Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiray, hottest leading lady para kay Derek

012416 derek kiray

00 SHOWBIZ ms mBUONG pagmamalaking ipinakita ni Derek Ramsay sa kanyangInstagram account na si Kiray Celis ang hottest leading lady niya.

Kaya naman talbog ang mga nakaparehang seksing aktres ni Derek gaya nina Anne Curtis, Cristine Reyes, at Andi Eigenmann.

Paano naman, maraming eksena sina Derek at Kiray sa Love Is Blind movie ng Regal Entertainment Inc., na mapapanood na sa Pebrero 10, na hindi mo aakalaing magagawa nila.

Nariyan ang pagkain ni Derek sa labi ni Kiray, pagpapasasa sa kamachuhan ni Derek at kung ano-ano pa.

Kaya hindi nakapagtatakang hindi nagpakabog si Solenn Heussaff kay Kiray na todo-landi rin ang ginawa kay Derek sa mga romansa nilang ginawa ng dating BF. Pumayag din siyang makipaghalikan sa labi sa actor para talbugan lalo si Kiray.

Kaya nga sinasabing sa Love Is Blind, mabubusog na ang mga mata kina Derek at Solenn sasakit pa tiyak ang inyong mga tiyan sa katatawa kay Kiray.

Kasama rin sa Love is Blind si Kean Cipriano at ito ay idinirehe ng award winning director na si Paul Jason Laxamana na naghatid ng mga pelikulang Babagwa (Cinemalaya), Astro Mayabang (Cinema One Originals), at Magkakabaung.

Kaya halina;t sama-samang humalakhak, umibig, at makisaya kina Derek, Solenn, Kean, at Kiray sa Love Is Blind.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …