This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ISA ako sa mga nagulat nang lumabas ang balita na namamayagpag pa rin pala ang sabong online sa internet.
Lumalabas na ang base ng kanilang operasyon ay naririto sa ating bansa pero malamang ang naaabot nitong mananaya ay hanggang sa ibang bansa.
Hindi po virtual ang sabong online gaya sa ibang computer games.
Ang modus operandi, mayroong videographer na siyang kumukuha sa nagaganap na sabong sa isang legal na cockpit arena.
Siyempre naka-set-up din ang laptops, desktop computers, internet modems, LTE broadbands, audio mixers, video switchers at mga camera na gamit sa broadcast online.
Kaya nagkakaroon ng tayaan. Dahil hindi naman ito lisensiyado at rehistrado sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno, siyempre illegal ang online sabong na ito.
Hindi pa pinag-uusapan diyan kung mayroong nagaganap na estafa sa mga nananalo.
Pero ang klaro rito, illegal ang pagpapataya ng mga sabong online na www.sabongtambayan.com, www.sabongworld.net, www.sabongcavite.com, www.sabongch.com, www.sabongbisaya.com, www.sabongglobal.com, www.sabongprince.com, www.sabongtayo.com, www.sabongiloilo.com, www.sabongpoint.com, www.sabongkabayan.com, www.sabongbig5.com, www.sabongnow.com, www.sabongN.com, www.sabongquezon.com, www.marangalsabungero.com, www.sultadahan.com, www.sultadahan2.com www.kakaruksabong.com, www.sabongw.com, www.sabongarena.net, www.esultada.com.ph, www.sabongbatangas.com, www.sabong5.com, at www.sabongqueenlive.com
‘E ano palang ginagawa ng Games and Amusement Board (GAB) at ng National Telecommunications Commission (NTC)?!
Ano kayo riyan, nganga at pakaang-kaang lang?!
Naunahan pa kayo ng National Bureau of Investigation (NBI) para sudsurin ‘yang mga ilegal na sabong online na ‘yan!
Kumilos kayo!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com