Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sumisikat na director, gayun na lang pulaan nang walang project na direktor

MAY kasabihang kapag hitik sa bunga ang puno ay binabato, kaya namin ito nasabi ay dahil may ilang detractors ang sumisikat na direktor na pinupulaan ang gawa niya.

Ang sumisikat na direktor ay napansin na dahil sa mga project niya na puring-puri ng lahat kaya’t kaliwa’t kanan ang ibinibigay na project sa kanya bagay na ikinatataka ng detractors niya kung paano ito napapagsabay-sabay gawin ng sumisikat na direktor.

Nabanggit pa ng detractors, ”hindi ba ito napapansin ng buong team ni direk (sumisikat na direktor) na hindi naman niya solong ginagawa ang serye o movie niya, may katulong siya sa tabi na nagtuturo kung anong magandang shots, anong magandang anggulo at kung anong dapat gawin ng subject niya.

“Kita mo, hindi naman siya ang nag-e-edit ng gawa niya, may gumagawa niyon pati ‘yung pag-iilaw, itinuturo sa kanya ng lagi niyang kasama kung saan dapat, magkaiba kasi sila ng vision.”

Habang kinukuwentuhan kami ay bigla naming naalala ang sumisikat na direktor na minsan ay inamin niyang lagi niyang kasama ang partner niya para tulungan siya since kasi nga minsan ay may hindi siya nakikita na nakikita ng kasama niya.

Sabi pa ng detractors with S kasi dalawa silang nagko-comment tungkol sa sumisikat na direktor, ”mas magaling ‘yung kasama niya, hindi siya.”

Oh well, weather-weather lang ‘yan panahon ngayon ng sumisikat na direktor kaya deadma kung siraan siya.

Ang detractors niya ay walang projects ngayon at waiting-waiting pa rin, pero in fairness, naging matunog ang mga pangalan nila dahil super sikat ngayon ang talent na sila mismo ang unang gumawa ng project nito.

( Reggee Bonoan )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …