MASAYA si Drew Arellano ngayong Pasko. Paano ba naman nanalo ng Best Travel show ang programa niyang Biyahe ni Drew. Nagbunga rin ang pagsisikap ng actor. Hindi biro mag-travel lalo sa malalayong lugar.
Wala namang problema kay Drew dahil hilig niya ito noon pa. Sa pagbibiyahe ni Drew, nakaka-discover siya ng mga bagong bagay. Nakita niya kung paano kinukuha sa puno ng niyog ang ginagawang tuba noong nagpunta ng Batangas. Doon din niya nalamang napakasarap pala ng atis, na hindi pa niya natitikman.
Natutuwa tuloy si Drew, kapag napupunta sa mga mall, hinahanap agad ang atis sa fruits section.
Malaki ang pasasalamat niya sa PMPC para sa award.
SHOWBIG – Vir Gonzales