UMAMIN na sina James Reid at Nadine Ilustre na mag-on na sila. Noong February 11 lang daw nitong taong kasalukuyan sila naging officially on. At least, inamin na nila ang kanilang relasyon, hindi nila itinago.
Sa tingin namin, mas lalo silang tatanggkilikin ng kanilang fans dahil ilusyon naman talaga ng mga ito na maging sila sa totoong buhay.
Kung umamin na sina Nadine at James, kailan naman kaya aamin sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na more than friends na sila, na may namumuo na ring relasyon sa kanila?
Kahit obvious kasi na sila na, ay hindi pa rin nila inaamin ang tunay nilang relasyon. Sana ay tumulad sila kina James at Nadine na nagawang aminin ang kanilang relasyon.
MA at PA – Rommel Placente