Thursday , June 4 2026

Aktres excited na sa balik tambalan nila ni Dennis Trillo sa “Juan Happy Love Story” (Heart laging nasa kampanya ng asawa)

BASTA’T para sa kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero, na tumatakbong bise presidente, hindi napapagod si Heart Evangelista na sumama sa mga campaign sorties.

Bilang suporta ni Heart sa hubby ay kinausap pa niya ang kanyang Bff na si Lovi Poe para tumulong sa kampanya at pumayag naman agad si Lovi at inaayos na lang daw ngayon ang schedule ng aktres para walang masagasaan.

Nagsimula nang mag-taping para sa “Juan Happy Love Story,” na balik-tambalan nila ni Dennis Trillo na mapanonood na simula ngayong Abril 4 sa GMA7.

Siniguro niyang aside sa taping ng soap nila ni Dennis ay may oras siya para sa kampanya ni Sen. Chiz sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Super excited na pala si Heart sa show nila ni Dennis, dahil ang feeling niya ito na ang magiging favorite rom-com serye niya lalo’t first time niyang gagawin ang ganitong tema na medyo naughty na kaagad. Inilinaw niya na maiintindihan ito ng kanyang mister na politiko lalo’t alam naman niya ang kanyang limitasyon.

Makakasama pala nila ni Dennis sa Juan Happy Love Story ang kanyang favorite veteran actress na si Ms. Gloria Romero at ang marami pang stars tulad nina Lotlot de Leon, Gardo Versoza, Erika Padilla, Dominic Roco,Vincent Magbanua, Kim Domingo, Rob Moya, Leanne Bautista sa ilalim ng mahusay na direksyon ni LA Madridejos.

Samantala, last week ay dumalo si Heart sa okasyon ng International Women’s Day na ini-organize ng Gabriella at nakasama niya rito ang presidential running mate ni Sen Chiz na si Sen. Grace Poe. Nagpakita ng suporta ang aktres sa grupo na nagsusulong ng karapatan ng mga kakabaihan.

Propesyonal na artista talaga
CIARA SOTTO TULOY ANG PAG-ARTE SA “PRINCESS IN THE PALACE”

PINAHAHALAGAHAN ni Ciara Sotto ang kanyang propesyon bilang aktres at singer.

Kaya naman kahit na may pinagdaraanan si Ciara ngayon ay tuloy pa rin ang trabaho at pag-arte sa morning drama-comedy series na “Princess In The Palace” na pinagbibidahan ni Ryzza Mae Dizon. Ginagampanan niya ang karakter ni Daphine Jacinto na misis ni Rafael Jacinto (Marc Abaya).

Kahit better half lang ni Marc si Ciara rito ay napaka-importante pa rin ng papel lalo’t kapatid ng presidente ng bansa na si Madam Leona Jacinto (Eula Valdez) ang kanyang mister.

Siyempre involve siya sa mga nangyayari sa loob ng Palasyo gaya ng intriga sa lovelife ng kanyang hipag na pangulo sa isang kagawad ng presidential security group nito na si Colonel Oliver Gonzaga (Christian Vasquez) na masugid na nanliligaw kay Madam Leona.

Nakikipagsabayan si Ciara sa pag-arte sa kanyang mga co-stars sa Princess In The Palace sa direksyon ni Mike Tuviera at panulat nina Robert Paz, Charlotte Dianco, Ma. Acy Ramos at Michelle Ngu. Handog ito ng Television and Production Exponents (Tape) Inc.

Mapanonood ninyo ito weekdays sa GMA 7 bago mag-Eat Bulaga.

ZAIJAN JARANILLA MAPANONOOD SA WANSAPANATAYM PRESENTS “THAT’S MY TOY, THAT’S MY BOY”

Ilang beses nang nagbida si Zaijan Jaranilla sa Wansapanataym Presents ng Dreamscape Entertainment.

Ngayon sa bagong handog na kuwento sa Wansapanataym Presents ay bibidang muli si Zaijan ang “That’s My Toy, That’s My Boy” na nagsimula nang umere sa Kapamilya network simula kahapon (Marso 13).

Gagampanan ni Zaijan ang karakter ni Jairo ang batang champion gamer ng SOS sa computer na champion rin sa katamaran. Sa kanyang wish ay lalabas ang sidekick niya na si Rayven na magiging katuwang niya sa ano mang laban.

Bukod sa batang aktor, part din ng bagong episode sa No. 1 fantasy-drama comedy anthology sina Gellie de Belen, Smokey Manaloto at Benjie Paras.

Mapanonood ito tuwing Linggo sa ABS-CBN2 pagkatapos ng Goin Bulilit.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …