Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pakikipagtagisan sa acting ni Ruffa sa mga bida ng Bakit Manipis ang Ulap?, inaabangan

MUKHANG manggugulat na lang ang produksiyong bumubuo ng Bakit Manipis ang Ulap? sa mga dapat pang abangang episode after the pilot week.

Very imposing kasi sa opening credits nito ang pangalan ni Ruffa Gutierrez alongside ng mga bidang sina Claudine Barretto, Cesar Montano, Meg Imperial, at Diether Ocampo yet ni anino ng dating beauty queen ay hindi pa bumubulaga.

Maging sa grand presscon ng BMAU ay conspicuously absent si Ruffa.

Feeling namin, isang nakakakabog na papel ang inilaan ng Viva TV para kay Ruffa para mas kumapal ang kuwento sa likod ng “manipis na ulap.”

Ruffa’s inclusion in the powerhouse cast is a breath of fresh air. Matatandaang kabilang si Ruffa sa cast ng isang teleserye sa TV5 sa third quarter ng 2015 na makaraang umere ang dalawang episodes nito ay nakansela na nang tuluyan ang proyekto.

Seeing Ruffa again is a welcome sight para sa kanyang mga follower. Year 2016 only proves na taon ito ng muli nilang paghataw ng kapatid na si Richard sa TV after a long while.

Sa darating kasing February 29 ay magpi-premiere na ang Carlo J. Caparas’ Ang Panday, 9:00 p.m.. Alas nuwebe y medya naman ang bagong time slot ng Bakit Manipis ang Ulap?

Isang acting piece ang role for sure ni Ruffa sa BMAU, kaya excited ang mga manonood kung paano siya makikipagtagisan sa mga bituin nito  sa pagtutok ni direk Joel Lamangan.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …