
NAMAHAGI ng mga regalo si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim sa mga bata matapos ang breakfast meeting sa Port Area, Manila. Tiniyak ni Lim sa mga residente na ang lahat ng libreng serbisyo noong siya ang alkaldeng Maynila ay muli niyang ibabalik pag-upo niyang muli sa city hall. Kasama niya sina 5th district Congressional candidate Josie Siscar, mga kandidatong konsehal sa 5th district na sina Jimmy Adriano, kasalukuyang barangay chairman; at kandidatong konsehal sa 6th district Irene Rillo; retiradong pulis na si Bert Murillo, Levi Arce, Mark ‘BigMac’ Andaya at Jaime Co, Jr.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com