Friday , November 22 2024

Knock-out si Pacman sa upak laban sa LGBT (Hayop? Hayop talaga!)

SAYANG talaga ang sandamakmak na kuwarta ng world champ na si Emmanuel “Manny” Pacquiao.

Hindi niya nagagamit nang tama ang kanyang milyones dahil hindi man lang siya nakaupa ng mga tamang tao para maging adviser lalo na sa mga public interview.

Ngayon ay kaliwa’t kanang upak ang dinaranas niya dahil sa komentaryo niyang mas masahol pa sa hayop ang same sex marriage.

Namanhid na yata ang buong utak at katawan ni Pacman sa dami ng bugbog na tinanggap niya sa hindi mabilang na laban sa lona.

Naubos ang kanyang sensibilidad dahil mas ninais niyang mamanhid ang utak at buong katawan kapalit ng sandamakmak na kuwarta na ngayon ay hindi niya maibili ng tamang kaalaman, pananaw at pang-unawa.

Kumbaga, hindi niya napunuan ng kanyang milyones ang kakulangang intelektuwal na hindi niya naipundar dahil nilamon siya ng pagnanasang takasan ang kahirapan sukdulang magkagula-gulanit ang bawat selyula sa kanyang katawan sa mga natatanggap na bugbog sa boksing.

Mismong ang matagal nang usap-usapan na siya ay minsang nagkaroon ng gay benefactor sa Paquita St., Sampaloc, Maynila ay naghulas na ‘ata sa isip ni Pacman!?

Nalimutan na kaya ni Manny ang kanyang ‘bestfriend’ doon sa Paquita St., na siyang bumibili ng kanyang underwear, toothpaste, sabon, deodorant, shampoo, etc.?

Hindi lang ang nakaraan ni Manny ang nagbabangon at kumakalat ngayon sa social media dahil sa kanyang insensitive na sagot sa isang tanong na puwede sana niyang masagot nang tama kung mayroon siyang magagaling na advisor

Nadamay na rin pati ang kanyang pamilya. Ang pisikal na kaanyuan ng kanyang ina ay pinintasan at ang pakikipagrelasyon sa isang lalaking mas bata pa kay Manny… ‘yan daw ang tunay na hayop!

Kinaladkad din sa isyu ang hindi umano matapos-tapos na pagpaparetoke sa katawan at mukha ni Jinkee (salamat kay Vicky ‘hayden’ Belo).

Ang isyu tungkol sa (mga) babaeng naanakan umano ni Manny (kumusta na kaya sila)…

Lahat ng ‘tsismis’ at kontrobersiya laban kay Pacman ay muling nagbangon dahil sa padalos-dalos at tila hindi nag-iisip na pagsagot ng pambansang kamao.

Ngayon ay magkakaroon ng realisasyon si Pacquiao kung anong klaseng ‘HALIMAW’ ang ‘POLITIKA’ sa bansa.

Kahit nag-apology na siya sa kanyang pahayag at nanindigan na iyon ay galing sa Biblia, sorry but the  the damage has been done…

Pati nanay ay nadamay, ang pamilya at propesyon, at ang kanyang buong pagkatao ay muling nahalukay…

Hindi lang bugbog kundi KNOCKOUT agad ang inabot ni Pacquiao dahil sa kanyang maling pahayag.

Hindi kailangan maging LGBT para maunawaan ang kanilang kalagayan, damdamin at pag-iral sa lipunan.

May kasabihan nga, “Bihisan ka man ng ginto ay tanso ka pa rin!”

Research-research and LGBT immersion din kapag may time Manny boy, ‘wag puro kuwarta at kapangyarihan ang ilagay sa iyong tuktok…

Paganahin mo ang naalog mong utak!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *