Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Image lang ni Jake ang pagiging babaero, pero ‘di totoo — Gabby

120415 gabby Andi Eigenmann Jake Ejercito

00 fact sheet reggeeKUNG si Gabby Eigenmann ang masusunod, gusto niyang magkabalikan sina Andi Eigenmann at ex-boyfriend nitong si Jake Ejercito.

“I think they’re friends, magkasama sila noong birthday ni Ellie, I think they’re okay,” sabi ng aktor nang tanungin kung okay na ulit sina Andi at Jake dahil nakitang magkasama sila sa 4th birthday ng bagets.

Nabanggit pa ni Gabby na tinawagan daw siya ni Andi noong may lumabas na balitang si Jake raw ang itinuturing niyang tatay ni Ellie.

“I agree, sa akin kasi, the way that Jake show kung anuman ‘yung pinagdaanan ni Andi noong nabuntis siya hanggang sa nanganak siya, Jake was there, very supportive all the way. Nakita namin ‘yung nagmahalan sila hanggang sa nag-break, nagkabalikan at nag-break ulit,” paliwanag ni Gabby.

Dati ay parating nagre-react ang nanay ni Jake na si Laarni Enriquez tungkol sa relasyon ng anak kay Andi, ”hindi na kasi ipinakikita ni Jake kung ano ‘yung kabutihang kinalakihan niya, with regards to Andi naman, everyone is entitled to their own opinion. Kung lumabas dati na ayaw nila kay Andi,” katwiran ng kuya ni Andi.

Puring-puri ni Gabby si Jake dahil pagdating daw kay Ellie ay parating present ang binata sa lahat ng okasyon, ”parang inaako niya lahat,” katwiran ng aktor.

Bakit ganoon ang samahan nina Jake at Andi at ang relasyon ng una sa bata kung talagang hindi siya ang ama?

“Siguro kasi Andi and Jake known each other since they were kids pa, so kung anuman ‘yung naging relasyon nila growing up hanggang sa naging sila and nabuntis pa, ang maganda kay Jake is, he’s with her, friends talaga sila. Ako gusto ko silang magkabalikan, pero siguro sa tamang panahon.

“Alam naman ni Andi kung ano ang gusto ko and she respect it, pero hindi dahil gusto ko ay kailangang gawin niya,” pahayag ni Gabby.

Sa sinasabing babaero si Jake, ”image lang naman ‘yun, hindi naman totoo ‘yun. Sa ipinakita niya sa amin, hindi naman. I know Jake, eh.  So what kung may mga friend na babae at nakikipag-date siya? Pero sa nakikita ko, wala naman, eh. Puro hokus-focus lang,” pagtatanggol ni Gabby.

Eh, si Andi na playgirl naman daw? ”Pinagsasabihan ko siya (Andi), sabi ko, ‘it’s okay to go out, you’re an adult na, but it necessarily mean na you go out on date every night with different guys.

“Ano naman si Andi (aware), ang lagi kong sinasabi sa kanya ay ‘yung anak niya, it’s okay to come home at night, to party but the end of the day, spent most of your time sa anak niya, nakikinig naman siya. ‘Pag depress lang, hindi mo puwedeng kontrolin.”

Mabuti pa kay Gabby nakikinig at close si Andi, sa mama Jaclyn Jose niya ay hindi yata, ”hindi naman, nakikinig din, ano lang, kasi ako na lang ‘yung natitira, being a kuya, parang daddy na rin, what matters to her is my opinion, sabi ko nga, I respected that because I feel I’m respected, pero hindi ko puwedeng sabihin sa kanya na ayaw ko ‘yan, gawin mo ‘to or ganyan. Basta ito ang sa akin, kung ano ang gusto mong gawin, bahala ka, basta ito lang ang sa akin, bahala ka (Andi).”

Samantala, walang galit daw si Gabby kay Albie Casino dahil out naman siya sa isyu nila ni Andi.

“Nagkita kami sa isang (event anniversary), wala lang chance na magbatian kasi sa CR (comfort room) kami nagkita, eh, ihing-ihi na ako niyon, paglabas ko, wala na siya. Hindi kami nakapag-pansinan.

“If ever ako naman ang babati, sasabihin ko, ‘what’s up bro, congratulations sa ‘On The Wings of Love’, hindi ko naman away ‘yun. At kung may away, bakit kailangang ma-drag kami,” kuwento ni Gabby.

Dagdag pa, ”I have nothing against Albie, nothing against Jake at doon sa nagpapasaya sa kanya ngayon, hindi pa namin nakikilala, eh.

“Sa akin lang, as a person, I cannot hate, pero kung tatanungin ako kung gusto ko sila para sa kapatid ko, madali lang sagutin ‘yun, pero as a person I can’t say I hate him or what.

Nakatsikahan namin si Gabby sa nakaraang pa-Thanksgiving at Christmas party ng PPL Entertainment na pinamumunuan ng manager na si Perry L. Lansigankasama ang pool of talents.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …