MUKHANG masaya ang pasok ng mainstream movies this 2016.
Napakalaki ng Everything About Her dahil Vilma Santosstarrer nga ito with Angel Locsin and Xian Lim.
Tuwang-tuwa kami sa pagiging very active and cooperative ng mga loyal Vilmanian dahil kahit halos mga anak na rin nila ang mga fan and supporters nina Angel at Xian, join sila sa mga plano nitong magkaroon ng sunod-sunod na block screenings ang movie.
Ngayong January 27 na ito ipalalabas at sa aming pagkaka-alam ay booked na rin ng ilang grupo ang mga venue for block screening.
May ganyang wish din sina Kiray Celis at fans ni Derek Ramsay na tawang-tawa sa mga kalokohan nila sa Love is Blind.
Halos ito ang Valentine offering (Feb. 10 showing) ng Regal at dahil ganado ngayon sina Mother Lily Monteverde at Roselle sa pag-prodyus ng movie, sana raw ay agad itong masundan.
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus