan siya magkakaroon ng lakas ng loob na kausapin ang dating minamahal.
Hindi raw kasi naging maganda ang paghihiwalay nila na aminado siya na kasalanan niya. Ang dami raw kasi niyang problema that time na nadamay ang relasyon nila ng aktres kaya sila nagkahiwalay.
MA at PA – Rommel Placente