NAKAPAGTATAKA na hindi sinagot ng diretso ni Toni Gonzaga – Soriano ang tanong sa kanya kung totoong buntis na siya nang makausap siya sa katatapos naAnak TV Awards na Hall of Famer na siya.
Ayon kay Toni, ”I think this is not the right moment and the right place to talk about it. Siguro may tamang panahon.”
Nasulat namin dito sa Hataw na tatlong buwang buntis na ang Multi Media Star base sa kuwento ng aming source na, ”first trimester” ang terminong ginamit sa kanila ng kampo ni Toni at iaanunsiyo raw nila ito sa lalong madaling panahon.
Nabanggit din ng aming source na hindi nakakapag-taping si Toni ng seryeng Written In Our Stars dahil masama ang pakiramdam nito minsan at nabanggit din ng taga-ABS-CBN na posibleng palitan na ang aktres sa papel niya.
Pero huling kuwento naman sa amin ng kampo ni Toni ay tatapusin niya ang Written In Our Stars dahil kasama ito sa kontrata noong nag-renew siya.
Ang tanong, kailan ba ang right time at saan ang right place para magsalita si Toni kung buntis na siya o hindi pa?
FACT SHEET – Reggee Bonoan