Thursday , June 25 2026

JuanEUKonek at EDSA Woolworth ng TFC, wagi sa MAM awards

010816 Pokwang

00 Alam mo na NonieSA pagtatapos ng 2015, back-to-back wins ang nakamit ng JuanEUKonek at TFC@theMovies ng The Filipino Channel (TFC) para sa Best TV Program at Best Film sa Media Advocacy at Migration Awards (MAM) na ginanap sa Social Security System (SSS) sa Quezon City sa Pilipinas.

Saktong nanalo ang JuanEUKonek ng ikalawa nitong Best TV Program (regular category) sa ikalawang taong anibersaryo nito,

Ayon kay CFO Executive Director Undersecretary Mary Grace Tirona, nanalo ang JuanEUKonek dahil sa pagpapakita nito ng pinagkaiba-iba ng mga buhay ng mga Filipino sa Europa mula sa au pairs (mga Filipino na nakatira isang host family base sa isang equal at mutual agreement), mga Pinoy nurses, mga Filipino achievers at pati na mga miyembro ng third sex, na tampok sa isa sa mga episodes na nagpanalo sa programa.

Tinanggap ng executive producer at host nito na si Rose Eclarinal ang award para sa fellow presenters nitong sina ABS-CBN Middle East and Europe Bureau Chief Danny Buenafe and Legal Consultant at community leader Gene Alcantara.

Samantala, nakamit naman ng TFC@theMovies ang pangalawa nitong award para sa exclusive production nitong EDSA Woolworth, isang kuwento ng pamilyang magkakaiba ang pinagmulan at pinaniniwalaan ngunit nanatiling buo dahil sa kanilang pagmamahal sa isa’t-isa. “Ang EDSA Woolworth na prodyus nina ABS-CBN Global Chief Operating Officer Rafael “Raffy” Lopez at ABS-CBN Corporation Chief Content Officer, President ng ABS-CBN University, at Executive Adviser to the Chairman Charo Santos-Concio sa ilalim ng direksyon ni John-D Lazatin, ay ang pangalawang award na ng TFC@theMovies simula noong unang beses itong nanalo para sa kauna-unahang pelikula nitong “A Mother’s Story” sa ilalim ng film category.

Ayon naman sa lead actress na si Pokwang na tumanggap na award kasama ang real at reel-life partner na si Lee O’ Brian, “Pinapakita ng EDSA Woolworth ang pagmamahal ng pamilyang Filipino. Pagdating sa pamilya, wala tayong inuurungan. Dito natin na-realize na hindi madali ang buhay ng mga migrante. Nagpapadala sila tuwing Pasko pero hindi natin alam ang pinagdadaanan nila.”

Ang JuanEUKonek ay isang programang nilikha ng JREM exclusively para sa TFC at ipinapalabas sa TFC sa Europe at Middle East at sa ABS-CBN News Channel (ANC). Mapapanood naman ang “A Mother’s Story” sa TFC.tv. Para sa kumpletong winners, bisitahin ang www.cfo.gov.ph.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …