KAHIT wala na sa MMDA si papa Chairman Atty.Francis Tolentino, nangako pa rin ito na this year’s MMFFay mararamdaman namin siya.
Sa loob kasi ng six years kung kailan hinawakan ng MMDA ang taunang MMMFF, marunong makisama at magaling ang ipinakitang liderato ni papa Chairman.
Proof to this nga ay ang taon-taong pagtatala ng box-office record (the highest so far sa history na kumita ng almost a billion pesos) ng entries kaya naman well-supported ng funds ang mga program ng MMDA at iba pang agency-related thrusts.
Sayang talaga, pero masaya na rin tayo mare na sa bagong larangan na gustong pasukin ni papa Chairman (as a future senator) ay umaasa tayong baon-baon niya ang kanyang katapatan, linis ng puso, mahusay na liderato, at parehas na dunong at siyempre ang ipinagmamalaki nating partido bilang isang Pilipinas para sa mga kapwa-Filipino.
Nasa likod mo rin kami papa Chairman at susuporta sa iyo!
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus