PARANG tailor made Ang Panday kay Richard Gutierrez. Matangkad si Richard at medyo may hawig kay FPJ noong kabataan at higit sa lahat macho looking.
Hindi kasi bagay sa gaganap na panday ang basta sikat lang na artista pero malamya magsalita at pakendeng-kendeng lumakad. Unlike Richard animo’y si Panday talaga kaya sinusu baybayan na agad ng mga fan.
Isang katangian ni Richard na tulad kay FPJ ay ang pagkahilig din nito sa bata at tumutulong din sa mga nangangailangan. Minsan nagbigay tulong si Richard sa isang orphanage sa Bustos, Bulakan sa San Martin de Pores at nagbigay kasiyahan doon. Nagdala ng pagkain ang actor sa mga ulila sa pangangalaga ni Father Boyet.
SHOWBIG – Vir Gonzales