Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam Milby, gustong maging leading man ni Pia

013016 sam pia

00 fact sheet reggeeKULANG-KULANG 200 beses ang nag-retweet sa sagot ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na si Doble Kara leading man Sam Milby ang gusto niyang leading man kapag nabigyan siya ng tsansang gumawa ng pelikula.

Ilang segundo palang ipinost ni Pia ang sagot niya sa kanyang Twitter account kahapon ay trending na kaagad at talagang ang saya ng supporters ni Sam.

Sa twitter account ni Wurtzbach na may hastag #askmissuniverse ay maraming netizens ang nagtanong sa kanya at isa na ang kung sino ang gusto niyang leading man? “Sam Milby;) – Pia #askmissuniverse,” ang sagot ng dalaga.

Isa pang sinagot ni Pia ng diretso ay kung sino ang Filipina beauty na puwedeng maging Miss Universe, “I can think of a lot.  But if I had to pick one.. Liza Soberano.  She’s beautiful! – Pia #askmissuniverse

Maging ang girl crush niya ay sinagot din niya, si “Beyonce of course, from one queen to another -:) – Pia #askmissuniverse.

Bihira kaming magbasa ng posts ng mga celebrity maliban lang kung may isyu, pero kay Pia, naaliw kami kaya ipa-follow na namin siya dahil game siyang sumagot sa lahat ng tinatanong sa kanya ng netizens at nabitin ang lahat dahil kinailangan na niyang ng magpaalam, “thanks for chatting with me, I wish I had more time but I’ll be back soon. Mahal ko kayo- Pia.”

Samantala, napangiti raw si Sam nang iparating sa kanya na siya ang gustong leading man ni Pia at hindi na siya nag-comment pa dahil ayaw niyang makisakay sa kasikatan ngayon ni Miss Universe.

At dahil sa public announcement na ito ni Sam ay baka gawan ito ng paraan ng Star Cinema lalo’t may gagawing pelikula sa kanila ang aktor na hindi pa lang namin alam kung ano dahil on the works pa.

Sige kayo, baka maunahan pa kayo ni Mother Lily Monteverde na kinukulit na rin si Sam na gawin ang 2nd movie with Jennylyn Mercado, ano ito sequel ng The Pre Nup?.

Pero bago sumabak si Sam sa pelikula ay kailangan muna niyang mag-concentrate sa Doble Kara na balita namin ay extended at ginagawa rin niya ang Written In Our Stars na as of this writing ay wala pang airing date.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …