Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni Gonzaga at Direk Paul, next year pa gustong gumawa ng baby!

010616 Toni Gonzaga Paul Soriano

00 Alam mo na NonieIPINAHAYAG nina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano na next year pa nila balak magkaroon ng baby. June of last year lang ikinasal ang dalawa.

Sa panayam sa kanila ni Kris Aquino sa pamamagitan ng programa nitong Kris TV, sinabi ni Direk Paul na bandang June sa taong ito nila paplanuhing makabuo na ng baby. Kaya kung loloobin daw ng Maykapal, next year ay maaaring may tsikiting na sila ni Toni.

“If God wills it, the first part of 2017, we would have a little one,” pahayag ng award winning director.

Sinabi naman ni Toni kung bakit ayaw ng kanyang esposo na ngayong taon sila magka-anak.

“Ayaw niya ng2016. Ayaw niya ng year na 1 – 6. Gusto niya 7. He likes 7.”

Pero nilinaw naman ni Direk Paul na wala naman daw siyang against sa taong 2016, personal preference niya lang daw ang year na 2107 para magka-baby na sila ni Toni.

Sinabi pa ni Direk Paul na gusto ng mga magulang niya na maging kambal ang magiging anak nila ni Toni.

“The reason they want twins is at least, they have one each. They don’t fight over one.”

Sa naturang panayam pa rin, nakita ng viewers kung anong klaseng husband si Direk Paul dahil concern talaga siya sa kanyang misis, lalo na kapag madaling araw na raw ito umuuwi.

“I would get home late na, mga 10 and she’s not home yet. So me, now being a husband, I don’t want her on the road 2 am.”

Ipinahayag naman ni Toni na hindi nila hinahati ang kanilang gastusin, pero talagang pinaghahandaan nila ang kinabukasan ng kanilang magiging anak at pati na ang kanilang dream house.

Idinagdag pa ni Direk Paul na may joint bank accounts sila ng kanyang misis na isa sa bida sa ABS CBN sitcom na Home Sweetie Home with John Lloyd Cruz.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …