SINABI ni Cameron Dunkin, manager ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire na hindi pa pinal ang ikinakasang laban ng Pinoy pug kay No. 4 ranked Zsolt Bedak .
Ayon kay Dunkin, kailangan pa nilang malaman ang resulta ng laban ng dating featherweight champion Evgeny Gradovich bago magdesisyon kung sino na nga ba ang ikakasa kay Donaire para sa magiging laban niya sa Abril 23 sa Smart Araneta Coliseum.
Ang manager ni Bedak na si Felix Racz ay nanatiling bukas ang komunikasyon kay Cameron pero nanatiling nasa balak ng alanganin ang negosasyon.
“Could be a risky defense for Donaire as he is still hungry,” pahayag ni Racz
Ang huling panalo ni Bedak ay laban sa isang PInoy boxer na si Ramie Laput na pinatulog niya sa 7th round.
Dahil sa inip ng paghihintay, desmayado si Racz na nagpahayag, “to be honest I won’t be surprised if for some reason this fight won’t happen.”