MAHIRAP ang pera, masaya kapag maraming pera, pero ‘pag sumobra nakapeperhuwisyo.
Halimbawa na lang nito ay ang maraming trabahong dumarating ngayon kina Alden Richards at Maine Mendoza. Kapwa kasi sila nagkakasakit dahil sa sobrang hectic ng schedules. Sa rami nga naman ng taong nakakasalamuha nila pati ang handler ni Alden ay nagkasakit na rin.
Hindi nga ba’t kahit si Wally Bayola ay nag-collapsed sa set dahil masama rin ang katawan. Minsan naman inabutan ng ulan si Alden. Ganyan siguro talaga ang buhay-showbiz, strike while the iron is hot. Pero hinay-hinay lang mahirap ang magkasakit.
SHOWBIG – Vir Gonzales