MAY business na pala si Meg Imperial.
Nakita namin sa Facebook account niya na pumasok na rin siya sa beauty business. Last month pala ay binuksan na ang Timeless Beauty Salon and Spa business niya sa home town ng kanyang madir, sa Naga City.
Maraming pampa-beauty ang ino-offer ng salon ni Meg. Kasama niyang nag-ribbon cutting ang friends niyang sina Bangs Garcia at Daiana Meneses.
Sa showiz ay hataw pa rin naman si Meg dahil hindi lang isa kundi marami siyang shows sa TV5. Kasama siya sa Bakit Manipis Ang Ulap at Happy Truck Happinas. Bukod dito ay hataw pa siya sa mga out of town shows. Mabait na bata itong si Meg kaya naman siya ay pinagpapala.
UNCUT – Alex Brosas