ITINANGGI ni Ogie Alcasid na may tax case ang daddy niya at ang kompanya na konektado siya, mayroon lamang daw itong problema pero naayos na.
Nalaman namin sa aming source na may problema ang ama ni Ogie dahil hindi kompleto ang isinumiteng dokumento nito sa BIR.
“My father? Ah no, ‘yung company nila, I think naayos na nila ‘yun. Hindi siya (daddy), mahirap lang ang tatay ko, ha, ha, ha. Mahirap lang kami,” natawang sabi ng isa sa main hosts ng Happy Truck Happinas na mapapanood na sa Marso 6, Linggo, 11:00 a.m. sa TV5.
Sabi namin na may pag-aari ang pamilya nila na Rural Bank at milyones ang pondo bago ka magkaroon nito.
“Yeah, but my father is almost retired so he doesn’t pay many taxes, it’s the company he works for,” katwiran ni Ogie.
Baka nga nagamit lang ang pangalan ng ama ni Ogie dahil nga kilala siya.
“Siguro, pero okay na ‘yun,” sabi ng TV host/actor.
Samantala, pagkatapos ng Q and A ay inamin ni Ogie na si Grace Poe ang susuportahan niya sa Presidential election.
“Sayang, hindi ko nga napanood ‘yung debate kasi nasa Australia ako, pero from what I saw, I think she did very well, so ‘yung susunod is with TV5 at I’m excited to go to Cebu, I wanna be there to give moral support to Grace,” pahayag pa ni Ogie.
Sa kabilang banda, kaibigan din ni Ogie si Saranggani Representative Manny Pacquiao at natanong ito kung ano ang masasabi niya sa isyu tungkol sa same sex-marriage at kung nakapag-usap na sila.
“Hindi, eh, I was also in Australia (ha, ha, ha). More or less we have the same faith but not with the same church, pero hindi pa kami nagkakasama sa prayer meeting. But you know, were all Christians and I’m happy, you know, let’s finish, let’s move on to that issue,”paliwanag ni Ogie.
Maraming gay friends ang asawang si Regine Velasquez, ”o yes, I love our gay friends, I played gay roles all the time. I think, it’s important that we forgive and probably heal first, maraming nasaktan, eh. It’s understandable,” pahayag pa ng TV host.
FACT SHEET – Reggee Bonoan