PAGKATAPOS ng matagumpay na concert ni Michael Pangilinan na Michael Sounds Familiar noong December 18, 2015, muling magbibigay ng magagandang musika ang tinaguriang Harana Prince sa Music Museum sa Biyernes, March 18, 9:00 p.m. na may titulong Michael Really Sounds Familiar.
Makakasama ni Michael bilang guests sina Garie Concepcion, Ate Gay, Boobay, Kara, at ang dating Smokey Mountain sensation Jeffrey Hidalgo, at isang napaka-espesyal na panauhin. Ang Michael Really Sounds Familiar ay mula sa musical direction ni Ivan Lee Espinosa at magiging front act niya ang cancer survivor cum violinist na si Emil John Olisco.
“Maraming bagong songs akong inaral. Mayroon akong ibinalik na dating songs pero karamihan sa kakantahin ko ay relatable sa lahat. Ha! Ha! Ha! May mga hugot, may kaunting pasabog, basta! Manood na lang kayo sa Music Museum sa Friday (March 18) para ma-good vibes kayo. Malay niyo, baka may gawin akong kababalaghan sa show. Joke lang. Ha! Ha! Ha!” biro ni Michael.
Bukod sa concert, abala rin si Michael sa naghahanda sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2016 dahil magkasama sila ni Angeline Quinto na magi-interpret ng awiting Parang Tayo Pero Hindi na komposisyon ni Marlon Barnuevo. Ang grand finals ay gaganapin sa Kia Theater sa April 24, 2016.
“Exciting itong duet namin ni Angeline. Basta keep on voting lang for the song sa MOR, No. 12 kami. Medyo excited na rin ako sa malapit nang pag-release ng second album ko sa Star Music with eight tracks. Natapos ko nang i-record lahat at inaayos na ang pag-release nito very soon. Sa April 13 na rin ipalalabas ang ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’ movie namin ni Edgar Allan (Guzman) na kasama namin si Mama Nora (Aunor), Ms. Ana Capri, Matt Evans, Joross Gamboa, Nikko Seagal Natividad, Miggy Campbell at Katrina “Hopia” Legaspi. Ganda ng kinalabasan ng film naming ito, modesty aside. Ganda ng pagkadirehe ni Tito Joven Tan na siya ring nag-compose ng song. Basta abangan niyo na lang at kagigiliwan ninyo tiyak.
Mabibili ang ticket sa gate.