MASAYA ang actor-producer na si Joed Serrano dahil maganda ang sales ng tickets sa concert ng Pambasang Bae na si Alden Richards sa Ynarez Center, Antipolo entitled Aldenvision ngayong March 18, Friday 8:00 p.m..
Ubos na raw ang VIP tickets at General Admission na lang ang natira.
Bakit hindi niya sinukuan si Alden pagkatapos na hindi matuloy ang kanyang P20-M offer para sa Valentine’s concert sa Smart Araneta Coliseum?
“Mabenta… Ang best formula ng successful na concert ay mabentang produkto at lehimong producer. May mga nag-try magprodyus pero hindi legimate kaya hindi alam i-market,” deklara niya.
Napatunayan ni Joed ang lakas ng hatak ni Alden sa sales ng tickets at hindi ito lalangawin sa Biyernes. Alam kasi ng fans na concert talaga ‘yun ni Alden at hindi sila mabibitin sa performance nito.
Naniniwala rin si Joed na mabenta si Alden dahil effective rin itong endorsers at nagtitiwala rin sila na bebenta ang produkto nila. Kagaya raw ito ni John Lloyd Cruz na hanggang ngayon ay hindi pinapalitan sa ini-endorse niyang gamot.
May pasabog si Alden sa kanyang concert sa Ynarez Center sa Antipolo. Parang concert daw ito na ginagawa sa Araneta.
“Ang ‘Aldenvision On Tour’ ay parang astronaut si Alden na kumu-conquer ng bawat lugar. Iikot kami sa Pampanga, Batangas, Pangasinan, Tarlac ganoon. May surprise rin siya sa Friday pero hindi sinasabi ng GMA kung ano ‘yun. Mapapanood si Alden na hindi lang three songs. May live band din siya. Walang ipinagkaiba sa Araneta concerts. Bongga ‘yung opening dahil 30 ang back-up dancers,” kuwento pa ni Joed.
Guests ni Alden sina Mike Tan, Andrea Torres, Boobsie Wonderland, Ate Reg,at Kim Idol.
Manood kaya si Maine Mendoza o sosorpresahin niya si Alden?
‘Yan ang abangan…
TALBOG – Roldan Castro