Yes Ateng Maricris, noong Lunes daw ang first shooting day nina Lloydie at Jen sa San Fernando, Pampanga at talagang pinagkaguluhan daw ang dalawang artista.
Binisita namin ang Starcinema.com at sakto may litrato ang dalawa habang binibigyan siya ng instruction ni direk Cathy at kitang-kita na kahit init na init ang dalawa (mainit ang panahon) ay mababanaag na masaya sila.
Binalikan namin ng tanong ang kausap na taga-Dos kung paano niya nasabing ‘finally, natuloy din.’
Ang kuwento sa amin ay matagal na raw may offer ang Star Cinema kay Jen pagkatapos ng English Only Please nila ni Derek Ramsay, pero hindi kinaya ng schedules ng aktres dahil naka-commit na raw siya noon sa Regal Entertainment, ang pelikula nila ni Sam Milby naThe Prenup na idinirehe ni Jun Robles Lana.
Nabalitaan din namin na ikinonsidera pala si John Lloyd sa #Walang Forever pero ginagawa na nga niya ang Honor Thy Father kaya siJericho Rosales na sakto naman dahil maganda ang chemistry nila ni Jennylyn.
Anyway, romantic-comedy daw ang concept ng pelikula nina Lloydie at Jen at knowing direk Cathy na forte niya ito kaya tiyak na maganda ito lalo’t parehong lovable sa screen ang dalawang artista niya.
Sabi nga ni Jen ay dream come true ang pagsasama nila ni JLC dahil, “fan niya talaga ako. lahat ng pelikula niya, pinanonood ko talaga.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan