INIWAN na ng tuluyan ni Vivian Velez ang seryeng Tubig at Langis at hindi na siya napigilan ng TV executives ng RSB unit na manatili pa.
Ginanap ang meeting nina Vivian at direk Ruel S. Bayani kasama ang executives ng Tubig at Langis noong Lunes ng hapon na nagkaroon ng paliwanagan at hindi lang nabanggit sa amin kung present si Cristine Reyes sa pag-uusap.
Ayon kay Miss Body Beautiful, ayaw na niyang makatrabaho o maka-eksena pa si Cristine kaya mas magandang siya na lang ang umalis.
Sa tanong namin kay VV noong Lunes ng gabi kung ano ang mangyayari sa papel niya? ”We agreed on three days to finish me off provided na hindi ko makakasama si Cristine sa eksena.”
Sa tanong namin kung ayaw na ba talaga niyang magpapigil? ”Yes, irrevocable, ‘di ba? It was painful experience talaga.”
Hanggang ngayon ay hinihintay pa ang official statement ng Viva Talent Agencytungkol dito sa pamumuno ni Miss Veronique del Rosario-Corpus na namamahala sa karera ni Cristine.
FACT SHEET – Reggee Bonoan