Namaalam na rin sila sa It’s Showtime noong Sabado at nakadilaw pa ang buong cast na binibiro namin si Ibyang (Sylvia) dahil naka-uniform sila, ”ewan ko, utos ng production, wala namang kinalaman ‘yun kay Kris Aquino.”
Pitong buwan ding magkakasama ang Ningning cast simula nang umere ito noong Hulyo 2015 kaya naman super close na silang lahat.
Isa si Ria sa sobrang nalulungkot dahil sobrang napamahal siya sa dalawang bagets na itinuring na batang kapatid, sina Ningning at Mac-Mac na estudyante niya sa Ningning.
Si Ria ay si Teacher Hope Cruz na naging kalaro nina Ningning at Mac Mac katunayan sa tuwing break nila ay naglalaro sila sa set o kaya naglulutu-lutuan na paboritong gawin ni Jana.
Ang Ningning ang big break ni Ria sa acting at hoping siya na may kasunod na offer sa kanya dahil ito talaga ang pangarap niya, sundan ang yapak ng mommy Sylvia at kuya Arjo.
Pero ang daddy Art Atayde niya ay gustong-gusto naman siyang maging newscaster at TV host.
“I’m open naman po to anything like if there’s any offer naman, OK. But as of now, ay focus po kasi ako sa acting,” say ni Ria.
At gusto nga raw ni Ria na makasama sa project ang mommy at kuya niya.
“Pero sabi po ni mommy, bago kami magsama-samang tatlo, dapat daw po ay mahasa muna ako sa acting, pero in terms of work, anything lang po, really,” sabi ni Ria.
Hindi naman maitatangging matagal ang paghihintay ni Ria bago nagkaroon ng serye kaya sa tanong kung mahaba ang ang pasensiya niya, ”it depends po, really. Kasi ayaw ko po ng walang ginagawa.”
No to showbiz BF
Ang ibinigay na rule ni Arjo kay Ria noong pasukin nito ang showbiz ay, ‘no to showbiz boyfriend!’
In fairness walang nagpaparamdam sa kanyang showbiz actors,”kasi po takot sila kay Arjo, ha, ha, ha,” tawa ng tawang sabi ni Ria.
Bakit nga ba ayaw ng kuya ni Ria ng taga-showbiz? ”Kilala ko na po kasi lahat, kaya if ever, wala rin akong mapipili sa kanila if ever. ‘Yun po ang reason din kaya wala rin akong ma-crush sa kanila (showbiz actors) kasi kilala ko silang lahat, alam ko lahat ‘yung mga kalokohan nila, alam ko lahat ‘yung ginagawa nila.”
Sa madaling salita, turn-off si Ria dahil kilala niya lahat.
“Hindi naman po ako turn-off, siguro ‘yung idea na, para mas kilala mo na ‘yung tao, nawawala na ‘yung mystery, so wala na akong ilu-look forward pa, wala ng kilig factor,” sangga nito.
Ano naman ang 2016 resolution ni Ria, ”complain less, not that I complained a lot, being more patient to myself and, madali kasi akong ma-frustrate pagdating sa sarili ko.
“Paghintayin mo ako, okay lang, pero ‘yung sa sarili ko, medyo mabilis akong ma-frustrate, iniiyak ko na lang, think about things na wasted, whatever, iyakin po kasi ako.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan