Sunday , May 19 2024

Nathalie Hart, ayaw matawag na sexy star!

020816 nathalie hart princess snell

00 Alam mo na NonieAMINADO si Nathalie Hart na sasabak siya sa matitinding daring scenes sa pelikulang Siphayo ng BG Productions International na pag-aari ni Ms. Baby Go. Launching movie ni Nathalie ang pelikulang ito na pamamahalaan ni Direk Joel Lamangan.

“There’s gonna be nude scenes. That’s why I’m like preparing myself. Basically, diet ako everyday, but I’m working out and everything,” saad ng aktres.

Dagdag pa niya, “Iyon yung pinag-usapan namin ni Direk Joel, na there’s nudity, R-18 talaga ang movie, there’s some scenes na frontal and back exposure ako rito. Ang execution na lang ang pag-uusapan namin ni Direk, kung paano niya gagawin, nagkaintindihan na kami roon. Napag-usapan na namin iyon, para maging artistic talaga.

“Ang tagal na raw ng movie na ito and they were trying to find the right person, they were trying to find the right face. Nang nakita niya ako, ayaw niya ng buhok ko. Sabi niya, gusto rin niya, ‘Magpa-itim ka at pati ng buhok.’”

Nakapanayam namin si Nathalie sa launching ng tatlong pelikula ng BG Productions na isinabay na rin sa birthday celebration ng Lady Boss nitong si Ms. Baby sa Horizon Hotel.

Ayon pa kay Nathalie, ang mga ganitong project ay mahirap palagpasin.

“I think siguro, mahirap, it’s either kailangan yung artista na gaganap ng role na ito kailangan napaka-strong na tao or matapang.

“Kasi napakahirap nang gagawin talaga, as in biruin mo, sinabi nila yung kaunting story kanina, magkakaron ako ng relasyon sa isang pamilya. Sa tatay at dalawang anak. Dalawa yung anak pero hindi ko sasabihin kung sino roon or whatever. Basta, it’s a very taboo story.”

Bukod kay Nathalie, ang Siphayo ay tatampukan din nina Luis Alandy, Joem Bascon, at Alan Paule na gaganap na mag-aama sa pelikulang ito.

Sa tingin mo ba, magmamarka ka sa pelikulang ito?

Sagot niya, “Oh yes, feeling ko, people would remember me after seeing this movie.”

Pahabol pa niya, “Sinasabi nila na daring at matindi ang gagawin ko rito, pero it’s gonna be artsy and I’m really excited dahil ito yung time na maipapakita ko yung my capacity to act. And it might open doors sa ibang bansa.

“Kasi, alam ko na ang Pilipinas ay hindi very open sa ganitong klaseng pelikula. Pero malay mo, it can open doors to other countries. Like sa Europe na parang wala na lang sa kanila ang boobs o butt exposures.

“Heto lang ang masasabi ko, you’ll be shocked! It’s not really… parang 80’s, pero this is not a bold film, this is not that kind of movie. Pero iyon nga lang, there’s some things na magugulat kayo.”

Handa na ba siyang maging sexy star? “Oh my God, ayaw ko naman sabihin na sexy star,” mabilis na reaksiyon ni Nathalie. “I mean, I don’t think naman na kung magpapakita ka ng katawan or magkakaroon ka ng bed scene, sexy star ka na.

“I mean, kung magpapa-kita ka ng katawan sa magazine, I think that’s a sexy star. Pero kung sexy actress na may ginagawa kang pelikula na isang art, I think that’s very different. I mean, ginawa mo iyon dahil kailangan sa movie at hindi para lang magpakita ng katawan.

“I mean, if I wanted to do it, I’ll just post it in Instagram. Alam mo iyon?  Kung gusto mo talagang mag-boom at maging sexy star, ibuyangyang mo lahat and sexy star ka na. Pero hindi ko naman kailangan iyon.”

Nag-e-expect ka ba ng award sa movie na ito? “I think I’m gonna do my best, iyon yung para sa akin. Dahil gusto ko rin talagang maipakita kung ano ang kaya kong gawin. Kaya I’m excited na talaga,” saad pa ni Nathalie.

Bukod sa Siphayo, ang iba pang pelikula ng BG Productions na magsisimula na very soon ang pagiling ng kamera ay ang Nuclear Family na tinatampukan nina Ara Mina at Martin del Rosario, ito’y mula sa direksiyon ni Direk Jason Paul Laxamana. Ang ikatlo ay ang Area (Magkera naka, Magkanu) with Ai Ai delas Alas at Allen Dizon, mula sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *