Si Gov. Recto ang may idea ng festival gayundin ng patimpalak awitan na dinadaluhan ng maraming artista. Ngayong taon, nagsilbing host sinaVhong Navarro at Billy Crawford kasama si Alex Gonzaga. Mga hurado naman sina Christian Bautista, mag-asawang Dingdong Avanzado atJessa Zaragoza, at si Vehnee Saturno ang chairman of judges.
Umaasa si Ate Vi, na kahit matapos na ang termino niya bilang gobernador ng Batangas ay patuloy pa ring susuportahan ng mga Batagueno ang Ala Eh Festival. Matagumpay na naipakita ng pitong contestant mula Junior Champion Grand Finalists at pitong Senior champions ang kanilang talento.
Ang Junior Division ay kinabibilangan nina Lucas Nikko Garcia, Pauline Agapitan, Keon Patrick Driz, Marion Joyce Elefante, Hera Helen Macalalad, Monica Andrea Rosales, at Victor Jake Villanueva. Sa Senior Division naman ay sina Audrey Malaiba, Joel Alcaraz, Roel Riel, Melvin Rimas, Venus Pelobello, Jenimay Mabini, at Ma. Michelle Adajar.
Bago ang finals night ng VSR, nagkaroon muna ng presscon na ginawa saNDN Hotel at doon nasabi ni Ate Vi na may six shooting days pa sila sa ginagawa nilang pelikula ni Angel Locsin under Star Cinema. Natigil ang shooting daw abala siya at natapat sa Holiday season gayundin ang pagpapa-opera ni Angel sa kanyang sakit sa likod sa Singapore.
Ani Ate Vi, kapag nagsu-shooting sila ni Angel noon ay paika-ika ito dahil sa sakit na nararamdaman sa likuran. Naaawa nga raw siya rito.
Sa kabilang banda, muli namang sinabi ni Ate Vi na nagpapasalamat siya sa mga taong patuloy na nagtitiwala sa kanya lalo iyong mga nagnanais sana siyang kunin bilang pangalawang pangulo sa 2016.
“Maraming salamat sa mga nagtitiwala sa akin, kaya lang, si Sen. Ralph, nasa national government na at kung tatakbo akong VP, buong bansa na rin ‘yun. Eh, hindi ko makakaya kasi first priority ko pa rin ang family ko,”ani Ate Vi na kahit abala ay siya pa rin ang nagma-manage sa bahay nila. Kaya sobrang pahirap na sa kanya kung tatakbo pa siyang vice president dahil lalong mawawalan ng tao sa bahay nila.
SHOWBI KONEK – Maricris Valdez Nicasio